💙Chapter 34💙

106 9 4
                                    

"Bhest kamusta work mo sa shop?" Bungad sakin ni lea pagkatapos ng una naming klase "mm ok naman bhest" sagot ko, kasalukyan na kaming nag aasikaso ng requirements para sa magiging OJT namin, medyo toxic sa oras pero ok lang hindi naman magtatagal to!

Makalipas ang tatlong oras na pag aasikaso, sa wakas natapos na rin at pinasa na namin sa Dean kung saan sya ang namamahala sa buong HTMD dept. "Kain muna tayo Bhest gutom nako" nakapout na sambit ni Lea

"Ok sige gutom na rin ako" sagot ko at nagtungo kami sa isang canteen at umorder ng makakain, naisipan kong luminga sa entrance ng makita kong papasok si Christian, at di kalayuan sa pwesto namin, nakita nya ako kaya kinawayan ko sya,

"Kanina pa kayo dito?" Bungad nya pagkaupo "hindi, kakarating lang namin" mahina kong sagot, tumango sya "mm wait bibili ko kayo ng foods"

Mabilis ko syang pinigilan ng magtangka syang tumayo "hindi na, andun na si Lea nakaorder na" bumalik sya sa upuan at hinarap ako "oh! I see, by the way, how's your requirements?" Tanong nya

"Ok naman actually kakapasa lang din namin kanina sa Dean, ikaw?" Balik kong tanong "kakapasa ko lang din, nakasabay ko pa ngang magpasa si Kiel" sambit nya habang nilalaro yung tissue

"Ahh buti naman nakapag asikaso na rin sya" wala sa sarili kong sagot maya maya lang dumating na si Lea dala ang pagkain "dami nyan Lea ah" gulat ko habang nilalagay nya ang trey sa mesa "hi lea" bati ni christian at tinulungan si Lea

"Oo dinamihan ko talaga nakita ko kasi si christian habang nasa pila ako kanina kaya ayan sinakop ko na rin sya" nakangiti nyang sabi "thanks lea naunahan mo lang ako" pagbibiro nya

"Oo na lang Tara kain na tayo gutom na talaga ako" reklamo nya sabay dampot ng sandwich, nginitian na lang sya ni christian at kumain na rin kami, habang nakain kami, pare-pareho kaming napatigil sa pagsubo dahil sa biglang pagsulpot ni Kiel sa harapan namin,

"Kiel?" Halos sabay sabay naming sabi, dahil di naman sya masyadong nakikihalubilo sa amin noon he smirk "relax guys I'm just want to eat with y'all together" cool nyang sabi sabay upo sa tabi ko, pareho kaming nagkatitigan bago may umimik samin

"Ok your always welcome" sambit ni christian at inalok sya ng kinakain nya "no thanks bro I already have foods" sagot ni Kiel at inilapag ang dala nya sa mesa, isa isa nyang inilabas ang pagkain, at nakaagaw ng atensyon ko yung huling inilabas nyang vanilla ice cream with graham

Parang nagningning ang mata ko, "wow" yun lang ang nasabi ko "dami nyan kiel huh ikaw lang kakain nyan?" Taka ni Lea "nope, i will give this one to Athena" sagot nya at inabot sakin ang ice cream

"And here pili na lang kayo" dugtong nya itinulak sa gitna lahat pagkaing dala nya

Napansin ko ang tahimik bigla nila Christian, mukhang ako lang ang nag enjoy sa dala ni kiel "ahm salamat sa dala mo Kiel" pambasag ko sa katahimikang bumabalot sa aming apat, ngumiti sya "your always welcome"

Binuksan na nya ang burger saka ito kinain "ang bongga mo Kiel ha ano nakain mo-aray!" Siniko ko bigla si Lea ok na eh sisirain pa baka mamaya magtransform na lang tong isa

"Aray besh shaket ha?" Reklamo nya habang hinihimas ang tagiliran "that's ok ahm Athena gusto ko sanang ayain kang kumain sa labas mamaya" singit ni christian pero agad namang sumagot tong si Kiel "hindi sya pwede mamaya dahil may work sya" sambit nya

"Ah ano kasi oo may work nga ako mamaya pero after ng shift ko pwede na ako" biglang singit ko dahil parang may hindi ako magandang nararamdamang awra sa dalawang to "ok susunduin kita mamaya-"

"But its too late, masyado ng gabi yun" putol ni Kiel sa kung ano mang sasabihin pa ni christian, ano ba naman Kiel wag ka nang umeksena ako nahihiya sa ginagawa mo!

I-m fine with U || KOOKU (Completed)Where stories live. Discover now