Hanggang ngayon nag iinit pa rin ang mukha ko sa tuwing maaalala ko ang sinabi ni Christian sakin, hindi ko sukat akalain na pwede rin pala akong magustuhan ng crush ko na matagal ko nang hinahangaan,
Nakakatuwang isipin, na napakabait ni christian, pero kalakip ng kasiyahan ko na yun ang lungkot na nadarama ko kapag andito ako sa bahay,
Dahil napakalungkot, walang kahit anong celebration ang pinagdiriwang, bagkus puro ingay, away, gulo ang makikita sa bahay namin, masasabi kong broken family kami,
Sa tuwing nakakakita ako ng pamilyang masaya, hindi ko maiwasang hindi mainggit lalo na kapag yung nanay napakamaingat sa mga anak nila,
Ako kaya kelan ko mararamdaman yun?
Naglinis muna ako ngayon sa bahay dahil napakakalat ng loob at labas, hindi ko alam kung anong ginawa ni nanay at palaging ganito ang bahay,
"Anak kamusta pag aaral?" Tanong ni tatay na nakaupo sa duyan habang may bitbit na kape, lumapit ako sa kanya at tinabihan sya
"Ayos lang tatay, nakakapagod pero ok naman" sagot ko at ibinaba ang walis na hawak ko, "sabi ko naman sayo ako na ang maglilinis"
"Hindi na tay magpahinga ka na lang, kaya ko naman to" pakiusap ko "alam mo napakaswerte ko talaga at naging anak kita" sambit nya sabay gigil sa pisngi ko
"Tay naman baka paiyakin nyo na naman po ako, ako po ang swerte dahil may tatay akong mapag mahal at mapag aruga sakin" hanga ko,
Sya lang ang Laging sumusuporta sa lahat ng ginagawa ko na palagi namang kinokontra ni nanay,
Napangiti si tatay "salamat anak, basta ha Laging mpng iingatan ang sarili mo kahit wala ako" sambit nya, kita ko sa mga mata nya ang lungkot, at nasasaktan ako dun!, sumandal ako sa balikat ni tatay
"Tay naman, wag ka namang magsalita ng ganyan, matagal pa tayo ng magsasama" hindi ko siguro kakayanin kapag nawala sakin si tatay, sya na lang kasi ang nakakaintindi sa sitwasyon ko,
"Hindi ako mawawala anak pero gusto kong masanay ka ng wala ako sa tabi mo para kapag dumating man ang araw na iyon, magiging matatag ka na!" Hinaplos nya ang buhok ko saka niyakap, naluha tuloy ako sa sinabi nya.
"Oh may gagawin ka pa ba anak? Sabay na tayong kumain" sambit nya "pero tay alam naman nating pareho na ayaw akong isakop sa pagkain ni nanay" napangiti ako ng mapait,
Umiling sya at tumayo "hindi anak, hanggat nandito ako sasabay ka saking kumain" pagtatanggol nya, "salamat tay ha the best ka talaga"
"Sus syempre ako yata ang Superman mo" itinaas nya ang braso na kunwaring Mala superman style, natawa tuloy ako "o Tara na kain na tayo"
"Opo tay" sambit ko at inakay ko si tatay papasok ng bahay "nga pala tay may fieldtrip po kami sa isang araw na, kailangan ko ng ID nyo para epaphotocopy"
"Ganon ba? Sige pagkatapos nating kumain bibigay ko sayo ang ID, magkano ba yang babayaran sa school?" Sambit nya sabay kuha ng wallet at nagbilang ng pera, agad kong pinigilan si tatay sa ginawa nya
"Wag na po tatay, binayaran na ni Lea yung akin" sabi ko "talagang napakabait na Bata nyang si Lea, oh ito baon mo para di ka magutom" sabay abot ng dalawang libo
"Di na tay itago nyo na lang yan para sa gamot nyo" tanggi ko "sige na anak tanggapin mo na, minsan lang ako kumita ng malaki kaya tanggapin mo na" nahihiya man ako pero tinanggap ko na lang
"Salamat po talaga tay"
"O sya sige, kain na tayo masarap tong ulam ngayon"
Masaya kaming kumakain ni tatay habang nagkukwentuhan pero Panay pa rin ang silip ko kung saan saan baka kasi sumulpot si Nanay at magalit ulit.
.
.
.
.
.
.
.
.
Napahikab ako sa sobrang antok, nabusog ako ng sobra sa kinain namin, pagkaayos ko ng gamit ko, nahiga na ako para matulog pagpikit ng mata ko saktong tumunog ang cellphone ko, hudyat na may nagtext,
YOU ARE READING
I-m fine with U || KOOKU (Completed)
RomanceHighest Rank #2 in Kiel (03/27/19) Highest Rank #1 in Idealman (03/28/19) Highest Rank #1 in Idealgirl (03/29/19) Si Athena na laging nasasaktan, hindi dahil sa love, ito ay dahil hindi sya magawang mahalin ng sariling ina bagkus mas binibigyan pa n...