Teffany's P.o.v.
Napalingin ako sa upuan ng katabi ko.
Wala na duon yung ugok na Kyle. Break time kasi ngayon kaya paniguradong nanduon ito sa canteen.
Well,hindi naman niya ako ginambala ngayon.'Huh,dapat lang no?!'
Tahimik ito buong klase,hindi ko alam kung ganun ba talaga yun o sadyang trip niya lang.
Inayos ko ang mga gamit na nagamit ko at isinilid iyon sa dala kong bag.
Kakaunti na lang ang tao dito,mukhang lahat ito ay nag e-snack. Wala akong ganang lumabas ngayon. Hindi ko naman alam kung nasan ang Canteen kaya huwag na lang. Isa pa baka maligaw pa ako,mahirap na.Pansin kung hindi parin bumabalik yung mga bruha. Mukhang nagalit at napahiya talaga ito ng sobra. Sino ba kasi ang hindi mapapahiya duon? Kahit ako ay ganun din siguro ang mararamdaman ko.
Natigilan ako saglit sa ginagawa ko. Hayss hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na classmate at seatmate ko ang lalaking iyon. Nakakainis talaga! Parang gusto kong pumatay ng aso ngayon!
Patuloy pa rin ako sa ginagawa ko ng may biglang umupo sa tabi ko.
"Hi!"
Napatingin ako sa taong iyon.
O_o
Babae ito at familiar sa akin ang itsura nito.
Tama! Ito yung babaeng tinanungan ko kaninang umaga tungkol sa bulletin board.
Classmate ko rin pala siya? Pero bakit hindi ko siya napansin kanina?
Pero sabagay yung ugok nga di ko rin napansin. Nasa dulo kasi nakaupo si Kyle kaya hindi ko talaga ito napansin."Ahh..i-ikaw pala"
Ngumiti naman siya ng pagkalaki laki.
"You're Tef---Steff---arggg! what's your name again?"natawa naman ako sa itsura niya."Teffany. Teph for short"nakangiting sabi ko sa kaniya.
"Ohw... Nice to see you again,Teph. Hehe. Hindi ko alam na magiging classmate pala kita?"tumawa ito ng mahina.
"Oh By the way, I'm Dennice. Dennice Imperial"inilahad niya naman sa akin yung kanan niyang kamay for shake hands.
Nakangiting inabot ko naman kaagad iyon."Hi"sabi ko dito at nag shake hands nga kami.
"Grabe,ang galing mo kanina hah"kwento niya at bumitaw na nga ang mga kamay namin.
"Oo,sa Kim She University nga ako nag-aaral at para sabihin ko sa inyo,ang KSU ay isang public school na kahit kailan hindi sumasalamin sa kahirapan ng mga tao" pareho kaming natawa dahil sa sinabi niyang iyon,ginaya niya rin yung expression ko nung sinasabi ko iyon kanina. Tss...yun ba yung tinutukoy niya na 'ang galing ko?' daw?
"At ang swerte mo pa dahil katabi mo lang naman ang isang hearttrob ng school"sumalubong naman ang kilay ko dahil sa sinabing iyon ni Dennice.
Hearttrob? Yung ugok na yun, hearttrob?
Pero sabagay,sa itsura nung lalaking yun hindi na nakakapag taka iyon. Dinudumog nga ng mga kababaihan eh.Pero isang hearttrob? So,ibig sabihan meron pang ibang hearttrob dito?
"Alam mo bang ikaw palang ang kauna unahang naka upo diyan sa inu-upuan mo ngayon? Ayaw kasi ni Kyle na may katabi siya"halos sumubsob na ang mukha ni Dennice sakin dahil sa gusto nito na ako lang ang makarinig ng sinasabi niya.
Kumunot naman ang noo ko. Ganun? Pero... "Kung ayaw niyang may katabi siya, bakit hindi siya tumanggi kanina?"
"Yun na nga ang nakakapagtaka eh,hindi man lang siya tumanggi sa sinabi ni Sir na dito ka umupo"napa isip nalang ako sa sinabi niya.

BINABASA MO ANG
So Connected (On Going...)
Teen FictionWattpad story 2019 (Tagalog Teen Fiction) -So Connected- by: KittyDruger_16