February 8, 2014
GREG'S POV
Nandito ako ngayon sa Plaza hinihintay si Mj, dahil sabi niya papagwapuhin pa daw niya ko. Bakit, may mali ba sakin?
"Tagal naman ng babaeng yun!"
"Hi! Sorry kung nalate ako, marami pa kasi akong ginawa. So, tara na!" Bat pagod na pagod siya? AAAA!! Erase! Erase! Erase! Huwag kang dirty minded Greg!
"Tara." Pumara na kami ng Taxi at pumunta sa isang Barber shop na hindi ko alam.
Nagsimula nang gumupit ang barbero. Mga ilang minuto din bago natapos ang pagupit at si Mj naman parang lokaloka, nagsisigaw dahil da gutom. Alam naman niyang matagal, bat di pa siya pumunta at kumain na lang.
Pumunta na ako sa cashier at binayaran yung pag gupit. At sunod naming pinutahan ay Jollibee. Kasi nga gutom na si MJ. Umorder nako para sakin at sa kanya. Ang inorder ko ay Burger at cokefloat lang, samantalang sa kanya pang 3 months iwas gutom. Eh sino naman ang mabubusog sa Palabok, Spaghetti, Sundae, Burger, Large Fries, At Cokefloat at ang masaklap pa dyan ako pang pinabayad. -_-
"Salamat sa libre ha! Busog na ko!"
"Wala ba kayong pagkain sa inyo Mj? Para yatang ngayon ka lang nakakain eh."
"Bakit, masama bang kumain ng ganun karami? Tsaka sa totoo lang, hindi kasi ako nakakain ng almusal. Kaya sorry na kung pinabayad kita."
"Sige, sige! Basta sa susunod sabihin mo sakin kung wala ng laman ang tef niyo para makapaghanda ako sa panglilibre sayo."
"Ouch ha!! Pasalamat ka ikaw ang napili kong maging boyfriend!" -_- Nakakamatay talaga ang word na NAPILI. T.T
"Baket? kasalanan ko bang umibig ka sa maling tao?"
"Tara na nga lang, at bumili na tayo ng mga damit mo." At ayon nagsimula na kaming maglibot-libot sa mall. Una naming pinuntahan yung sikat na branch.
"Sige, dun ka pumili ka ng gusto mo at dun naman ako sa kabila para pipili rin ako ng gusto ko para sayo." Pumunta na ako sa sinabi ni MJ at nag simula ng pumili. Hirap namang pumili, wala akong gusto.
"Ano ba to? bat wala akong mapili? Eto na nga lang." Kinuha ko yung kulay blue na longsleeve na polo at kulay white na shorts at pumunta nako kay MJ para tingnan kung ano ang mga pinili niya.
"O Greg, tapos ka ng mamili?"
"Ah... Oo. Eto lang pinili ko kasi wala akong nagustuhan."
"Oh, Eto try mo to isa isa at titingnan ko." Papatayin ba niya ko sa pamamagitan ng pagsusuot nang mga damit nato?
"Lahat ng to?"
"Oo. Lahat yan!"
" Eh? Ilang pares ba ng damit ang kinuha mo ha?"
"Hindi naman siya lalagpas sa 20."
"Nagbibiro ka ba?"
"Huwag ka na nga lang lumekramo! Suotin mo na lang yan! Sige na, bilis!" Sabay tulak sakin papuntang fitting room.
Una ko tinry yung kinuha ko at nagustuhan naman ni Mj at susunod naman ngayon yung mga pinili niya. Kinuha ko yung kulay broen na t-shirt na may stripes na maliliit na orange at white na may pares na shorts na kulay white. Lumabas ako at ipinakita sa kinya at nagutuhan naman niya. Tinry ko lahat ng mga damit ni kinuha niya at ang huli kong sinukat ay yung polo na kulay blue na may pares na kulay red na shorts. Halos lahat ng damit na pinili namin binili namin. nakakapagod namang magdala nito.
"Next, sa sapatos na naman tayo."
"May sapatos pa?"
"Oo naman para gwapo ka namang tingnan no." Pumuntana kami dun sa sapatosan siya na lang pinapili ko para makapagpahinga naman ako kahit konti.
Lumapit siya sakin at pinakita sakin ang mga binili niyang mga sapatos. Bat lahat ng kulay na makikita mo sa rainbow meron?
"Sige suotin mo na yung pinili mong damit at itong kulay blue na sapatos."
"Sige, pakibantay na lang nito. Magbibihis lang ako." Pumunta na ako sa cr at nagbihis. Lumabas na ako ng hindi nagsusuot ng glasses, sabi kasi ni MJ sakin. Paglabas ko ng cr, bakit parang may nagbago? Nagulat na lang ako dun sa mga babaeng bumati sakin.
"Hi!"
"Hi!" Bati ko sa kanilang dalawa.
"Ahhh! Gwapo niya talaga!" Ha? Sinong gwapo ang tinutukoy nila? Ako ba?
MADY'S POV
Tagal naman ng lalaking yun at nakakainis na talaga ha.
"Psst. Mady." tiningnan ko kung sino tumatawag sakin, pero wala naman akong kilala sa mga taong to. Baka imahinasyon ko lang to.
"Huy MJ! Ano ok ba?" tumingin ako sa tumawag sakin. Alam kong si Greg yun dahil wala namang ibang nakakakilala sa akin na tumatawag na MJ. Ng tiningnan ko siya (Nganga), Shet lang!! Bat ang gwapo niya? Bat ngayon lang siya gumwapo? At higit sa lahat bat nakakainlove siyang tingnan? Pero bawal yan, kasi isa yan sa sinabi ni best na kapag nakakita na ako ng lalaking magiging boyfriend ko para makalimutan ki si Bryan, kailangan daw hindi ako mainlove sa lalaking yun kasi kung nainlove ako sa kanya, tiyak dodoble na problema ko nito.
"Ano? Ok ba?"
"O-oo, b-bagay na bagay s-sayo." Bat nauutal ka Jane?
"So Ano tara na?" Kinuha na niya ang mga bags at umuwi na kami. May napabsin lang ako na habang papauwi kami, bakit parang niisa sa amin walang nagsasalita? Ano bang problema?
____________________________________
Pasensya napo kung maliit lang, wala na po kasi akong maiisip eh! ^_^
VOTE.SHARE.COMMENT PO KUNG NAGUSTUHAN NIYO!
BINABASA MO ANG
When Fake Goes to Real
أدب المراهقينIniba ko po yung title. Kasi baka baka makapagkamalan ako na nangongopya. kaya iniba ko na po siya. Pero ang story go with the flow pa rin. Sa lahat ng nagbasa nito sana magpatuloy pa rin po kayo sa pagbasa. HAHAHAHAHA! Thanks na lang po sa mga nagv...