(Sorry for slow update!)
Teffany's P.o.v
Hindi ko mapigilang usisain ang mga bahay na dinadaanan ng sinasakyan namin ni Mama. Kasalukoyan namin tinatahak ang daan papunta sa apartment na titirhan ko na.
Lilipat na kasi ako ng ibang school at para hindi na ako mahirapan pang pumasok eh kumuha nalang si Mama ng apartment na malapit lang sa bagong school na papasukan ko.
Si Mama ang naghanap ng apartment ko. Ito na kasi ang nagpresinta na siya nalang daw ang pipili ng titirahan ko.
Nakakainis nga dahil pati ang pag enroll ay siya narin ang gumawa.
Really ma? Tch. Hindi na ako bata para gawin niya pa yun!Sumalubong na ng tuluyan ang dalawang kilay ko.
Familiar nga ang lugar na ito sa akin,don't tell me na dito niya ako patitirahin at pag-aaralin sa lugar na ito?Napatingin ako kay mama na katabi ko lang ngayon dito sa back seat.
"Don't worry darling,malapit na tayo"nakangiting sabi niya. Napabusangot nalang ako,mukhang iyon ang pagkakaintindi niya kung bakit tiningnan ko siya."Ma hindi yun!"maktol ko na. Sa dinami dami ng pweding paglipatan ko bakit dito pa talaga? Hindi naman sa maarte ako pero dito kasi nakatira ang taong iniiwasan ko.
"Ano bang ina-arte mo?"mababakas sa mukha niya na parang na-aartihan nga ito sa akin. Inirapan pa ako nito. Ganyan talaga yan si mama,mukhang maldita pero mabait naman yan kahit papaano.
"Ayuko sa lugar na toh ma"sabi ko sa kaniya.
Arggg! Para saan pa itong lahat ng ginagawa ko kung dito lang naman ang bagsak ko."Tumigil ka nga Teffany,ngayon kapa aatras kung kailan okay na ang lahat"patuloy na pagtataray niya. Mukhang nainis narin ito kasi pangalan ko na ang sinabi niya, hindi na darling.
Nakakainis! Sana pala talaga ako nalang ang naghanap ng tutuloyan ko eh."Maam,nandito na po tayo"napatingin ako kay manong
Edgar nang magsalita ito. Lalo tuloy akong nainis.
Itinabi na nito ang sasakyan at agad na lumabas ng kotse para pagbuksan kaming dalawa. Una nitong pinag buksan si Mama. Hindi ko na siya hinintay at kusa ko nang binuksan ang pinto at lumabas. May kamay naman ako!Pagka baba ko ng kotse, magkakatabing bahay na ang nakita ko. Pero may isa talagang naka agaw ng pansin ko,yung bahay na nakatayo lang sa harapan ko. Napaka laki nito pero dalawang palapag lang. Kulay white rin ito. Kitang kita mo narin dito sa labas yung swimming pool na nasa tabi lang ng bahay.
Ang ganda naman nito,ito ba yung sinasabi ni mama na apartment na ibinili niya sa para sa akin? Apartment pa ba tawag dito?"You liked it?"narinig kong tanong ni mama na nasa tabi ko pala. Naka tingin rin siya sa bahay na tinitingnan ko rin ngayon.
"Hmm!"tumango tango pa ako. Grabe naman si mama, masyadong malaki itong bahay na kinuha niya para sa akin. Mag-isa lang naman ako eh.
Pero okay na ito! Hehe. Parang gusto ko tuloy yakapin si mama,kahit kailan talaga mahal na mahal niya ako!
Na touched talaga ako sobra,huhu. At dahil diyan sasabihin ko nang siya ang pinaka magandang babae sa balat ng lupa!.hehehe"Pero darling,bago mo magustuhan lalo iyan...may kailangan ka ng malaman" napatingin ako kay mama dahil sa sinabi niya. Ano ba iyon?
"That's not the house I took for you. Ito yun!"hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinaharap doon sa bahay na katabi lang ng bahay na tinitingnan ko kanina.
O______O
What the! So ibig sabihin hindi iyon yung bahay ko? Dahil ito pala?
Bakit hindi niya kaagad sinabi? Hiyang hiya ako dun ma!"Minsan kasi mas maganda parin ang nagtatanong muna"sabat pa ni mama na mukhang nang aasar pa.
Inis na hindi nalang ako umimik. Parang gusto ko tuloy maiyak ngayon.
Edi sana sinabi niya nalang sa akin,diba? May patanong tanong pa siyang 'You liked it' eh hindi naman pala iyon. Haisst..binabawi ko na pala yung sinabi ko na maganda siya. Siya pala yung pinaka pangit sa balat ng lupa.
BINABASA MO ANG
So Connected (On Going...)
Novela JuvenilWattpad story 2019 (Tagalog Teen Fiction) -So Connected- by: KittyDruger_16