"Hoy tapos na ba yung pinapagawa ko sayo?" Bungad ni nanay sakin pagkapasok sa kwarto ko "opo nay" kinuha ko sandali sa terrace ang naka hanger nyang damit at inabot sa kanya.
"Ito po nay" hinablot nya lang yun at sabay talikod saka lumabas ng kwarto ko, balak ko pa sana syang tanungin kung saan sya pupunta pero alam ko naman na hindi nya yun sasagutin kaya pinili ko na lang manahimik
ni minsan hindi ko narinig na batiin ako ni nanay sa umaga, kung hindi sermon, utos naman ang ginagawa nya.
Hay mabuti pa at maghanda na ako para pumasok ayokong gawing drama ang araw na to dapat good vibes lang.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Pagdating ko ng school pumasok na ako papuntang hallway as usual maaga ulit ako at feel na feel ko hanging dumadampi sa buong katawan ko ang lamig buti na lang naka jacket ako.."Hey!" Nahinto ako sa paglalakad parang kilala ko yung boses na yun hindi ako pwedeng magkamali!...
Dumiretso lang ako sa paglalakad na para bang walang narinig...."hey!" Lakad lang Athena lakad wag mo syang pansinin..
"Hey you!" Mas lalo ko pang binilisan ang paglalakad ko, sinabi ko sa sarili ko na iiwas na ko sa mga taong gaya nya!
"Kelan ka pa naging bingi?" Sarcastic nyang sabi dahilan pa mapahinto ako sa paglalakad at nilingon ko sya
"Hindi ako bingi umiiwas lang ako sa mga taong nagpapahamak sakin kaya kung pwede Mr villaruel lumayo layo ka na sakin" pagkasabi ko nun tumalikod ulit ako at nag lakad ng mabilis
Pero sa hindi inaasahang pangyayare bumangga ang mukha ko sa isang posteng nakatayo sa hallway "aray! Malas naman oh" natumba ako at parang nahilo dahil sa lakas ng pagkakabangga ko
Hinimas himas ko ang mukha ko parang napuruhan yata ang ilong ko! "See? It's your fault" komento ng asungot na nakapamulsahan pa "kung hindi ka nagpakita sakin hindi ako mababangga ikaw ang malas-"
"Correction, wala akong ginagawa sayo then were did you like it or not we're classmate so you always seeing me no matter what" sambit nya at nilagpasan na ako
"Kaiinis hindi man lang ako tinulungan!" Tumayo na ako at pinagpag sa slacks ko, dumiretso na ako sa classroom baka kung ano pang kamalasan ang mangyare sakin.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Oh Athena anyare sa mukha mo bakit namumula yang ilong mo?" Gulat na tanong ni Lea pag kaupo ko "sabihin na lang nating may nasalubong akong asungot na malas kaya ako nagkaganito"Nanlaki ang mata ni Lea sa sinabi ko "asungot? Sino naman tinutukoy mo?" Gulo pa din sya sa sinabi ko "lumingon ka na lang sa likuran ko" at agad naman syang lumingon at napangiwi
"Eh? Ang gwapong si Kiel ba tinutukoy mo?" Sabay kamot sa ulo "wala ng iba" napacross arm na lang ako at nanahimik
"bago pa lang kayong magkakilala ni Kiel para na kayong asot pusa- hmm nako magandang senyales yan" at parang may biglang kuminang sa mata ni lea at naaamoy kong may naiisip nkalokohan to
Tumaas ang kilay ko sa sinabe nya "anu namang kalokohan yan Lea?" Seryoso kong sabi ng hindi inaalis ang tingin sa kanya "ibig ko lang namang sabihin, the more you hated Kiel the more possibly na mafall ka sa kanya"
Bigla nyang sinundot ang tagiliran ko "ako mafafall sa asungot na yan? Hindi no ang sama ng ugali nyan buti pa si Christian gwapo na mabait pa di tulad ng isa dyan"
Nilakasan ko talaga yung sinabi ko para hindi ako kulitin ng isang to, si Christian ay isang singer at dancer sa campus namin, naging crush ko sya dahil sa napaka gentleman nya at mabait halos ideal man na nga eh!
"Grabe ka naman Bhest" disappointed nyang komento at saktong dumating na ang prof at nagsimula ng magturo...
Matapos ang dalawang subject namin inaya ako ni Lea sa canteen para kumain ng tanghalian dahil may vacant kami ng 1 hour "Lea alam mo namang sakto lang lagi ang pera ko pamasahe papunta dito saka sa coffee shop at pauwi ng bah-"
YOU ARE READING
I-m fine with U || KOOKU (Completed)
RomanceHighest Rank #2 in Kiel (03/27/19) Highest Rank #1 in Idealman (03/28/19) Highest Rank #1 in Idealgirl (03/29/19) Si Athena na laging nasasaktan, hindi dahil sa love, ito ay dahil hindi sya magawang mahalin ng sariling ina bagkus mas binibigyan pa n...