Almost Died......But currently safe...
Lord pakiusap gisingin nyo si Kiel, wag nyo po sana ng hayaang matapos agad ang oras nya dito sa mundo
Pagdarasal ko pagkaupo ko sa loob, alam kong nakikinig si god sa mga panalangin ko, hindi ako humingi ng kahit anong mamahaling material sa kanya kung hindi puro pasasalamat sa buhay ko at mga mahal ko sa bahay ang pinagdarasal ko
"Bhest ano bang nangyare asan si kiel" bungad sakin ni kea pagkadating nya, napayakap ako sa kanya "andun pa rin sya sa ICU walang Malay at nag aagaw buhay" naiiyak kong sabot, hinagod nya ang likod ko
"Jusko bat ba nangyare to, sabi ko naman kasi sa kanyang mag ingat sya" nahinto ako sa pag iiyak at kumalas sa pagkakayakap, tinignan ko sya ng may galing pagtataka
"Huh? A-anong ibig mong sabihin?" Napakurap sya ng maraming beses at nilihis ang tingin sa altar, "a ano sabi ko naman kasi dapat nang iingat kayo para hindi nangyare to" pag iiba nya
Pero hindi eh, parang may hindi sinasabi sakin si Lea "alam mo mabuti pa puntahan natin si Kiel Tara" pag iiba nya ulit at hinila ako pero agad ko syang pinigilan
"Andun pa ang mommy nya" wala sa sarili kong tanong, nakatitig pa rin ako sa kanya at binabasa kung may malalaman ba ako sa kanya
"Wag mo akong tignan ng ganyan Bhest naiilang ako" pabirong sabi nya Kaya napakurap ako at umiwas ng tingin "pasensya na" mahina kong sabi at itinuon na lang ang sarili ko sa altar at nagpatuloy sa pagdarasal
Ganon din ang ginawa ni Lea, ilang minuto pa kaming nanatili sa ganoong posisyon hanggang sa may marinig kaming mga nurse na nag uusap habang dumadaan sa labas ng chapel
"Kawawa naman yung pasyente dun sa room 402" sambit nung isa "oo nga, nag aagaw buhay na nga ang anak nya nagawa pang sermonan ng walang kalaban laban, Nanay ba talaga ng pasyente yun?"
Sambit naman ng isa, kilalang kilala ko kung sino ang tunutukoy nila, "sa tingin ko hindi masyadong bruha gwapo naman ang anak" komento ulit nung isa nananatili lang kaming nakikinig sa usapan nila
"Huy tahimik na tayo palabas na yung Nanay" pigil ng dalawa sa sarili nila, may at maya lang nakita ko ang pagdaan ng mommy ni Kiel sa labas ng chapel, at sa tingin ko pauwi na to, pero
Nasa critical condition pa ang anak nya tapos nagawa nya pang iwan? Anong klaseng Nanay ba sya?
"Bhest mukhang nakaalis na ang Nanay ni Kiel" pangbasak katahimikan ni Lea "oo nga puntahan na natin sya" sya ko
"Ok Tara" maingat ang paglalakad namin ni Lea papuntang kwarto ni Kiel Panay rin ang sipat tingin namin baka kasi bumalik ang Nanay nya,
Nang masiguro naming wala na ang mommy ni Kiel mabilis kaming pumasok sa loob, nauuna na ako kay Lea at dumiretso agad si Kiel, "kiel....... Alam kong hindi maganda ang trato ng mommy mo, sorry kung iniwan kita kanina ha, ayoko lang kasing makipagtalo sa mommy mo"
Dahil nirerespeto ko pa rin ang mommy nya kahit na ganon ang pakikitungo nya samin, naupo muna si Lea sa may sopa habang nakatingin ng seryoso kay Kiel....
Hinawakan ko ulit ang kamay nya, "sige na naman gumising ka na!" Pakiusap ko, nagulat ako sa sumunod na nangyare, nakita ko ang pagpatak ng luha sa kanang mata nya kaya napatayo ako
"Bhe-bhest si Kiel tumulo yung luha nya" panic ko kaya napatayo si kea at lumapit samin para makita "oh god mukhang naririnig ka nya Bhest" gulat na sabi ni Lea
YOU ARE READING
I-m fine with U || KOOKU (Completed)
RomantikHighest Rank #2 in Kiel (03/27/19) Highest Rank #1 in Idealman (03/28/19) Highest Rank #1 in Idealgirl (03/29/19) Si Athena na laging nasasaktan, hindi dahil sa love, ito ay dahil hindi sya magawang mahalin ng sariling ina bagkus mas binibigyan pa n...