Teffany's Pov
"Nakakatamad naman"narinig kong reklamo ni Dennice at isinubsob nalang ang mukha sa libro na binabasa niya ngayon.
Nandito kami sa Library. Naalala ko may exam pala kami ngayong Tuesday sa Ethics kay ma'am Meranda kaya heto kami nag-rereview.
Katatapos palang namin sa 1st sub. Pangatlong subject namin ang ethics kaya mahaba pa ang oras namin para mag review. Wala naman kaming 2nd sub.kaya dito nalang namin gugugulin ang oras.
Nandito rin ang ibang mga classmates ko,tsk. takot lang nila na bumagsak sa exam. Hahah.Napatingin ako kay Dennice na nakasubsob parin ngayon. Bigla rin tuloy akong tinamad na mag aral dahil sa kaniya.
"Hoy,umayos ka nga"bulong ko dahil bawal ang mag ingay.Umayos naman siya pero nakabusangot ang mukha. "Ayuko nang mag review, paniguradong wala naman iyan sa test paper"sagot niya at bakas sa pananalita niyang tinatamad nga siya. Pano naman siya nakakasigurado jan? Oo,may times na ganun nga pero hindi naman natin alam diba? Malay mo.
"Mangungopya nalang ako kay Stacy tutal matalino naman iyon"patuloy niya pa. Ang tinutukoy niyang Stacy is yung seatmate niya.
Natawa nalang ako. Ang ganda ganda niya pero nakaka turn off. Hahah. Tamad mag-aral eh!
"Why?"tanong niya nang makita yung mukha ko.
"Wala"
"Tsss...Nagugutom ako,punta muna tayong canteen"
"Busog pa ako kaya ikaw nalang. Isa pa,marami pa akong rereviewhin"
"Mamaya nayan!"napatakip siya bigla sa bibig niya dahil napalakas ang pag sabi niya.
Napatingin naman kami sa Librarian na ang sama na ng tingin sa amin.
"Sorry po"nag peace sign siya."Yung bunganga mo kasi"sabi ko.
Tinaasan niya lang ako ng kilay.
"Yung bunganga mo rin""Tss.."
"Ikaw kasi eh. Mamaya na kasi yan"pamimilit niya pa.
"Ayuko. Buti ka pa dahil may makukupyahan ka mamaya,eh ako? Asa ka naman dun sa katabi ko"
Hindi naman ako pakukupyahin nun eh,tsaka hindi ko gawain ang mangupya no!
Isa pa hindi ko nga alam kung may tinatagong talino ang lalaking yun eh! Ang alam ko kasi puro lang yun hangin. Hambog,what I mean."Grabe ka huh! Hindi mo alam pero matal----"
"Stop talking! Kung magku-kwentuhan lang kayong dalawa, makakaalis na kayo"nagkatinginan nalang kami ni Dennice dahil hindi namin alam na nasa likod na pala namin yung librarian. Natahimik nalang kaming dalawa at itinuon pareho ang atensyon sa libro na hawak namin.
"Psst. Teph!"napatingin ako kay Dennice ng sumigaw ito ng pabulong.
Binigyan ko naman siya ng 'ano yun' look."Nagugutom na talaga ako,maiwan na kita dito ah! Kitakits nalang tayo sa classroom"mukhang hindi na siya nakatiis.
Tumango nalang ako kaya tumayo na siya dala yung libro na binabasa niya."Alis na ako"bulong niya pa at lumabas na nga. Napa buntong hininga nalang ako,ang babaeng yun talaga.tsk.
Magpapatuloy na sana ako sa pagbabasa kaya lang naagaw ang atensiyon ko sa isang babaeng kapapasok palang dito sa library. Naka suot siyang malaking shirt na may tatak pang babaeng naka eye glasses. Mahaba rin ang suot niyang paldang itim na kulang nalang is sumayad na sa lupa. Oo,sinasabi ng ibang students dito na ang pangit ko manamit pero mukhang malala pa naman ang isang ito.
Kulot na kulot rin ang buhok niya na nakatali naman,may suot rin siyang itim na eye glasses na mukhang ang kapal ng salamin.
BINABASA MO ANG
So Connected (On Going...)
Teen FictionWattpad story 2019 (Tagalog Teen Fiction) -So Connected- by: KittyDruger_16