San ko ba hahanapin yung nerd na yun!? Parang mahihimatay nako sa kakahanap sa kanya.
"Greg , tingnan mo kung sino paparating." Sabi ng kaibigan niya.
Tiningnan niya ko,parang takot na takot siya. Sus! Ngayon pa pang siya matatakot!
"Hoy! Nerd! Magusap mga tayo!"
"Huh? Si-sino a-ako?" habang tinuturo ang sarili.
"Oo, ikaw." lumapit naman siya.
"An-ano naman pa-paguusapan natin?"
"Di tayo maguusap dito. Dun tayo sa lugar na walang tao."
"Sige. Magpapaalam lang ako."
GREG'S POV
"Sige. Magpapaalam lang ako." Hinawakan niya ang kamay ko tapos hinila niya ko. Salamat sa pagkakataon Lord. ^_^
"'Wag na!"
Pumunta na kami dun sa Garden ng school. Ano naman ba kasalanan ko? Baka namanagsosorry lang siya. Imposible! Hindi yanagsosorry kahit siya ang may kasalanan.
"Uhhmm.... Ano nga pala pangalan mo?"
"Ahh.. pangalan ko?" nauutal kong sabi.
"Oo, pangalan mo." Sabay ngiti sakin.
"Greg, Greg Rey Moldava pangalan ko."
"Ok."
"So? Ano? Ano paguusapan natin?"
"Ano.. Kasi.. kailangan ko ng tulong mo. Pwede?"
"Sure! So ano kailangan mo?"
"Ano... Gusto ko kasi maging, Ano... Kasi gusto kasing maging ano kita ..." Bat nauutal siya.
"Ano?"
"Gusto ko kasi na maging Boyfriend kita." Ha? Ano daw? Boyfriend?
"Ano?y pakiulit nga?")
"Sabi ko gusto kong maging boyfriend kita."
"Su-Sure."
"Pero huwag kang assuming ha. Hindi to seryoso. Gusto ko lang makalimutan si Bryan kaya gagawin ko to." Ouch! Akala ko seryoso na. Pero ok lang at least naging girlfriend ko siya kahit hindi siya seryoso sakin. T.T
"So? Ano?"
"Sige ok lang sakin."
"Pero una sa lahat gusto ko magayos ka muna para naman gumwapo ka naman." Sina sabi ba niyang panget ako?
"K." Tipid kong sabi.
"K, so ano tara na?"
"Tara." Haaaaayyy. Gagastos na naman ako nito.
MADY'S POV
Salamat naman at pumayag si Greg na maging boyfriend ko para makalimutan ko si Bryan at tuluyan nang mawala ang pagmamahal ko sa ka niya. (May pagmamahal ka pang nalalaman ha!)
"MJ mauna nako ha may klase pa kasi kami."
"Sino si MJ?"
"Ikaw. MJ shortcut sa pangalan mo. Para naman maiba, kasi ang iba ang tawag sayo Mady, Jane, at Jad."
"Ahh!"
"Sige alis muna ako."
"Sige. Bye!" At ayon iniwan na lang akong magisa na naglalakad sa hallway.
*KKKRRIIINNNGGG!*
"Naku! late nako nito ngayon! Math pa naman ang susunod na klase namin!"
"Hoy!"
"Ay! Kabayong Unggoy ka!" Nagulat ako sa nagsalita, si Bryan lang naman pal
. Shet! Bat ba kasi ang gwapo niya pag nakasmile, nakakainlove!!
"Ouch! Sa gwapo kong ito,magiging kabayo ako at unggoy pa!"
"Ginulat mo kasi ako. Sorry na!"
"So? Ano? San kaba pupunta?"
Mady! Diba dapat kalimutan mo na siya, diba dapat hindi ka na maiinlove sa kanya? Eh? ano tong ginagawa mo? Lalandi ka naman.
"Sa classroom. Sige mauna na ko." Sabay takbo.
"WAIT!"
Hindi na ako lumingon. Kasi malelate Na ako eh . ̄ˍ ̄ Sa palagay ko sinusundan ako ni Bryan. Alam niyo kung bakit? Simple lang, magkatabi kasi room namin∩__∩. Salamat naman at nakarating nako.
"Knock! Knock!" Wala man lang pumansin sakin. Pumunta na lang ako sa upuan ko.
"Best, bat ngayon ka lang?" Sabay abot sa 1/2 paper. Nagquiz kasi si Ma'am.
"Eh! May pinagusapan pa kami ni Greg!" Habang nagaanswer.
"Sino si Greg?"
"Yung nerd na nakasalubong natin sa Caf.?"
"Ahh! So? Anong pinagusapan niyo?"
"Pwede ba best, mamaya na lang nakikita mo naman na sinasagutan ko pa ang mga equation na puro x? nakakainis na!"
"Sige na tatahimik na!" At ayon tumahimik na siya. Galit na naman to sakin. Hahahahaha!
___________________________________
Please vote and comment kung nagustuhan niyo! ^_^||
BINABASA MO ANG
When Fake Goes to Real
Teen FictionIniba ko po yung title. Kasi baka baka makapagkamalan ako na nangongopya. kaya iniba ko na po siya. Pero ang story go with the flow pa rin. Sa lahat ng nagbasa nito sana magpatuloy pa rin po kayo sa pagbasa. HAHAHAHAHA! Thanks na lang po sa mga nagv...