Teffany's P.o.v
Tinatahak ko ngayon ang daan papuntang building ng 4th year. Kapapasok ko palang sa school, mukhang maaga pa naman dahil marami pang nagsisi-daratingan na mga studyante at marami pa ang gumagala ngayon sa campus.
Hindi ko mapigilang ilibot ang aking paningin sa paligid.
Grabe,hindi pa ako umaabot ng one week dito sa school na to pero napaka-dami na ng nangyari.
Naranasan ko ng mapahiya.
Naranasan ko ng ma bully.
Naranasan ko ng nakulong.
Ano pa bang susunod?
Hayyss..what a wonderful experiences tipani.Natigilan nalang ako sa paglalakad ng makasalubong ko sa daan yung nerd na nagpa tawag sa akin kahapon at sinabing pinapatawag daw ako nung head which is hindi naman pala totoo dahil balak niya lang pala ako ikulong sa lumang building 6 na yun.
Gusto kong tanungin siya kung bakit niya nagawa sa kin iyon.
May nagawa ba akong masama sa kaniya?
May hindi ba siya nagugustuhan sa akin? Ano?...Nang mapansin niya ako ay natigilan din siya sa paglalakad. Nagtitigan pa kami ng ilang segundo tapos ay umiwas narin siya ng tingin sa akin at yumukong naglakad ng mabilis at nilagpasan ako.
Guilty ba siya?
Gusto kong habulin at harangan ang dinadaanan niya at itanong ang lahat ng iyon pero nanatiling nakatayo lang ako sa kinatatayuan ko at parang ayaw gumalaw ng mga paa ko.
Wala na akong nagawa kundi ang tanawin nalang siya habang papalayo ng papalayo sa kinaroroonan ko.
Wala naman akong sama ng loob sa kaniya.Sa totoo lang kinalimutan ko na ang nangyari kahapon pero siyempre yung taong tumulong sa akin ay hindi ko kakalimutan.Speaking of tumulong.
Nasan naman kaya yung lalaking yun? Hawak ko kasi ang jacket na pinahiram niya sa akin kahapon, isasauli ko na kasi ngayon.
Hindi ko naman alam kong nasan ang classroom niya o kung ano ang section niya.
Nahihiya naman akong magtanong sa mga studyante dito,isa pa baka kung ano pang isipin at sabihin nila kung bakit ko nga ba hinahanap ang classroom ni Nathan.Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Shemay! Kanina pa pala ako nakatayo roon.
Pinagtitinginan tuloy ako."Teffany!"may narinig akong sigaw mula sa likuran ko kaya napahinto at napalingon ka agad ako.
Nanlaki naman ang mata ko ng makitang si Nathan pala iyon.
Wahhhh! Bakit ganun,kanina lang hinahanap ko siya para isuli sa kaniya ang jacket niya pero ngayong papalapit na siya sa akin parang kinabahan naman ako bigla dahil mukhang hindi pa ako handa na harapin siya. Maygad!Napangiti naman siya ng makarating na siya sa harapan ko. Pansin mo naman na parang hiningal siya dahil mukhang hinahabol niya ang hininga niya. Masyado kasing malayo ang itinakbo niya.
Bakit kasi tumakbo pa siya?!
"B-bakit?"natanong ko nalang. Shems!
"Wala naman. Haha"tawa niya pa na nagpa kunot naman ang noo ko. Baliw. Tatawag tawagin ako tapos wala naman pala."Kamusta ka na pala. Nakatulog ka ba kagabi?"biglang sumeryoso ang mukha niya.
Bakit niya naman natanong?
"Oo,bakit hindi naman ako makakatulog?"
"Nasaisip kasi kita kagabi eh"sagot niya at ngumiti ng pagkalaki laki.
Salubong ang kilay ng tingnan ko siya.Whuuut? Wow huh!
Bigla ko tuloy naalala yung sinabi sa akin ni Dennice tungkol kay Nathan nung nasa cafeteria kami.
Ano ngayon? Mahilig siyang manakit ng damdamin ng babae? Tsk."Joke. Baka kasi iniisip mo pa rin ang nangyari kahapon eh"sabi niya at sumiryoso na ulit ang mukha.
Napa tingin nalang ako sa unahan at nagpatuloy na ako sa paglalakad, naramdaman ko namang sumunod narin siya.

BINABASA MO ANG
So Connected (On Going...)
Teen FictionWattpad story 2019 (Tagalog Teen Fiction) -So Connected- by: KittyDruger_16