KABANATA III

1.7K 45 7
                                    

Sunny's POV

"Ito ang silid ng mga tagasilbi dito, ito ang mga baro't saya na iyong susuotin, mag laba ka nalang araw araw upang may masuot ka, ako nga pala si Nay Rosa ako ang mayor doma dito" mahabang sabi nya.

"Ako po si Sunny" pakilala ko

"Sige iha mag palit ka na sapagkat ang iyong kasuotan ay napakaikli. Lumabas ka at pumunta sa kusina pag katapos, nandoon ang palikuran natin" tumango lang ako.

Umalis na sya sa medyo madilim na kwartong to. Isang gasera lang ang nag papaliwanag sa buong kwarto.

Ilan kaya ang katulong dito? Di ko maimagine na magiging katulong ako sa lugar na to my god kaya nga nag tatrabaho sila mommy eh para maayos ang buhay ko tapos magiging katulong lang ako???

Di ko namalayan na umiiyak na ko, ayoko na dito

Tinignan ko yung tela na hawak ko. Hays.

Binuksan ko yun. 3 pares lang??? Hindi ako marunon mag laba. Pano ko to lilinisin pag wala na kong masuot.

Bibili nalang ako kung pwede tong konting pera sa wallet ko.

Nagbihis na ko tsk nakakairita ang damit na to at ang init. Pano nila to natatagalan na isuot.

Lumabas ako kasi yun yung sabi ni Nay Rosa. Pero di ko alam kung saan papuntang kusina.

Saan ako pupunta?? Wala akong makitang tao.

Naglakad lang ako ng naglakad hanggang sa nakakita ako ng lalaking nakatalikod at nakasilip sa bintana. Sya nalang ang tatanungin ko for sure alam nya kung saan papuntang kusina. Lumapit ako tas kinalabit sya. Lumingon naman sya sakin at medyo nagulat sya. Nagulat ba sya sa kagandahan ko?? Hahaha charr.

"Saan papuntang kusina?" Tanong ko

"Ikaw ba ang bagong tagasilbi ng aming pamilya?" Duh syempre bayan tsk. Gwapo pa naman sya kaso hina ng common sense.

"Syempre so nasaan ang kusina?" Sabi ko medyo nagulat sya sa sinabi ko. Anong nakakagulat dun??

"Ang iyong pananalita matuto kang gumalang" tinarayan ko sya daldal nya ituturo lang kung nasaan ang kusina eh

"Duh halata namang dalawang taon lang ang tanda mo sakin so bat kita gagalangin? Ituturo mo lang kung nasaan ang kusina tsk. Malaking kakulangan ba yun sa----" Sagot ko

"Nandito ka lang palang bata ka kanina pa kita inaantay sa kusina halika nga rito. Pasensya na ho Senior Vicente" tas yumuko si Nay Rosa

Bat sya yumuko.

"Bat kayo yumuyuko at bat nag sosorry kayo" inangat ko si nay rosa.

Sinamaan ko naman ng tingin yung vicente tsk.  Ngumiti naman sya sa akin

"Ayus lang ho Nay Rosa" sabi nya tas ngumiti na naman sya saakin sakalin ko kaya sya di nya ba alam na ang gwapo nya pag ngumingiti? Tsk

"Cge ho senior" hinila na ko ni manang.

"Hindi dapat ganun tinuturing ang mga senior dahil sila ang nag bibigay saatin ng hanap buhay." Sabi ni manang.

"Mas matanda po kayo dapat na kayo ang iginagalang nya tsk yung walang modo na yun" sumama ang tingin saakin ni manang.

"Itikom mo yang bibig mo dahil pag ika'y marinig ni don Marcelino ika'y mapapalayas sa bahay na to kay bago bago mo pa lamang eh" natahimik ako bigla.

Baka nga mapalayas ako ng wala sa oras.

Pag dating namin sa kusina may mga babae din na busy sa pag luluto.

Don't tell me pag lukutuin nila ako, hindi ako marunong.

Our old love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon