(A/N: Hellloooo!!!😂😅 finally author is back...medyo natagalan lang ang pag UD ko dahil may hangover pa ako sa school, pero triny kong efocus na ang isip ko sa watty para makagawa tayo ng magandang scene
This chapter is dedicated to baby precious!)
First Day.....
Athena's POV;
Maaga akong nagising hindi dahil sa maaga akong natulog, kung hindi maaga akong nagising dahil hindi talaga ako masyadong nakatulog, Ewan ko ba mukhang may insomnia na ako, yan tuloy medyo masakit ulo ko
Naghilamos muna ako bago bumaba ng kwarto, nadatnan ko ulit ang mesa na puno ng pagkain, ganito talaga ako kamahal ni tatay, pero hindi si nanay,
Hays, ganun pa man naiisip ko, kamusta na kaya si nanay? Hanggang ngayon kasi di pa rin sya nauwi, ilang beses kong tinatanong si tatay, puro 'babalik din sya' ang Laging nyang sinasagot sakin, kaya ayun, kibit balikat ang Laging reaksyon ko
"O anak o anak gising ka na pala, kumain ka na!" Bungad ni tatay bago ako umupo sa upuan at inaamoy lahat ng luto nya, "ang bango nito tay ha sarap mo talagang magluto" puri ko habang kinujuha ang plato, umupo na sya sa tabi ko at inahinan ako ng sinangag
"Syempre para sa maganda at mabait/masipag kong anak" Banat nya dahilan para matawa ako "Grabe tay puring puri po ako ah, binobola nyo lang ako eh" natatawa kong sabi sabay subo "naku anak bakit naman ako mambobola kung totoo naman ang sinasabi ko?"
Taas noo nyang sagot sabay inom ng kape, Napa "ahh" na lang ako sa sinabi nya, nag iisa lang talaga ang tatay ko kaya hinding hindi ko sya ipagpapalit kahit kanino,
Susubo na sana ako ng biglang magsalita si tatay, "anak matanong lang hindi mo na ba nakakasama yung gwapong binata na naghatid sayo dito sa bahay?" Sakto sa pagsubo ko ang sinabi ni tatay, kaya nabulunan ako ng wala sa oras
"Eh, ehem, ehem, tatay naman"Nauubo kong sabi at pinunasan ang bibig ko, inabutan nya ako ng tubig "o napano ka naman, may nasabi ba ako?" Taka nya habang inaalalayan sa pag inom, alam ko kung sino ang tinutukoy ni tatay dahil nung si Christian ang nagpunta dito, wala sya, ang tanging naabutan nya lang dito ay walang iba kung hindi si Kiel
"Wala naman po tay ah kain na lang po tayo" pag iiba ko dahil ayokong pag usapan namin si Kiel lalo na at bumalik sa alaala ko ang nangyare kahapon
Kaso mukang di ako titigilan ni tatay "hindi mo pa sinasagot ang tanong ko anak, kamusta na si Kiel may balita ka na ba tungkol sa kalagayan nya?" Seryoso nyang tanong isa pa sa nagpapagulo sakin ang Laging nyang pagkamusta kay Kiel, pero lahat ng yun Ay baliwala lang kay Kiel parang nawalan na sya ng pakialam sa amin,
"Ahm,......ok naman po sya magaling na" nag aalangan long sagot sabay yuko, "ok? Bakit may balita ka na sa kanya?" Excited na tanong ni tatay, kabilaktaran naman yun sakin "mmmm, nagkita na po kami kahapon" wala sa sarili kong sagot
"Talaga? O ano magaling na ba sya? San kayo nagkita, anung sabi nya" sa tanong na yun ni tatay parang gusto ng hilingin na lamunin ako ng lupa, kaso hindi naman mangyayare, hindi ko alam kung pano ko sasagutin ng mga tanong ni tatay lalo na at hindi maganda ang muling pagkikita namin ni kiel
Napunta lang ulit ito sa bangayan at..........
At yung ki- hindi hindi ko na dapat isipin yun, masyado lang siguro syang paraning kaya nya ginawa yun sakin
YOU ARE READING
I-m fine with U || KOOKU (Completed)
RomanceHighest Rank #2 in Kiel (03/27/19) Highest Rank #1 in Idealman (03/28/19) Highest Rank #1 in Idealgirl (03/29/19) Si Athena na laging nasasaktan, hindi dahil sa love, ito ay dahil hindi sya magawang mahalin ng sariling ina bagkus mas binibigyan pa n...