💙Chapter 1💙

880 28 9
                                    

Epilogue...

Paano ba ediscribe ang mundo? Bilog? Tulad ng gulong o anumang bagay na may kinalaman sa bilog na maihahalintulad sa hugis ng mundo,

Pero kung bilog ang mundo at paikot ikot lang ito, bakit ang mga tao hindi pa rin nagbabago?

Tulad ng nanay ko na laging busy sa ibang tao, minsan nga naiisip ko kung kelan ba ang huling salitang binigkas nya na mahal nya ako, o kung anak ba talaga nya ako,

Malabong mangyare yun!

Lagi na lang nya akong sinasaktan..

Pinapahiya...

Itinataboy...

At kinakahiya...

Ganun ba ako ka walang kwentang anak? Lahat naman ginawa ko para lang matuwa sya sakin

Pero...

Sa halip lalo lang lumalayo ang loob nya sakin.

Isa lang naman ang hiling ko mula noon hanggang sa nabubuhay pa ako yun ay...

Ang mahalin nya rin ako bilang anak!

Pero kahit ano pa man ang ugali ng nanay ko, mahal ko pa rin sya dahil nanay ko sya!

"ATHENA, nasaan ka nanaman ba!"
Halos matumba ako sa kinauupuan ko ng marinig kong sumisigaw ang nanay ko, lagi naman nyang ginagawa yun pero hindi ako masanay sanay

"Eto na po!" Dali akong tumakbo papasok ng bahay dahil ayokong magalit ulit sya, pagpasok ko nakatayo na sya sa sala bitbit ang sangkatutak na labahan at galit ang expression ng mukha nya

"Ikaw babae ka talaga bang pinapainit mo ang ulo ko?" Bigla syang lumapit sakin at ibinato ang hawak na labahan, dahil sa sobrang bigat at lakas ng pagkakabato nya natumba ako at halos matabunan dahil sa dami

"Sorry po nay hindi na mauu-"

"Sinungaling!" Agad na lumapat sa mukha ko ang palad nya, dahil dun naluha ako ng sobra

"Imbes na magtrabaho ka dito sa bahay mas iniintindi mo pa ang walang kwentang bagay" patuloy pa rin sya sa pag sermon na halos nag eecho na sa buong bahay

"Pasensya na po!" Yun na lang ang tanging lumabas sa bibig ko dahil ayoko nang magalit pa sya

"Umayos ka ha namumuro ka na, Anu pang hinihintay mo pasko? tumayo ka na dyan at labhan mo lahat yan ayusin mo ang paglaba nyan gusto ko malinis naintindihan mo?" Dinuro duro pa nya ako bago sya umalis at ngayon naiwan nanaman akong mag isa sa bahay!

Hinaplos ko ang pisngi ko na sobrang init dahil sa pagkakasampal sakin, ilang segundo pa, tumayo na ako at isa isang dinampot ang nagkalat na labahan,

Inabot ako ng 3 hours sa paglalaba dahil sobrang dami ng mantsa na halos ayaw ng matanggal,

"Aray! Ang sakit na ng likod ko!" Halos di ako makatayo daig ko pa yata ang may rayuma,

Pagkatapos kong maisampay ang lahat ng nilabhan ko, dumiretso muna ako sa kusina para kumain dahil hapon na at nalipasan na ako ng gutom, nag bungkal ako sa loob ng ref

"Huh? Bakit walang ulam? Samantalang nakita ko pa lang yung niluto ni nanay na menudo!" Dinoble check ko na talagang wala, maging sa kabinet wala rin kahit isang delata

"Anu kaya iuulam ko?" Binuklat ko ang rice cooker at bumungad sakin ang "tutong? At bahaw?" Napabuntong hininga na lang ako, bakit nga ba naghahanap pa ako eh bata pa ako ito na lagi Kong nadadatnan

I-m fine with U || KOOKU (Completed)Where stories live. Discover now