Teffany's Pov
Lutang ang isip ko habang naglalakad papuntang H.A para pumasok. Lunes ngayon kaya parang nakakatamad na naman.
Nakatingin lang ako sa dinadaanan ko at parang di alintana ang mga taong nakakasabay ko sa paglalakad maging ang mga sasakyan na dumadaan. Sobrang ingay ng mga estudyanteng nakakasabay ko rin dahil nagkakasiyahan ito pero parang hindi pumapasok sa tenga ko ang ingay nila. Hanggang ngayon kasi ay gumugulo parin sa isip ko ang mga sinabi sa akin ni mama matapos kong kausapin siya nung nakaraang araw.
Aware naman ako sa maaaring kalabasan ng ginawa ko pero iniisip ko palang natatakot na ako sa mga maaaring mangyari. Ang tanga ko lang para maramdaman ko ito ngayon.
Kailangan kong panindigan to, desisyon ko to diba?Napa tigil muna ako sa paglalakad. Ang bigat bigat ng dibdib ko ngayon, pakiramdam ko tutulo na naman ang luha ko.
Bakit ko ba nagawa to sa kaniya?Natatakot ako na baka anytime mangyari na ang kinatatakotan ko,at yun ay ang dumating yung araw na malaman niya na ang totoo.
Siguro nga oras na para ihanda ko ang sarili ko para roon.Natigilan nalang ako ng mapagtatanto kong nasa tapat na pala ako ng H.A
Nanatiling nakatayo lang ako sa tapat ng gate at pinagmasdan ang laki nito na sa taas pa nito ay may nakasulat pang HIGH ACADEMY.Naka bukas ang gate kaya kitang-kita ko ang loob ng school. Natatanaw ko mula dito ang mga studyanteng nagsisilakaran sa campus dahil maaga pa. May mga naglalakad ng mag isa, magkasama at grupo. Rinig na rinig mo rin ang ingay nila. Meron rin akong nakikita na mga Guro na naglalakad rin,ang iba sa kanila ay may hawak pang libro at laptop na gagamitin nila sa pagklase. May nakita rin akong isang guro na may kasamang ilang studyanteng puro lalaki na mukhang sa guidance office ang punta.
Habang pinagmamasdan ko ang mga ito,biglang pumasok sa isipan ko siya.
Hindi ko alam pero may namuong luha nalang sa mga mata ko.Tama pa ba? Tama bang dito ako mag-aral?
Sa paaralan na ito na kung saan alam kong pinanggalingan mo din?
Sumagi sa isip ko sina Kyle at Nathan.
At tama rin bang lumapit pa ako sa kanila lalo na ngayong alam ko nang mga kaibigan mo sila?
Tama lang ba,huh?
Napapikit nalang ako at hindi ko napansing may dumaloy na palang luha sa pisngi ko. Akala ko nailabas ko na lahat ng luha ko kahapon pero nagkamali pala ako, dahil ngayon alam ko nang mananatiling dadaloy parin ito hangga't hindi ko pa nasasabi sa kaniya ang totoo.
"What is she doing? Ghaaad.. nakakahiya siya!"
"Yah. Sinabi mo pa"
"I know her,tsk. Dont mind her nalang girls,maybe until now she can't believe that a trushy girl like her has entered in exclusive school. Let's go girls!"
Napamulat ako at nakita ko nalang yung mga babaeng nagsalita ay naglalakad na papasok ng school.
Tiningnan ko nalang sila,wala ako sa mood ngayon para awayin ko pa sila kahit sa isip ko lang.
Bahala sila.Nagulat nalang ako ng may nag busina sa likuran ko kaya napalingon agad ako doon.
Isang red Ferrari car ang nakita ko na nakahinto sa tapat ko at kumikinang kinang pa ito dahil sa sikat ng araw. Ang ganda ng kotse niya.
Bumusina ulit siya kaya nataranta naman ako. Shems! Hindi pa pala ako tumatabi!
Nahihiyang tumakbo agad ako sa tabi ng gate at yumuko nalang. Naramdaman ko namang unti unti nang umandar ang sasakyan papasok sa loob.

BINABASA MO ANG
So Connected (On Going...)
Teen FictionWattpad story 2019 (Tagalog Teen Fiction) -So Connected- by: KittyDruger_16