KABANATA II

1.8K 54 6
                                    

Sunny's POV

Pag mulat ko ng mata ko ang sakit ng ulo ko at batok ko parang di maganda pag higa ko sa kama.

Teka kama?? Bat parang damuhan namana to?

My god nasan na ko?

Ang huli kong naalala nakuryente ako.

Nilibot ko ng tingin ang paligid.

Bakit parang kahawig ng lugar na nasa panaginip ko itong nakikita?

Hindi kaya nanaginip lang ako?

Kinurot ko yung sarii at ko sinampal

"Aww!" Tinignan ko yung suot ko. Ganun pa din

May nakita akong dumaan na kalesa.

Bat may kalesa??

Nasaan ba ako???

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nagising ako sa lugar na hindi ko naman alam at wala akong makitang tao na pwede kong pag tanungan. Pero I think nasa province ako. Puro puno eh di naman ganito sa manila. Tsaka di pa simentado ang kalsada.

Tumayo ako para makita ng buo ang paligid ko and I was like in province. Pano ko napunta dito? Kagabi nasa may waiting shed lang ako nag aantay kay Carl ng bigla akong mawal---

Oh my god nag teleport ba ko??

OMG OMG OMG!

pano ko babalik?

Tinignan ko ang bag ko at nandito pa naman sya.. tinignan ko ang wallet ko kung magkano pa ba yung laman di pa naman ako nakapag withdraw hayss.  Pag malas ka nga naman.

Kalesa ba ang primary transportation sa province na to? Tsaka bat yung suot nung mga tao ay yung pang sinaunang panahon. Anong klaseng trip meron sila??

Lahat ng nakita kong kalesa na dumaan dito ay may sakay na babae or lalake tapos ang ganda pa ng suot nila parang gown sya pero old type may party ba? Bat old type ang damit nila? Tsk. Nakakabaliw naman.

"Manong!" Sigaw ko nung may nakita akong kalesa na walang sakay.

"Manong anong probinsya to??" Tanong ko.

Medyo parang di naman nya nagustuhan ang tono ng pananalita ko.

"Ano pong lugar to?" Tanong ko ulit.

"Ikaw ay nasa Maynila Iha" sabi nya.

Tinignan ko sya ng nag tataka.

"Bakit napakaikli naman ng iyong kasuotan? Hindi nababagay sa isang binibini na mag suot ng ganyang saya" what the??! Bat ganyan sya mag salita.

"Manong uniform ko po ito teka po Maynila po ito?? Bakit po wala akong makitang kalsada, mga kotse, jeep, tricycle?" Tanong ko ulit.

Nasa manila daw ako tapos ganto ang hitsura ng manila.

"Ano ang iyo binabanggit? Ikaw ay hindi ko maunawaan" putek naman

"Bat po kayo ganyan mag salita? Teka pwede ko bang malaman kung anong taon na??" My god wag naman sana tama ang hinala ko.

"Ika-4 na ng Agusto sa taong 1871" what the heck. Totoo ba to?? Di ba ko nanaginip?? Bakit andito ako?

"Sige Iha nag mamadali ako, ako'y mauuna na sayo" sabi nya sabay alis..

Nakatulala lang ako dito sa tapat ng kalsada na hindi pa simento..

I can't believe na nandito ako sa taong ito.
Dahil ba to sa sing sing na may tatak na 1871 na tinapon ko kagabi??

Our old love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon