💙Chapter 54💙

36 3 1
                                    

"Ang mabuti pa dito mo na pakainin si athena para naman mas makilala ko pa sya" sambit ng mama nya na mabilis akong inakay papunta sa dining area nila medyo nag aalangan talaga ko dahil first time kong nakilala yung mama nya,

Pagkaupo namin agad nya akong inahinan ng masasarap na pagkain, habang si christian napapangiti lang, "ahm ok an po eto masyado pong marami to" pigil ko dahil parang halos yata ng putahe nila eh ilalagay sa plato ko "mama naman ang dami mong inahin sa kanya baka di nya maubos"

Segunda ni christian habang nag aahin ng sarili nya, napatingin sakin ang mama nya mukang narealize nya rin ang ginawa nya pagkatitig sa plato ko, natawa ito ng bahagya "ay pasensya ka na iha medyo naexcite lang ako, ngayon lang kasi nagpakilala ng babae tong anak ko kaya nman overwhelm ang pag asikaso ko"

Natatawang sabi nito, nagulat naman ako sa sinabi nya kaya napatingin ako kay christian "totoo yun?" Hindi makapaniwala kong tanong

Napakagat labi sya na parang nahihiya "ahm ah oo" halos mauutal pa sya nang sabihin yun "bakit naman? Ang dami kayang magagandang babae sa school natin!" Taka kong tanong

"Marami ngang maganda, hindi ko naman gusto" nakangiting sabi nito "grabe ka!" Yun lang ang tanging nasabi ko dahil natatawa ako, hindi ko alam kung pihikan ba tong si Christian o ano, umupo na rin ang mama nya saka nagsimulang magdasal
.
.

Habang kumakain kami bigla ulit nagsalita ang mama nya "athena nak ah may kapatid ka ba?" Bigla nitong tanong na nagpatigil sakin sa pagsubo, "ahm wala po, isa lang po akong anak" totoo kasi wala naman talaga akong kapatid siguro nadala rin si nanay sa nangyare sa kanya noon,

At isa pa sana hindi na sya magtanong kung bakit.

Tumango ito, "ah I see, siguro nalulungkot ka na wala kang kapatid, pero ok lang yan basta ba ay lumaki ka ng maayos" sambit nito

Ako naman ngayon ang napaisip, gusto kong magtanong hindi ko alam kung tamang itanong ko rin ito sa kanya "ah tita si Christian po ba may kapatid?"

Kasi hindi ko na maalala kung nakwento ba ni Christian na may kapatid sya o wala, natahimik bigla si Christian habang ang mama nya nakangiti ng maluwang

"Oo athena, may bunsong kapatid si Christian na nawalay noong bata pa sila pero nahanap na namin sya, by the way ipapakilala kita kapag nagpunta si ki-"

"Ang ang sarap ng luto mo your the best pero pasensya na ma kasi may pupuntahan pa kami ni athena, next ko nalang ulit sya dadalhin dito" biglang putol nya sa sinasabi ng mama nya medyo napakunot ang noo ko dun

"Pero anak hindi pa kayo tapos kumain" pag aalala ng mama nya

"Oo nga naman Christian sayang naman yung luto-"

"Kasi may ipapakita pa ako sayo baka abutan tayo ng dilim diba kailangan nakabalik ka na sa inyo bago mag hating gabi?"

May point nga sya, dahil usapan namin yun ni tatay, kaso lang medyo may iba kay Christian na hindi ko maintindihan, "ay ganon ba sayang naman ngayon ko palang sya nakikilala anak" nalulungkot na sabi ng mama nya pero tumayo agad si Christian at nagbeso sa mama nya

"Sorry ma, hayaan mo next time, magbobonding tayong tatlo" sambit nito at inalok na akong tumayo, "sige po tita salamat po sa masarap na pagkain, thank you sa pagtanggap sakin" nakangiting sambit ko

"Walang anuman iha, ang importante nakita na kita, mag ingat ka lagi ha" sambut nito

"Opo salamat"

"We have to go ma" singit ni Christian

"O sige anak mag ingat kayong dalawa sa daan" huling sabi ng mama nya bgo kami tuluyang umalis sa kanila.

I-m fine with U || KOOKU (Completed)Where stories live. Discover now