Sunny's POV
Anong ginawa ko kanina??
Umamin lang naman ako!. Hayp.
Nakakahiya ayoko na uuwi na ko gusto ko na umuwi!!!
Sana lamunin na ko ng lupa.
"Wahhhhh nakakahiya!!! Pero Gusto ko na ba talaga??" First time kong umamin sa lalaki oh my god. Lalake ang umaamin saakin. Karma ko ba to kasi kahit isa wala akong pinapansin??
Bakit ko ba kasi nasabi yun eh!!!! Huhuhuhu
Nag mamaktol na ko dito sa tabi ng ilog. Kauuwi lang namin at dumeritso ako dito para mag labas ng.. kahihiyan!
Okay let me show anong nangyare!
**Flashback***
"Bakit nga ba protektadong protektado ka sa kin kanina?? Bat ang bait mo?!, hindi mo ba alam na nahuhulog na ako sayo!"
What the fudge did I say???
Bat ko sinabi yun?
"Anong sinabi mo??" Tanong nya agad.
Ano ba sinabi ko??
"hindi mo ba alam na nahuhulog na ako sayo!"
"hindi mo ba alam na nahuhulog na ako sayo!"
"hindi mo ba alam na nahuhulog na ako sayo!"
Paulit-ulit naman to sa isip ko!
"Wala!" Tanggi ko sa kanya sabay lakad ng mabilis.
Wag na sana sya mag tanong huhuhu.
"Siguradong may narinig akong nahuhulog ka na Sunny! Uy! Ako'y iyong antayin"
Hanggang sa makauwi ayun di ako nag sasalita. Sya naman nakikita kong tinitignan nya ko tapos sabay tingin sa lamayo.
***End of Flashback***
Ano sa tingin nyo papahuli ako??!
It's a NO!
Pero..
"Gusto ko na ba talaga sya??" Kanina pa ko tanong ng tanong ng ganyan sa sarili ko.
Oo minsan kinikilig ako pero bat namannnn bat ko naman nasabi yun.
"Bat ko ba kasi sinabi yun eh!!!." Para na kong timang dito na kinakausap ang sarili ko.
Vicente's POV
Kukuha sana ako ng tubig sa balon malapit ilog ng makarinig ako ng boses.
"Wahhhhh nakakahiya!!! Pero Gusto ko na ba talaga??" Si binibining Sunny ba yun?
Lumapit ako ng konti para marinig ng maayos ang sinasabi nya.
May kausap kaya sya??
"Gusto ko na ba talaga sya??" Malinaw ko na syang nadidinig.
Parang may pana na tumama sa dibdib ko ng marinig yun. May iba na syang nagugustuhan.
Sino ang nagugustuhan nyang lalake?
Si Hermes ba ang tinutukoy nya?
Tinitigan ko sya. Medyo madilim pero naaaninag ko pa sya. Kahit nakatalikod ay napakaganda nya. May hawak syang gasera na maliit n nag bibigay ng kaonting liwanag sa paligid nya.
Totoo nga na pag tinamaan ka ng pag ibig di mo papasinin ang estado ng buhay nya.
Gusto ko syang makilala pero hindi ko alam kung paano at sa tingin ko ay wala na rin akong pag asa sa kanya.
BINABASA MO ANG
Our old love (Complete)
Historical FictionSunny is a famous student sa kasalukuyang panahon na makakapag travel to past, makakapunta sya sa panahon kung saan ang pilipinas ay nasa ilalim pa ng mga kastila. Ano kaya ang gagampanan nya sa panahong iyon?.