Chapter 7

12 3 23
                                    

Kyle's P.o.v.

*Flashback

Papunta ako ngayon sa office ni Yonna,ang school Dean dito sa paaralang ito.

Napapahimas nalang ako ng batok habang papalapit ng papalapit sa office na yun. Hindi ko naman kasi alam kung bakit ako pinapatawag pero sa palagay ko parang ma-bubungangaan na naman ako ngayon. Tsk. Ano naman kaya ang ginawa ko na masakit sa mata nung babaeng yun?

"Girls, shopping tayo bukas,saturday naman right? I'm so stress na here, kailangan ng ma-relax nang beauty ko"napatigil ako sa paglalakad at nilingon ang pinanggalingan ng boses na yun.
Nakita ko yung tatlo na sina Yhanie, Cindy at Kiana na naglalagay ng mga gamit nila sa kaniya kaniyang locker nila.
Dito na kasi ako dumaan sa area na'to dahil short cut ito papuntang office.

Napa ngisi nalang ako.
Hindi ko yata makakalimutan ang ginawa ng mga 'to sa pulubing yun.
Kahit na naiinis ako sa pulubing iyon,hindi ko yata palalampasin ang ginawa nila. Kahit na gustong gusto kong gantihan ang pulubing yun dahil sa pagpapahiya nito sa akin noon hindi ko parin nagustuhan ang ginawa ng tatlong ito.

Umatras na muna ako at nagtago sa pinaka dulo ng locker para hindi nila ako makita. Sumandig na muna ako sa pader at napa mulsa.
Wala na akong pakialam kung pinapatawag ako ni Yonna,tutal bubungangaan naman niya ako mamaya lulubos lubosin ko na. Sa ngayon ito munang tatlo ang aatupagin ko.

"Good idea,Cin. Na-e-stress na rin ako dahil sa school works ugh.."pagsang ayon naman nung Kiana habang may kinakalikot parin ito sa loob ng locker niya.

"How about you,Yhan?Are you going with us?"tanong ni Cindy dito dahil ito nalang ang hindi umimik.

Napa cross arms naman yung Yhanie at sumindig sa locker.
"I'm not in the mood"umirap ito.
"Kayo nalang"

Nanatiling naka tingin lang ako sa kanila.
What the fuck? Ngayon ko lang narealize para pala akong chismoso.
Buti na nga lang walang ibang students dito na naliligaw.

"Oh come on,don't be kj! Ngayon nga lang nangyari na wala tayong home works this weekend eh"pamimilit pa nung Cindy at tatawa tawa pa talaga.

"Yah,tsaka mag celebrate narin tayo kasi tagumpay tayo sa plano natin sa babaeng yun"sabat naman ni Kiana.
Alam kong ang tinutukoy nito ay yung pagkakakulong nung pulubing Teffany na yun.

"Naiinis parin ako,paano ba naka alis ang babaeng yun sa building na yun?"sabat na ni Yhanie at umirap pa talaga. Bakas nga sa mukha nito ang pagka inis.
So, hindi pa pala nila alam kung bakit naka alis ang pulubing yun?tsk.

"Maybe swenerti lang siya this time,argg..let's not talk about her na!Lalo lang ako naiinis dahil sa babaeng yun eh!"si Cindy at napa irap nalang.

"Tara na nga sa canteen! Nagugutom na ako eh"matapos sabihin iyon ni Kiana ay naglakad na sila paalis sa pwesto na yun, nanatili naman akong nakatayo at naka sandig sa pader habang hinihintay silang dumaan sa pinagtataguan ko.
Isang minuto rin ako nag hintay. Nang maramdaman kong malapit na sila sa pwesto ko, humakbang na ako papalabas sa pinagtataguan ko at hinarap silang tatlo.

"Kyle?"gulat ang rumehistro sa mukha nila nang makita ako. Napa ngisi naman ako.

Surprise!

Ngayon pagsisisihan niyo kung bakit niyo pa pinakialaman ang pulubing yun.











***

"What the heck,bro? Papaano mo napa sunod ang tatlong iyon. I mean,papaano mo napahingi ng tawad ang mga iyon kay Teffany lalong lalo na si Yhanie?"tanong ni Nathan sa akin nang makalabas na kami sa canteen. Matapos humingi ng sorry yung tatlong babaeng iyon at umalis,na isipan kung umalis narin sa lugar na iyon.
Pucha!ang nakakainis pa run, nahuli pa ako nung pulubi na tinitingnan siya.

So Connected (On Going...)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon