Teffany's P.o.v.
Nanatiling nakatitig lang ako sa kisame ng kwarto ko habang naka higa sa kama at inaalala ang lahat ng nangyari.
Hanggang ngayon ay di parin naaalis sa isip ko ang nangyari sa akin sa building na iyon.
Kung papaano ba ako napunta duon,kung papaano nga ba ako nakulong at kung papaano ako nakaalis ruon.Buong akala ko hindi na ako makakaalis sa lugar na yun. Akala ko ay wala ng tutulong sa akin nung mga oras na yun.
Pero nagkamali ako. Dahil dumating siya...
Ang taong hindi ko inaasahan sa lahat.-Flashback-
Nagulat ako ng biglang magsara ang pinto ng malakas.
Kinabahan ako bigla dahil may narinig akong nagtatawanan sa labas at nagsisitakbuhan.Shit!
May kaba sa dibdib ng lumapit ako sa pinto. Napansin kong sira pala ang doorknob dito sa loob kaya hindi ko mabuksan. Mukhang naka lock pa iyon.
"Buksan niyo ang pinto!"sigaw ko sa taong nagsara nito. Sumilip ako sa bintana pero ni anino wala akong nakita.
Nagsimula ng pagpawisan ako ng malagkit. Ramdam ko ang lakas ng kabog sa dibdib ko.
Kailangan kong makaalis dito!"Tulong! palabasin niyo ako dito!"sigaw ko pa habang kinakalampag ang pintuan. Nagbabakasakali na may maka rinig sa akin dito.
"Tulongan niyo ako!"muling sigaw ko pero wala paring nangyari.
Napahawak ako sa noo ko at nagpa balik balik sa paglalakad, kailangan kong makaisip ng paraan.
Biglang pumasok sa isip ko ang phone ko."Tama"sabi ko pa at kinapa kapa ang bulsa ng pantalon ko pero wala akong nakapa ruon.
"Shit! Mukhang naiwan ko pa yata sa bag!" inis na sabi ko.
Paano na yan? Tatawagan ko sana si Dennice eh!Lumapit ulit ako sa pinto at hinawakan yung doorknob. Pinilit kong pihitin iyon, nagbabakasakali na gumana kahit nakalaylay na ito ng kunti dahil sira na pero wala pa rin.
Inilibot ko ang paningin ko. Gawa sa salamin ang bintana pero wala namang silbi kung babasagin ko iyon dahil may mga naka harang pang pang-proteksiyon na bakal duon.
Wala naman akong ibang nakitang bagay na matigas na maaaring makasira sa pinto. Sabagay meeting room kasi ito.Ganun paman ay hindi parin ako nawalan ng pag-asa.
Sinubukan kong sirain ang pinto pero masyadong matibay ito. May iilang chair na nakakalat dito sa loob kaya ginamit ko iyon para ihampas ko duon,pero hindi sapat ang lakas ko para masira iyon.
Gumawa rin ako ng ingay para may makarinig sa akin sa baba ng building.***
Nanghihina na napa-upo na lang ako sa tabi at isinandig ang ulo sa pader dahil sa pagod na nararamdaman ko.
Halos isang oras kung ginawa iyon. Ang sumigaw,sirain ang pinto, pero wala parin.Ayuko man mawalan ng pag-asa pero parang nararamdaman ko na iyon. Wala namang tutulong sa akin dito.
Tuluyan na nga akong nawalan ng pag-asa.
Ayuko na sa lugar na to, gusto ko ng umuwi!Napapikit nalang ako at hindi ko namalayang may pumatak na palang luha sa pisngi ko.
Alam kong may taong plumano nito.
Sino ba ang mga ito para gawin to sa akin?
Ano bang nagawa ko para humantong ako sa ganitong situwasyon?Nanatili na muna ako sa ganoong posisyon. Wala na akong ibang maisip na paraan.
Hinihiling ko nalang na sana may nakarinig sa akin kanina at maisipang puntahan ako dito.
Na sana may mapadaan dito na isang estudyante para maka hingi ako ng tulong.
Na sana may taong nag-aalala sa akin at subukan akong hanapin. Pero mukhang malabo...

BINABASA MO ANG
So Connected (On Going...)
Fiksi RemajaWattpad story 2019 (Tagalog Teen Fiction) -So Connected- by: KittyDruger_16