KABANATA IV

1.4K 46 1
                                    

Sunny's POV

Lumipas na ang tatlong araw at parang nakakaadopt na ako sa culture nila. Gusto ko na bumalik pero paano?

"Hindi ka ba uuwi ngayong araw sa pamilya mo?" Tanong ni Olivia sa akin.

Nandito kami ngayon sa kusina para mag hugas ng plato. Share ko guys marunong na ko mag hugas ng plato at mag laba!. :)

"Sana pwede" sagot ko

"Ngayon ay uuwi kami nila nay Rosa sa aming mga pamilya dahil bukas ay linggo na at ito ang araw ng pahinga" linggo na pala bukas 6 days na pala ako :(

Nakakamiss gumimik, uminom ng beer or wine, mag window shopping every sunday.

"Wala akong mauuwian dito" malungkot na sagot ko.

"Ganun ba siguro nasa malayong probinsya ang iyong pamilya" tumango lang ako at inayos na ang mga platong nahugasan na.

Pagkatapos namin mag linis sa kusina ay bumalik na kami sa kwarto namin. Nag aayos na sila ng sarili nila para sa pag uwi nila. Sana pwede din akong umuwi.

Bago umalis ay ibinigay ni nay Rosa ang bayad daw sa pag tatrabaho namin dito. Ang natanggap ko ay 5 pirasong silver na bilog. Bat ito lang? Parang limang piso lang to ah. Grabe napakamura naman ng sahod dito. Pag katapos ibigay ang sahod ay umalis na sila.

Gabi na pero di pa ko inaantok, lumabas ako ng bahay at pumunta dun sa ilog na pinuntahan namin dati ni Senior Hermes umupo ako doon at pinikit ang mata.

Napakasarap ng simoy ng hangin. Bawat hampas ng hangin sa aking balat ay nag hahatid ng kakaibang lamig na nag dudulot sa akin ng matinding lungkot at saklap na ang katotohanan ay baka ma-stock na ako dito. Hindi ako naboboring dito kasi madaming ginagawa ang trabaho ko.

"Bakit narito ka pa?" Nagulat ako sa taong nakatayo sa gilid ko.

"Di po ako uuwi Senior" sagot ko

"Bakit?, bukas ay araw ng linggo" sabi nya. Nakakainis naman pinapaalala nya pa sa akin na hindi ako makakabalik sa panahon ko.

Di nalang ako sumagot. Nakakatamad ng mag paliwanag paulit ulit nalang. Nag sisinungaling lang naman ako.

Naramdaman kong umupo sya sa tabi ko.

"May problema ka ba?" Tanong nya. Bakit ang bait nya sa akin samantalang sa iba ay napakamasungit nya.

"Wala po" aba marunong na akong gumalang hahaha.

Tahimik lang kaming dalawa doon.

"Alam mo ba na ang ilog na ito ay napakahaba?" Sabi nya.

Umiling lang ako.

"Maari kang makating sa binondo pag tinahak mo ang ilog na ito patungo doon" tinuro nya ang bandang kanan nitong ilog madilim man pero tanaw ko ang ilog sa malayo dahil sa liwanag ng buwan.

"Talaga??" Natuwa ako ng makarinig ng alam kong lugar. Gusto kong makapunta dun.

"Oo madaming pamilihan doon at nandoon ang mga intsik na mangangalakal at katapat naman ng binondo ay ang intramuros." Wow oo naalala ko katapat ng fortsantiago ang binondo ito siguro ang ilog pasig.

Sumawsaw ako ng tubig at nag hilamos.

"Napakalinis pa ng tubig ng ilog na to" sinangayunan naman ni senior ang sinabi ko.

"Maari kang mag tampisaw dyan at maligo" ngiting tugon nya.

Tumayo na sya at nag pagpag

"Tara na" iniabot nya sa akin ang kamay nya para alalayan ako.

Our old love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon