Teffany's P.o.v
Uwian na kaya naglalakad ako pauwi ngayon. Naglakad nalang ako kasi sayang naman yung pamasahe,isa pa para makapag isip-isip narin, hanggang ngayon kasi iniisip ko parin yung John Carl na isa sa kaibigan ni Kyle. Sana talaga hindi siya yun.
Natigilan nalang ako ng mapansin kong may kotseng nakaparada sa tapat ng bahay ko.
Kilala ko kung kanino ang kotseng iyon.'Ano naman kaya ang ginagawa ni Mama dito?'
Nagkibit balikat nalang ako at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Siguro ay dinadalaw lang ako nito.
"Ma!"tawag ko sa kaniya pagkapasok ko palang ng pinto. Naka salampak ito sa sofa at mayroon ng kung anong ginagawa.
"Darling,anak. How was your first day?"tumayo ito at sinalubong ako ng halik sa pisngi.
"Okay naman po,MASAYA."pagsisinungaling ko. Bwisit kasi yung ugok na Kyle na yun.
"Good to hear that"sumilay ang ngiti nito sa labi kaya napangiti narin ako.
Hayss kung alam mo lang Ma kung ano ang nangyari sa akin sa paaralang iyon, hindi makatarungan! Kailangan ko ng hustisya! -____-
"Bakit ka nga pala nandito Ma?Akala ko kasi matatagalan pa ang pagbisita mo eh"sabi ko at inilapag muna ang mga gamit ko sa upuan.
"Gusto ko lang kamustahin kung maayos ka lang ba dito at sa school na pinapasukan mo"sagot niya.
"Isa pa,dinala narin namin ang ibang gamit mo na naiwan sa bahay"napa tango nalang ako.Bigla namang tumunog ang cellphone niya.
"Anyway may hinandang pagkain si manang sa mesa. Kumain ka na muna""Nandito si manang?!"gulat kong tanong.
Tumango tango lang si Mama dahil sinagot na niya ang tawag na ngayon ay nakatapat na nga sa tenga niya yung phone. Lumabas pa siya ng bahay,ang ingay ko kasi.Naapatingin naman ako sa bandang kusina. Pupunta sana ako doon pero may lumabas na na babae duon na nasa mid 50 na ang edad.
Umukit ang ngiti ko sa labi.
"Manang!"nagtatakbo ako papalapit sa kaniya at niyakap ito. Grabe,namiss ko si manang huhu."Ay naku,Oo. Kamusta ang alaga ko dito?"tanong niya kaya kumalas na ako sa pagkakayakap sa kaniya.
"Okay naman po. Hehe"
"Mabuti kung ganon. Ah,teka nagugutom ka na ba? May niluto akong pagkain"nginitian ko naman ito.
"Sakto po manang. Nagugutom na talaga ako"nagtawanan kami at nagtungo na nga sa kusina.
Sa totoo lang mas gusto ko kasama si Manang kaysa kay Mama. Pero kunti lang naman hehe. Ewan ko, siguro ay dahil simula palang si manang na ang palaging nandyan para sa akin noon. Madalas kasi wala si Mama kasi puro business ang inaatupag nito.
Kyle's Pov
"Hindi mo ba alam na natutulog ako?!"sigaw ko sa katulong namin ng pagbuksan ko ito ng pinto ng kwarto ko. Natutulog kasi ako ng bigla itong kumatok kaya nagising ako. Argg..bigla tuloy sumakit ang ulo ko.
"P-pasensya na po. Pinapatawag po kasi kayo ni Ma'am Nana"halos maluwa na ito.
Napairap naman ako.
"Sabihin mo natutulog pa ako! Pucha,isturbo!"sabi ko at isinara na ang pinto.Bumalik ako sa kama at ipinikit ulit ang mga mata.
Kaya lang may kumatok ulit sa pinto.Shit! Gusto niya bang mawalan ng trabaho?!
Inis na tumayo ako at binuksan ulit ang pinto.
"Ano bang problema mo!"sigaw ko sa taong iyon.
Kaya lang hindi na pala iyon yung katulong. Si Nana na.

BINABASA MO ANG
So Connected (On Going...)
Novela JuvenilWattpad story 2019 (Tagalog Teen Fiction) -So Connected- by: KittyDruger_16