"Tatawagan ka na lang namin!" Sambit ng staff na pinag aaplyan ko, dalawang araw na kong naghahanap ng trabaho pero wala pa ring tumatanggap sakin,
Napaupo ako sa bench dahil sa pagod. Inilapag ko ang hawak ko sa tabi at saka nagpunas ng pawis "ba yan, dalawang araw na akong naghahanap ng mapapasukang trabaho pero Laging sinasabing tatawagan ako" malalim ang naging buntong hininga ko sabay inom ng tubig na halos paubos na.
Hanggang ngayon hindi ko pa nasasabi kila Christian at Lea ang nangyare sakin, dahil ayokong maabala pa sila, inaakala pa rin nila na duon pa rin ako nagtatrabaho, kahit na sa totoo lang wala na talagang pag asang makabalik pa ako
Malapit nanaman ang exam at kailangan kong makabayad ng tuition, ang problema lang....Saan ako hahanap ng ipambabayad ko!??
Nagdecide na akong umuwi dahil sa pagod hindi na rin muna ako masyadong magpapakita kay tatay para di nya ako kulitin kung bakit maaga akong nauwi ng bahay.
.
.
.
.
Nang sumunod na araw, maaga akong umalis ng bahay para Maghanap ng trabaho, kaso lang gaya kahapon at nung isang araw, iisa lang ang sinasabi nila, tatawagan ka na lang namin" nakakapagod lalo na mainit ang panahon,Umupo ako sa bakanteng upuan ng convenient store, inilapag ko sandali ang folder at bag ko sa ibabaw ng table, sabay punas ng pawis "bakit ganon, ok naman ang resume ko pero Laging nilang sinasabi na tatawagan ako? Hays"
Pero kahit anung mangyare, hinding hindi ako susuko, ngayon pa bang malapit na akong grumaduate? Never give up. Tumayo na ako para pumunta sa iba pang lugar na pwedeng pag aplayan.
.
.
.
.
.
.
Nakarating ako sa isang Merchandise shop, napakalaki at napakaganda ng labas, bahagya akong lumapit sa fiber glass ng shop para sumilip, medyo marami ang mga taong nandoon, karamihan Ay puro millennial, nakakabighaning tignan, itinuloy ko lang ang pagsilipHanggang sa humakbang ako pakaliwa para tignan pa ang mga merchandise na nakadisplay sa loob "AHH!!!" Napaatras ako dahil nasagi ng ulo ko ang green board na nakasabit sa fiber glass, tumama dun ang noo ko pero di naman ganon kasakit.
Babaliwalain ko na sana ng mamalikmata ako, hindi ko alam kung talagang namamalikmata ako o tama ang nakikita ko na may wanted sales merch na nakasulat sa green board,
Nung una hindi ako naniniwala, pero nang kusutin ko ang mata ko malinaw sakin ang nakasulat na naghahanap sila ng sales merch, mukhang ginanahan ako kaya walang atubiling pumasok ako sa loob ng shop at dumiretso sa counter saka nagtanong
"Ah miss magandang umaga" Bati ko "good morning ma,am how may I help you?" Tanong naman nya "nakita ko kasi yung board nyo sa labas na naghahanap kayo ng bagong employee" turo ko sa labas
"Mag aapply sana ako ngayon" sambit ko, nakangiti naman akong tinignan ng babaeng kahera, "ganon po ba? Sige po punta ka dyan sa may side sa kanan ka papasok tapos may makikita kang pintuan nandoon ang secretary ng boss namin, dun ka mag apply sa kanya para masabi dun sa manager at kung matatanggap ka"
Nakangiting advice nya "talaga maraming salamat" excited kong sabi "walang anuman good luck sayo!" Huling sabi nya bago tuluyang ituon ang atensyon sa mga costumers nilang nakapila, habang ako naman mabilis na tinungo ang daang tinuro nya.
Sa sobrang excited ko, natapilok pa ako pero ok lang, sana ito na ang lucky day ko, alam kong hindi ako papabayaan ni god ipinagpiprey ko rin na sana matanggap ako.
.
.
Pagdating ko sa pintuang tinutukoy nya, agad akong kumatok *knock knock* wala pang ilang segundo ng may sumagot "please come in" rinig kong sambit ng nasa loob, pipihitin ko na sana ang door knob ng mapansin kong magulo ang buhok ko dahil sa lakas ng hangin kanina.Sandali kong inayos ang sarili ko, konting suklay ng buhok gamit ang kamay sabay pagpag ng damit saka ko tumayo ng tuwid at nakangiting binuksan ang pintuan papasok, bumungad sa akin ang magandang secretary
YOU ARE READING
I-m fine with U || KOOKU (Completed)
RomanceHighest Rank #2 in Kiel (03/27/19) Highest Rank #1 in Idealman (03/28/19) Highest Rank #1 in Idealgirl (03/29/19) Si Athena na laging nasasaktan, hindi dahil sa love, ito ay dahil hindi sya magawang mahalin ng sariling ina bagkus mas binibigyan pa n...