*Her
Tina-tamad na napabangon ako sa pagkakahiga sa kama ko. Ramdam ko ang sakit ng mga mata sa bawat pag kurap ko. Alam kong dahil sa puyat iyon, ikaw ba naman kasi ang hindi makatulog hanggang umaga.
Hindi ako naka tulog dahil sa kakaisip.
Napaka simpleng sitw-----natawa naman ako.
Simpleng sitwasyon? Tss...sinong niluko ko?
Ilang araw ko nang pinu-problema iyon tapos simpleng sitwasyon?Siguro para sa iba madali lang ang pinu-problema ko,pero para sa akin parang ang hirap hirap na nun.
Isa lang naman ang problema ko pero parang pasan ko ang lahat ng problema dahil lang duon.Pero sa kabila ng sakit na nararamdaman ay napa ngiti ako. Ngiti na kahit kailan ay hindi ko matatawag na kaligayahan.
Kagabi, nakaisip na ako ng paraan. Paraan na alam kong hindi malulutas ang problema ko pero maaring makalimutan ko kahit sandali lang.
Buo na ang loob ko na gawin iyon.
Hiniling ko nalang ngayon na sana hindi ko iyon pagsisihan pagdating ng panahon.
Sana nga...Kahit na tina-tamad ay tumungo nalang ako sa banyo para maligo. Kailangan ko pang pumasok sa school.
Nagmamadaling bumaba ako ng hagdan. Ilang minuto na lang kasi at ma le-late na ako.
Ilang hakbang nalang pababa ng matigilan ako dahil may lalaki akong nakita na naka pang di kwatrong upo sa sofa sa sala.
Hindi ko alam pero parang nanghina ang tuhod ko ng makilala ko kung sino ang lalaking iyon.Si Jc iyon... my best friend.
Naka harap siya sa akin pero hindi niya parin ako napapansin. Abala kasi siya sa paglalaro sa hawak niyang cellphone.
Alam kong nandito na naman siya para sunduin ako.'Nakapag desisyon na ako Jc, pero bakit ba ginu-gulo mo na naman ang isip ko?'
Gusto kong maupo muna dahil pakiramdam ko nanghina ang mga tuhod ko.
Ngayong nakita ko na naman siya parang gumulo na naman ang isip ko.
Nakapag disisyon na ako diba? Ako na rin mismo ang nag sabi na kailangan kong panindigan iyon, pero ngayong nakita ko na siya bakit ba naduduwag na ako ngayon?"Iho, heto at iminom ka muna"dumating si manang na may dala dalang baso na may lamang juice. Inabot niya ito kay Jc na agad namang kinuha nito.
"Thanks manang!"
"Walang ano man"
"Ah manang...si Nicole po?gising na po ba siya? "tanong ni Jc at umayos na sa pagkaka upo.
Napa-iwas naman ako ng tingin sa kanila matapos marinig ko ang pangalan ko. Nanatiling tahimik lang ako sa kinatatayuan ko.
"Sandali at pupuntahan ko sa kwarto niya"si manang at tatahakin na sana ang hagdan pero natigilan ng magtama ang paningin namin.
"Oh iha,anak, nandiyan ka na pala. Pupuntahan sana kita sa kwarto mo"kwento niya. Nginitian ko na lamang siya at duon ay nag patuloy na ako sa pag baba sa hagdan.
Napatingin ako kay Jc, naka tingin narin siya sa akin at ngiting ngiti pa.
"Sandali at ipaghahanda na kita ng makakain mo at sa ganun at makapag almusal kana"rinig kung sabi ni manang. Aalis na sana ito ng pigilan ko.
"Hindi na po manang, aalis narin ho kasi kami"magalang na sabi ko rito at pilit na nginitian ito.
"Eh papaano iyan? Papasok ka nang eskwela ng hindi man lang nag aalmusal? Paano ka makakapag aral niyan ng mabuti?"
"Sa school nalang siguro ako kakain manang Menda. Salamat nalang po"ngumiti ako dito.
Ibinaling ko ang tingin kay Jc.
"Let's go"yaya ko. Tumayo na siya pero tiningnan lang ako.
BINABASA MO ANG
So Connected (On Going...)
Teen FictionWattpad story 2019 (Tagalog Teen Fiction) -So Connected- by: KittyDruger_16