💙Chapter 15💙

141 11 4
                                    


Mabilis lang din kaming nakabalik sa bahay nya ng walang imikan, pagka hintong pagkahinto nya sa tapat ng bahay nya agad syang lumabas ng kotse at pumasok sa loob,

Kapal Neto! Matapos akong sunduin at piliting sumakay, iiwan lang din ako dito?

Wala na akong nagawa kung hindi bumaba mag isa, sanay naman na ako na mag isa Anu pa nga ba?, pumasok na ako sa loob at naglakad ulit ng pagka layo layo, hanggang marating ko ang sala,

Habang si Kiel nakaupo at nakatihaya sa sopa, tignan mo to ang tindi nakatihaya lang dito habang ako naglalakad ng hindi nya inaalalayan, "hoy Kiel baka pwedeng ihatid mo na ako samin, or kahit sa labas na lang ng village nyo" 

Inis kong pakiusap sa kanya pero bumuntong hininga lang to "kiel ano ba nakikiusap ako-"

"Can you please shut up your mouth even a seconds!" Maotiridad nyang utos, dahilan para matahimik ako "kainis naman Kiel, kung ayaw mo akong samahang palabas ng village nyo, ituro mo na lang ang daan palabas para di ka na maabala kung nagagalit kang nangungulit ako sayo"

"Bakit ba aporado kang umalis ha-"

"Dahil sasaktan nanaman ako ng nanay ko kapag hindi ako nakauwi" sigaw ko at nag-unahang bumagsak ang luha ko, bahagya syang natulala sa sinabi ko, magsasalita pa sana sya pero hindi ko na hinintay pa yun, bumalik ako sa garden nila at duon ko ibinuhos ang emosyon ko,

Parang sasabog na hindi ko maintindihan, "BAKIT BA ANG MALAS MALAS KO!" sigaw ko, mukhang wala namang nakakarinig sakin dito dahil sa lawak nito,

"BAKIT PALAGI NA LANG AKONG NAPAPAHAMAK, BAKIT LAGI NA LANG GALIT SI NANAY SAKIN, BAKIT MARAMING TAONG NANANAKIT SAKIN, BAKIT KAHIT ANONG KABAITAN ANG GAWIN KO NILALAIT AT SINASAKTAN PA RIN NILA AKO, LORD KINALIMUTAN MO NA BA AKO!"

Wala na akong pakialam sa sinasabi ko ang mahalaga sakin ngayon ay mailabas ang nakakubling sama ng loob sa puso ko, "AAAHHHHHH!" Patuloy pa rin ako sa pagsigaw "sana tuluyan na lang akong nasagasaan para matapos na ang paghihirap ko-" halos pabulong ko na lang habang naiyak

"Do you think na sa isang pagpapakamatay mareresolba ba hirap mo?"

Sagot ng nasa likuran ko, mabilis kong pinahid ang luha ko at mabilis na tumayo "akala ko ba ayaw mo ng maingay" sambit ko

"Yup pero naririnig ko ang boses mo hanggang loob" napaurong dila ko sa sinabi nya, akala ko sa laki nito hindi ako maririnig Mali ako.

"Papagalitan mo na naman ba ako?" Pinunasan ko ulit ang mata kong nagbabadya nanamang tumulo, napabuntong hininga sya at umiling "no, sabi mo uuwi ka na Diba? So get your packed things and follow me outside maghihintay ako"

Sambit nya at mabilis na naglakad paalis, hindi ko man magets sinunod ko ang sinabi nya, kinuha ko ang gamit ko sa kwarto nya saka lumabas pero bago pa ako tuluyang lumabas, nagpaalam ako kay Lola

Pagdating ko sa labas naabutan ko si Kiel na nakasandal sa labas ng kotse, "hop in" utos nya ng hindi man lang ako nililingon, tahimik lang akong sumakay at ikinabit ang seatbelt saka nya mabilis na pinaandar ang kotse...
.
.
.
.
.
Tahimik lang ang naging byahe namin, may pagkakataong nararamdamam kong sinusulyapan ako ni Kiel pero di ko na yun pinansin pa at nanatili lang nakatingin sa bintana,

Siguradong sasaktan nanaman ako ni nanay dahil hindi ako nakauwi kagabe, bakit kaya imbes na mag alala sakin si Nanay, mas pinipili nyang saktan ako, hindi ba nya inaalala na baka may nangyare na sakin kaya hindi ako nakauwi?

Pakiramdam ko Laging may kulang sa pagkatao ko, pero di ko naman masabi kung ano nga ba yun, sa buong buhay ko ni minsan hindi ko naramdaman ang pagmamahal ng isang INA, bagkus nararamdaman ko pa yun sa mga taong nakikilala ko tulad ni Lea, Christian, kasama na dun ang Lola ni kiel.

I-m fine with U || KOOKU (Completed)Where stories live. Discover now