KABANATA XI

1K 40 1
                                    

Sunny's POV

ilang linggo na ang lumipas simula ng mawala si Nay Rosa at Menilda pero ganun pa din. Matamlay pa din kami at malungkot.

Sa mga linggong lumipas, pinilit kong layuan si Senior Hermes pero hindi ko kaya.

Nasa palengke ako ngayon naglalakad nag lalakad lakad muna ako. Inaantay ko pa kasi sila frits at olivia. Inutusan kami ni lis na mamili ng lulutuin para mamaya at bukas.

"Sorry ah ibig kong sabihin pasensya na" sabi ko. May nabangga kasi ako na babae. Tingin ko kanina pa sya nag lalakad.

"Ahm ayos lang" sabi nya. Sa totoo lang ang ganda nya. Maputi din sya gaya ko pero hindi maitatago sa kanyang suot na mahirap lamang sya. Kagaya ng suot suot namin.

Isa din syang pilipino katulad ko.

"Pasensya na ulit" sabi ko.

Ngumiti naman sya sa akin ng mala-anghel na ngiti. First time ko mag ka-crush sa babae. Oh my.

"Sige mauuna na ako" paalam nya sakin.

"Sige ingat po" sabi ko naman.

Tinitigan ko lang sya ng mabuti at ino-observe ang paglakad nya.

Walang duda na kahit na mahirap sya, maganda sya.

"Oh sino tinitignan mo dyan?" Tanong ni frits. Nakarating na pala sila.

"Ang tagal nyo ah" sabi ko.

"Eto kasi si olivia tingin ng tingin sa mga damit na nandoon" sumbong ni frits.

"Napakaganda kasi nun frits" sabi ni olivia.

"Tara na" sabi ko.

.....

"Uy si Senior yun ah!" Sabi ni Frits.

"Hala oo nga, sino ang kasama nya frits? Malabo na ang mata ko" sabi ni olivia.

"Ewan ko tara lapit tayo ng onti" sabi ni frits.

Bakit parang pamilyar sa akin ang babaeng kasama ni Senior Hermes?

Nakita ko na ba sya?.

"Si Jalisa ang kasama ni Senior, nakabalik na pala sya" sabi ni frits.

Jalisa? Bat parang narinig ko na yun? Saan ko ba narinig yun???

Ay tama!.

Si Jalisa yung GF ni Senior dati.

"Ano kayang pinaguusapan nila??" Tanong ni Olivia.

"Mukang napakaseryoso at parang umiiyak si Jalisa?"

Grabe I can't believe na nameet ko na sya. Ang ganda nya. Walang duda na nafall sa kanya si Senior.

Ang ganda ng taste ni Senior.

"Delikado sya dito, anong ginagawa nya dito??!" Sabi ni frits.

"May alam ka ba sa mga plano ni Senior Sunny?" Sabi nya.

Hala!

"Wala ang alam ko lang nililigawan nya ako at ang sabi nya. Hiwalay na daw sila" sabi ko.

"Ahhh baka kaya pumunta sya dito ay para linawin ang lahat? Itanong kung bakit?" Sagot ni Frits.

Dahil ba saakin? Kaya nasasaktan ngayon si Jalisa?

I can't believe nasaktan ko yung taong napakabait.

Sorry Jalisa!

"Ayus ka lang?" Tanong sakin ni frits.

"Oo" sabi ko.

Our old love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon