KABANATA VIII

1.1K 39 6
                                    

Sunny's POV

Nagising ako sa madilim na lugar, hindi pamilyar sakin to kasi sobrang dilim ng paligid.

"Bitawan nyo ko!!!!" Napalingon ako sa paligid ko ng makarinig ng boses. Saka ko lang na pag tanto na nasa kagubatan ako.

Hindi malinaw sa paningin ko ang mga muka nila at ng babaeng hila-hila ng dalawang malalaking lalake.

Hindi ko alam kung bakit ko sila sinundan, pero kinakabahan ako sa bawat hakbang ginagawa ko. Bakit?

Sino ang babaeng yun?

Bakit ang labo ng paningin ko?.

Nasaan ba ako.

......

Nakarating kami sa isang madilim na kwarto. Hindi ko alam kung paano at bakit hinahayaan nila akong sundan sila.

"Pakawalan nyo ko!!" Sigaw ng babae.

"Ano bang kailangan nyo sakin!!!" Malakas na sigaw nya.

"Manahimik ka!" Sabi ng isang lalaki sa babae at sinampal ito.

Grabe sila nag sisimula ng uminit ang ulo ko dahil sa ginagawa nya.

"Parang awa nyo na pakawalan nyo na ko!" Pag mamakaawa nya.

Hindi na nila pinansin ang babae at itinali sa upuan na nandoon.

Maya maya'y may dumating na lalake at babae. Hindi ko rin makita ang mga muka nila. Bakit hindi ko makita???!

"mucho tiempo sin verte" sabi ng lalake (Long time no see) hindi ko man maintindihan pero nakikita ko na base sa salita nya ay nangiinis sya.

"Don-" mag sasalita na sana sya pero sinampal ulit sya ng lalake

"Manahimik ka!" Hiyaw neto sa harap ng babae.

Umiiyak na ang babae ngayon. Hindi ko alam kung bakit pero parang nasasaktan ako. Hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko ang nararamdaman nya.

"te lo adverti" (I warned you) sabi nya sa babae.

"ella no puede entender español" (she can't understand spanish" bulong ng babae sa tabi nya.

"olvidé" (I forgot)

Maya maya'y may pumasok ulit na lalake. Hindi ko makilala kung sino sya pero pamilyar ang katawan nya sa akin.

"estas aqui" (you are here son) sabi nya sa bagong dating.

Hindi ko makita ang emosyon nila pero ang emosyon ng babae ay nararamdaman ko.

Bakit?

.....

"Paalam senior mahal kita" sabi ng babae habang nakatutok ang matalim na bagay sa leeg nya.

Gigilitan ba sya???!

No! oh my god.

Anong ginawa nya para gawin nila to sa kanya???!

"Patawad" sabi ng lalaki

Wala nang tigil ngayon sa pag iyak ang babae.

Hindi ko alam pero naiiyak na rin ako dahil sa nakikita ko.

"NOOOOOOO!!!!"  Sabi ko nang makita ko sya na gigilitan na sya.

"Hoy Sunny! Gising!" Napabangon ako kaagad sa higaan ko. Pinagpapawisan, tumutulo ang luha ko, at hinihingal ako.

Our old love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon