KABANATA XVI

971 36 1
                                    

Sunny's POV

Minulat ko ang mata ko at tinignan ang paligid. Nakahiga ako sa malamig na sahig, nananaginip na naman ba ako?? Panaginip ba to?!

Ito yung madilim na lugar na nakikita ko sa panaginip ko. Bumangon ako sa pag kakaupo at naramdaman ang sakit ng batok ko. For sure may pasa to.

Walang tao sa loob bukod sa akin, at di ko na napigilan ang luha ko hindi ko alam pero parang alam ko na ang mangyayare. I hope na hindi lahat totoo yun. Tumakbo ako sa pintuan at hinanpas hampas yun.

"PALABASIN NYO KO DITO!!!!" sigaw ko pero nag echo lang ang boses ko sa labas netong kulungan. Hallway ba ang labas neto at may katabi pang selda?? Nasa kulungan ba ako? Kung kulungan to bakit ang lawak ng kwartong to??

"TULONG!! TULUNGAN NYO PO AKOOKO!!" sigaw ko ulit pero parang walang tao na nakakadinig sa akin.

Hinanpas hapas ko yung pintuan pero tahimik pa rin. Natatakot na talaga ako rito. Madilim, malamig at sobrang tahimik pa. Napa-upo nalang at niyakap ang tuhod. Umiyak lang ako ng tahimik sa isang tabi umaasang may mag lalabas sa akin mula rito. Kung panaginip man to sana magising na ako.

Habang nakatulala sa kawalan at umiiyak, nahagip ng mata ko ang bag ko. Nadala pala rito ang bag ko. Agad kong nilapitan yun at kinapa ang cellphone ko, agad ko namang binuksan ang flash light at nakita ko kung gaano karumi ang lugar na to. Nakabukas lang yung flashlight para mabigyan ako ng kahit konting liwanag lang.

Tinitigan ko lang yung phone ko na nakabukas hanggang sa di ko namalayang na nakatulog na ulit ako.

.......

"todavía durmiendo?" (Is she still sleeping?)

"Si Don Marcelino" (yes Don Marcelino)

"despertarla" (wake her up)

" Si Don" (yes Don)

"Hoy! Gising!" Ano ba naman to. Istorbo!

Di pa din ako gumising nakakaantok pa eh hays. Hirap kaya matulog sa panahon na to.

"Hoy gising sabi eh!" Sigaw nya sabay tadyak!.

"Aray!" Sigaw ko. Dumilat ako at nakita ang tatlong gwardya sibil na nakatayo sa harap ko.

"Sino kayo??!" Bumangon ako at umupo.

"Gising na ho siya Don" sinong Don yun??

Kinabahan naman ako sa naisip ko kung sino ang tinutukoy nyang Don. Nakatitig lang ako sa kanya ng masama nang biglang may humarap sa akin....

Si Don Marcelino.

Dapat ba na tumakas na ko noong nalaman kong nanganganib ang buhay naming tatlo nila olivia???.

Bakit hindi ko naisipang gawin ang bagay na yun???!

"Hangal na indyo!" Bulyaw nya sa akin.

"Ama tama na iyan" napatingin ako sa pinanggalingan ng boses..

Hermes???

Nabuhayan ako ng loob ng makita ko sya.

"Bu-buti nandi-dito ka na-na" naiiyak pero masaya kong sabi pero titig lamang nya ang iginanti nya sa akin.

"Bat tinitignan mo lang ako???" Naguguluhan kong tanong..

"Anong aasahan ng isang katulad mong indyo sa anak ko?? Alam ko ang naging relasyon nyo. At ginamit ka lang nya" huh??

Naguguluhan ako. Ginamit nya lang ako???

"Totoo ba yun??" Tanong ko kay Hermes.

Eto yung nasa panaginip ko. Hindi ito ang saktong pangyayare pero ito din ang nakita ko. Kung alam ko lang na totoo pala lahat ng iyon matagal na kong umalis dito.

Our old love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon