Third Person's POV
*the day that sunny's adventure began*
Kauuwi lang binatilyo galing sa pagbabasketball at pawisan syang nakita ng kanyang yaya.
"Naku hijo mag palit na bago ka pa matuyuan ng pawis mo baka mag kasakit ka nyan" nagaalalang sabi ng medyo may edad na babae.
Sinunod naman ito ng binata at umakyat agad sa kanyang kwarto at naligo.
"I wish hindi ka mabasted sa pag amin mo sa kanya bukas" sabi ng binata sa sarili sa harap ng salamin at bahagyang sinusuklay papunta sa isang deritso ang lampas kalahatin ng kanyang buhok ng biglang may makita sya sa salamin.
Nagtaka sya kasi dalawa ang mukang nakikita nya ngayon sa harap ng salamin. Ang repleksyon nya at nang misteryong lalaking kahawig nya.
Agad syang tumingin sa likuran nya pero wala syang nakitang tao doon kay ibinalik nya ang tingin sa salamin at nakita nya ulit ang lalake sa salamin. Nakaramdam ng matinding takot ang dibdib nya.
"Si...si..no.. k..ka?" Nauutal na sabi nya sa lalakeng titig na titig sa kanya.
"Ako ay ikaw at ikaw ay ako" napakunot noo ang binata sa narinig. Bukod sa magkamukhang magkamukha sila ay magkaboses din sila.
"Ta..tao k...ka.. ba??" Tanong nya ulit.
"Ako ay nabuhay nuong unang panahon" sagot ng lalake sa binata.
"A..a..no a..ang kailangan mo??" Medyo nawawala na ang takot na nardaman nya kanina.
"Para sa babaeng minamahal ko gusto kong maging isa tayo ikaw ay magiging ako at ako ay magiging ikaw" paliwanag ng lalake sa binatang muka pa ding naguguluhan sa mga sinasabi ng lalake.
"At sino naman ang babaeng yun?" Tanong ng binata.
"Malalaman mo rin sa tamang panahon. Pag maging isa tayo sa panahong ito ay mabubura ako sa taon kung saan ako nabuhay at ang taong yun na nakakita sa akin na nasa panahong ito ang syang makakaalala sa akin. Hindi ako masisilang sa panahon ko sapagkat ako ay magiging ikaw" mahabang paliwanag ng lalake. Tila naguguluhan pa din ang binata sa sinasabi nglalake na nasa salamin ngayon at nakatitig sa kanya.
"Bakit mo kailangang isakripisyo ang buhay mo para sa babaeng iyon?" Tanong ng binata.
"Ang babaeng yun ay hindi na muling isisilang pa sa mundong ito dahil nagawa nya ang pinagbabawal ng langit. Ang mag punta sa sinaunang panahon. Hindi nya lang isang beses ginawa ang bagay na iyon. Madaming beses kaya pinarusahan ang kaluluwa nya at ang parusa ay hindi na muling maisisilang pa sa mundong ito" medyo naguguluhan pa din ang binata pero pinilit nyang intindihin ang sinasabi ng lalake.
"Nais kong maging masaya sya sa buhay nya ngayon at nais ko syang makasa dahil baka ito na rin ang huling beses na isisilang ako" dugtong pa ng lalake
"At anong mangyayare sa akin pag pumayag ako??" Tanong ng binata na nakakunot ang noo.
"Walang mangyayare sa iyo. Walang magbabago sa iyo. Madadagdagan lamang ang iyong nalalaman at ang puso mo.." naputol ang sasabihin ng lalake sa naisip na parang magiging makasarili sya sa planong gawin.
"Anong mangyayare sa puso ko?" Tanong ng binata.
"Kung sino man ang nilalaman ng puso mo ngayon maaring magbago yan" pagtatapat ng lalake.
Natahimik naman ang binata at nag isip. Buhay nya ang nakasalalay sa desisyong gagawin nya at baka pag sisihan nya pag hindi nagsasabi ng totoo ang lalake. Pero mayroong parte sa kanya na pumapayag na sya at hindi nya alam pero umaayon ang isip at puso nya sa kung ano ang sinabi ng lalake.
"Pumapayag ka" sambit ng lalake matapos mabasa ang expression ng mukha ng binata.
Tumango ang binata at tumingin sa lalake "pumapayag ako" matapang na sabi ng binata.
"Pag matapos ang gagawin natin ay hindi mo maalala ang eksenang ito at ganun din ako. Mabubura ang lahat ng bagay na isip ko. Ang pamilya ko sa panahong iyon ganun din sila dahil kahit minsan ay hindi ako isisilang sa panahong iyon" paliwanag nglalake
Kahit na para sa kanya ay mahirap gawin ang bagay na ito ay gagawin pa din nya para sa babaeng minamahal nya. Kaya nyang isuko ang lahat para babaeng iyon.
"Paalam kuya Vicente at Don Marcelino salamat sa lahat" nakita ng binata ang sakit sa dumaan sa mga mata ng lalake nang marinig ang mga sinabi lalake.
Sa bagay na ito ay talo ang lalake sa binata dahil ang alaala nya ay mabubura at mabubura din sya sa alaala ng mahahalagang taong naging parte ng buhay nya sa panahong ito.
Bigla nalang bumagsak ang binata sa sahig at nawalan ng malay.
*1871*
Nanganak si Doña Salazar ng isang lalake at pinangalanang Vicente. Lumaki ito na may matikas na pangangatawan at napakamatipuno.
Hindi na nasundan pa si Vicente at mag isa lamang syang anak nina Doña Salazar at Doñ Marcelino. At minahal ng mga ito ng sobra si Vicente at ibinigay ang lahat ng gusto.
Nagkaroon sila ng mga katulong. Sina Nay Rosa ang pinakamatagal na katulong, si Minelda, frits, lis at olivia. Silang lima ang katiwala nina Don Marcelino at Doña Salazar at maganda ang kanilang relasyon sa isa't-isa.
Napangasawa ni Vicente si Minelda na isa sa mga katulong. Hindi tumutol sina Don Marcelino at Doña Salazar dahil napakabait sa kanila ni Minelda.
Namatay sina Don pagkatapos manganak ni Minelda sa una nilang anak ni Vicente at di ka launa'y namatay si Doña sa sobrang lungkot sa pag kawala ng asawa nya dahil sa isang cancer.....
Naging masaya din ang buhay nina Frits, Olivia at Lis sa kanilang pag aasawa. Si Nay Rosa naman ay namatay pagkatapos mag pakasal ni Vicente kay Minelda dahil sa katandaan...
*Current Time*
Masakit ang ulo ni Hermes ng nagising na nakahiga sa sahig.
"Bakit nasa sahig ako?? Anong nangyare?" Tanong nya sa sarili.
Pero isang tao lang ang nakita nya sa isip nya. Ang babaeng nakasuot ng mahabang damit at mala Maria Clara na nakangiti sa kanya.
"Sunny" bulong nya sa sarili at napahawak sa puso nya.
*tok tok tok*
"Hijo nakahanda na ang hapunan" dinig nyang sigaw ng matandang babae sa labas.
"Susunod ho ako" sagot naman nya.
Nalilito pa rin sya kung bakit nya nakikita sa isip ang babaeng yun.
Kinagabihan ngmakatulog sya ay napanaginipan nya ang lahat ng nangyare sa dating Hermes at kay Sunny pero sa pagkakataong ito sya na siHermes. Sya na si Hermes na umiibig kay sunny at sya ang lalakeng handang gawin para sa kanilang pag mamahalan.
Napabangon sya sa dami ng nalaman nya at tungkol sa kanya at kay Sunny.
"Our old love will never gone, it is in our heart, I loved you Sunny sa panahong yun maging sa panahong eto"
THE REAL ENDING!!!!!!!
AN: AKALA NYO TAPOS NA NOH. HAHAHAHAHAHA PINAGISIPAN KO YAN NG BONGGANG BONGGA! SANA SATISFIED KAYO. GUSTO KO NGA PALANG MAG PASALAMAT SA TUMAPOA NG STORY NA ITO.
YES IT IS BORING PERO PINAGHIRAPAN KO TO ILANG BUWAN KONG PINAGPUYATAN. (KAHIT NA MUKANG HINDI PINAGPUYATAN) 😂😂 PERO THANK YOU PO TALAGA 😍😘😘😘 SANAY SUPORTAHAN NYO PA AKO SA SUSUNOD KONG GAGAWIN MARAMINGMARAMING SALAMAT PO
*BOW*I have new book titled 'My Ghost Girlfriend' if you are interested just go on my profile and look for that book!. Thank you!.😊❤
BINABASA MO ANG
Our old love (Complete)
Ficción históricaSunny is a famous student sa kasalukuyang panahon na makakapag travel to past, makakapunta sya sa panahon kung saan ang pilipinas ay nasa ilalim pa ng mga kastila. Ano kaya ang gagampanan nya sa panahong iyon?.