KABANATA X

1K 48 6
                                    

Dedicated to: User34141642

Sunny's POV

Nagising ako sa ingay na naririnig ko sa labas.

Parang may nag iiyakan.

"Anong nangyare" tanong ko pag labas ko ng kwarto.

"Natagpuang patay sina menilda at Nay Rosa sa kagubatan kaninang madaling araw" malamig na sabi ni lis.

"Di a-ak-o ma-ka-kapa-nin-ni-wal-la na-na kay-ya ni-la-lang ga-ga-win yu-n" sabi ni olivia na humihikbi at umiiyak pa

"Napakasama nila! Pano nila nagawa yun sa kanila, wala silang awa!" Galit na sabi ni lis.

"Wala ba ang amo natin dito ngayon?" Tanong ko

"Wala sila, sila Don, may dinaluhan na kasiyahan sa kabilang bayan si Senior Hermes nasa paaralan at si Senior Vicente naman pumunta sa kabilang bayan bumisita sa kaibigan nya" malamig na sabi ni lis.

Mabuti na lamang at wala sila dito.

Sa aming lahat na nandito ako ang pinakakalmado. Si frits at olivia umiiyak at si lis naman medyo galit.

"Mabuti nalang" sabi ko.

Baka pagalitan kami ng masungit naming amo na babae. Mabait naman si Don eh, yug asawa nya lang talaga eh.

"Ang hirap paniwalaan" sabi ni frits.

Kahit ako di makapaniwala na wala na sila. Wala na kaming Nanay-nanayan :(

-----

Kinahapunan pinayagan kami ng mga guardia sibil na makalabas para pumunta sa lamay nila Nay Rosa at Menilda.

Grabe pa nga yung inspection na ginawa nila samin bago kami palabasin tsk. Akala mo naman mag nanakaw kami -_-

Makabalik lang talaga ako sa panahon, kaso di ko na sila makakasamang muli.

Una naming pinuntahan ang bahay ni Nay Rosa inabot kami ng isang oras sa paglalakad para puntahan ang bahay nila. Grabe nakakapagod tong ginagawa namin.

Di kasi kami pwede gumamit ng kalesa na walang kasamang amo.

Madaming tao ang nandito ngayon sa lamay ni Nay Rosa. Mga nakikitsismis, mga nakikiramay at madami pang iba. Tatlong babae ang nakapukaw ng atensyon ko tahimik lang silang nakaupo at namumugto ang mga mata nila.

Sila na siguro ang pamilya ni Nay Rosa.

Kaano-ano kaya nila si Nay Rosa.

"Nay!!! Bat mo kami iniwan???!" May isang babae naman ang nagwawala sa harap ng kabaong.

"Inay, tama na pooo" parehas silang umiiyak.

Mga nasa 9 years old palang siguro yung bata. Kawawa naman sya di nya makikita ang lola nya habang tumatanda.

Walang puso talaga ang gumawa sa kanila nito, nihindi man lang nila inisip ang mga taong maiiwan ng taong pinatay nila.

Walang awa talaga ang mga kastilang yan!.

"Maupo kayo" sabi sa amin ng isa sa tatlong babae kanina.

"Salamat, eto nga pala si Sunny bago naming kasamahan" pakilala sa akin ni lis.

"Ahh ako si Esmeralda eto naman si Rosana at sya naman si Maria" pakilala ng Esmeralda sa akin.

"Nice to- ahhh ibig kong sabihin masaya ako na makilala kayo" nakangiti kong sabi.

Umupo na kami dun sa isang bangko na nandito.

"Anong nangyare??" Sabi ni maria na tulala sa tabi ni Esmeralda.

Our old love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon