Yay. Makakapag- update na si Aut. Wahahah :-D
At isa lang ibig sabihin niyan. May bagong cellphone na siya! Wahahaha.Actually matagal na ako nagkaroon ng Cp. Tina-tamad lang ako mag update. Pero nung nabasa ko ang comment ng iba parang ginanahan ako. Ang pangit naman kung hindi ko tatapusin diba?
So ito na nga!hehe. Dugtungan na natin ang istoryang to!Teffany's P.o.v
Paakyat na naman ako sa isa sa mga buildings dito. Hindi ko alam kung pang ilang building na ba itong tinatahak ko.
Sa dami ba naman kasi ng nakatayong gusali dito hindi ko na alam kung saan ko pa ba hahanapin ang classroom ko.
At kung kailan ko pa talaga kina kailangan ng matatanungan, duon naman nawala lahat ng mga estudyante. Sabagay,oras na kasi ng pagklase.Habang naglalakad ay patuloy ang paglinga ko sa mga classroom na nadadaanan ko.
"Nasan na ba kasi ang Section D-2 na yun?"hindi ko na mapigilan ang mainis.
Parang nagsisisi tuloy ako kung bakit pa ako nag transfer sa paaralang ito.Bigla naman sumagi sa isip ko ang hambog na Kyle.
Hindi ko tuloy mapigilan ang hindi mainis lalo."Arggg! Sino ba kasi siya para lait laitin ako?"na sabi ko nalang.
"Tapos ano daw? Ako,pulubi? ghaddd" Itinirik ko ang mga mata ko.
"Bwesit siya! Tapos pag bintangan ba naman ako na ako daw ang tumulak sa kaniya? Kasalanan ko ba na lalampa lampa siya?"patuloy ko pa. At kung totoong ako nga ang tumulak sa kaniya edi sana hindi lang yun ang inabot niya. Bwesit talaga. Pero...tinulak ko ba talaga yun? Aishhh.. nakakainis naman kasi ako eh!
Okay lang na mag mukha akong tanga kakasalita dito mag-isa, at least nailalabas ko ang sama ng loob ko.
Isa pa wala namang nakakakita.hehe.Patuloy lang ako sa paglalakad ng matigilan ako bigla dahil nahagilap ng mata ko ang naka sulat sa itaas ng pinto sa isa sa mga room dito.
"Section D-2" basa ko duon.
Wahhh! Nakita ko na ang room ko!Agad akong nagtatakbo papalapit sa classroom na iyon. Nakasara ang pinto kaya hinawakan ko ang door knob nito.
Hindi ko na muna pinihit iyon.
Ramdam ko ang kaba sa dibdib ko. Kinakabahan ako!Dahan dahan ko nang pinihit iyon.
Ito na bubuksan ko na!Pagka bukas ko ay automatic na napalingon kaagad sila sa akin. Pati ang guro na nagtuturo duon ay napa hinto sa pagsasalita.
"Who... is she?"may nagsalitang estudyante.
"Transferee,I guess?"
"I think we have a new classmate"
"Oh really?"mga bulong bulongan iyan.
Hindi ko na lang iyon binigyan ng pansin.
Tumingin ako sa gurong nasa unahan. Mgumiti ito sa akin. "Come in"sabi nito at suminyas pa talaga na pumasok na.Ngumiti na lamang ako at humakbang na nga papasok. Shit!bakit parang kinabahan ako bigla?
Bakit kinakabahan ako sa classroom na to?Huminto ako sa unahan sa tabi ng table ni Sir.
"So,you're transferee?"tanong nito. Tumango na lamang ako bilang pagsang ayon.
"I see""Really, transferee talaga siya dito?"may biglang sumabat na babae. Tatawa tawa pa ito.
"Akala ko kasi naliligaw lang siya"dugtong pa nito na tinawanan naman ka agad ng karamihan. Anong pinagsasasabi ng isang to?"God! Hindi ko alam na nagpapasok pala ang H.A ng dugyot? I mean,look at her! So gross"Tiningnan ko ang babaeng yun. Basi sa pananalita at pagkakaupo nito masasabi kung isa itong bruha. Bwesit.
![](https://img.wattpad.com/cover/160131259-288-k938667.jpg)
BINABASA MO ANG
So Connected (On Going...)
Fiksi RemajaWattpad story 2019 (Tagalog Teen Fiction) -So Connected- by: KittyDruger_16