KABANATA XVII

1.5K 52 7
                                    

Sunny's POV

Nagising ako sa mapunong lugar pero parang pamilyar. Tumayo ako at tama ang hinala ko. Nandito ulit ako ako! Nakaramdam ako ng saya at excitement sa pag aakalang makikita ko ang mga taong gusto kong makita. Naglakad ako hanggang sa may matanaw ako sa gilid ng ilog na nakaupo.

"Her-her-mes" banggit ko sa pangalan nya.

Agad akong tumakbo kung saan sya nakaupo, unti-unti habang lumalapit ako sa kanya ay bumagal ang takbo ko hanggang sa naglakad nalang ako palapit sa kanya.

"Hermes"

*dug dug dug dug*

tawag ko sa kanya at humarap naman siya.

*dug dug dug dug*

Gulat na gulat ako sa nakita ko. Isang matanda, sya ba si Hermes?? Pero bakit nararamdaman ko sa kanya ang pakiramdam sa piling ni Hermes.

"Su-su-nny" sabi nya. Hindi ko alam pero bigla nalang tumulo ang luha ko sa nakikita ko ngayon. Anong nangyare bakit bumilis nang ganito ang oras at tumanda na sya??

"Ikaw ba yan Hermes" hindi ko alam pero may mali sa kanya hindi sya nakatingin sa akin. Ang lalim ng tingin nya na para bang bulag.

"Ako nga ito Mahal, nagagalak ako na kahit hindi kita masilayan ay narinig ko naman ang iyong matamis na tinig" sabi nya.

*dug dug dug dug*

"A-ano-ng na-nang-ya-yare sa-yo?" Agad na tanong ko pero nauutal na ako.

"Ito ba ang tinutukoy mo??" Tanong nya sabay turo sa mga mata nya.

"Oum" umupo naman na ako sa tabi nya at tinitigan sya.

"Gusto kong mahawakan ang iyong buhok" pag karinig ko nun ay kinuha ko ang kamay nya at ipinatong ko sa ulo ko iyon.

"Nagkaroon ako ng katarata sa edad na kwarenta" sabi nya.

"Siguro'y parusa na ito sa akin ng dyos na hinayaan ko ang mga taong totoo sa akin" sabi nya.

"Hindi iyan parusa" sabi ko. Naramdaman ko namang napunta na sa pisngi ko ang kamay nya. Ramdam ko ang kulubot ng mga kamay nya sa bawat haplos nya sa muka ko.

"Nag papasalamat ako dahil bago ko pa naman lisanin ang mundong ito ay nakita kita este nakasama, narinig, nahawakan at nakausap ko" sabi nya. Napaiyak ako sa pag dahil matanda na sya at mahina na ang katawan nya.

"Lakasan mo lang ang loob mo" sabi ko sa kanya.

"Salamat mahal" sabi nya.

Hinawakan ko naman ang isa nyang kamay at ipinatong sa kamay ko na suot suot ang sing sing na ibinigay nya sa akin.

"Nararamdaman mo ba ang sing sing na ito?" Sabi ko na tinanguN naman niya.

"Nasaakin pa rin ito at patuloy na itatabi hanggang sa muli tayong pag tagpuin ng tadhan" sabi ko. Napangiti naman siya sa akin.

"Sana ay matagpuan natin ang isa't-isa sa tamang panahon" sabi nya.

"Itay!"biglang may sumigaw na binata sa medyo malapit sa bahay..

"Apo ko sya sa kapatid ko na si Vicente"sagot nya.

Halos kasing edad ko lang ata sya.

"Itay tara na po sa loob at mahamog na, ahm magandang hapon binibini, ako nga pala si Hericente napakaganda mong tunay. Maari ko bang malaman ang iyong ngalan??" Sabi nya. Nashook ako sa sinabi nya.

"Iho hindi interesado ang babaeng sa iyo."

Dahil sayo ang interesado

"Tatawagin kita pag papasok na ako kinakausap ko pa ang binibining ito" sagot naman ni Hermes. Gwapo rin ang apo nya. Kamukang kamuka ni Vicente.

Our old love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon