Naligo na ako at kumain ng almusal. Lumabas at hindi makapaniwala sa nakita.
"Ma?" Bumalik na si mama? Bat hindi niya sa akin sinabi.
"Oh. Kumusta anak? Hindi mo na sabi na may boyfriend kana pala. Tara mag usap nga tayo?" Sabi ko na nga ba eh! Magagalit to kapag nalaman niyang may boyfriend ako! Huhuhuhu!
Ay! Wait! Hindi pa pala kami magsyota!! Nililigawan pa pala niya ako!! Yehey!!
"Ma, mamaya na lang baka malate pa ako!"
"Oh sige! Ay teka, kaninong koste tong isa? Hindi ko alam na may iba na pala tayong koste. Sa inyo ba to?" Teka ano bang sasabihin ko? Eh hindi niya alam na nandito si ate sa bahay! Lagot!! Bahala na si Batman ayaw kong ma stress dahil sa mga iniisip ko!
"Eh.. Kay.. Ano yan ma.. Kay ate." Maghanda kana sa tenga mo Mady, sisigaw na yan. Kasabay ang pagputok ng Bulkang Mayon! Waaaah!!
"Ano? Nandito ang ate mo? Mabuti naman at nagpakita na siya sa akin. Para na rin makadama siya ng sakit sa Mama niya." Thank you at hindi niya ako sinigawan. Pero anong sabi ni mama? Makakatikim si ate ng sakit sa kanya? Waaaah!! Ate umalis ka na!!
"Sige na anak. Pumasok na kayo." Paano ako makakapasok nito eh ang dami ng iniisip ko!
"Ate MJ. Tarana, baka malate pa tayo." Pagyaya ni Clint sa akin. Bakit ang cold pa rin ni Greg sa akin? Galit ba siya? Oh sadyang sinasabihan lang siya ng Diyosa ng kaselosan?
Pumasok na kami sa sasakyan. Sa likod kami umupo ni Greg. At sa harapan naman si Iya. At ang nagmaneho si Clint. Tahimik lang kaming dalawa dito samantalang yung dalawa. Ayun ang swet!!! (Sinadya ko talaga yung 'swet' thingy kasi ang daming alaala ng salitang to at para na rin matawa yung sarili ko.)
**
Tapos na ang klase namin. Pumunta akong Cafeteria para makapaglunch. Pero bat ang iba ng atmuspir (Sinadya ko rin tong atmuspir.) dito sa Cafetiria.
"Oh my Gosh! Here comes the MALANDI! Hindi ko inaasahan na niloloko lang pala niya si Bryan."
"Oo nga. At ang mas nakakagulat pa doon si Bryan pa ang unang nakalaman na niloloko lang pala siya." Anong pinagsasabi nila ha?
"FYI! Hindi ko niloko si Bryan. Kaya Bitch Please." At tska sinampal ko siya.
"Ang kapal ng mukha mo! Kung makasampal ka akala mo ikaw ang nagpapakain sa akin!" Sasampalin niya sana ako kaso pinigilan ko siya.
"OMG! Nagsalita ang hindi makapal. Hindi mo ba pansin na namumula tong kamay ko?" Tinapat ko sa mukha niya yung kamay kong namumula.
"Anong connect?!" Tinaasan pa niya ako ng kilay. Aba! Kung makataas ng kilay parang kita mo namang tumaas ang kilay!!
"Anong connect? Kaya namumula tong kamay ko dahil ito ang nagpapatunay na ang kapal ng mukha mo. TALAGA!!" Lumakad na ako papalayo sa kanya. Ay teka may nakalimutan akong sabihin sa kanya.
"At isa pa pala. Pwede wag mo na akong taasan ng kilay dahil hindi bagay sayo. Ang kapal kasi ng kilay mo eh. Kaya advise ko lang sayo. Shave shave din pag may time! Bye! Ay teka may napansin din pala ako. Galit kaba?" Aasarin ko muna tong baklang babae na to.
"Oo. GALIT NA GALIT NA TALAGA AKO SAYO!!!"
"Ay sorry ha! Hindi ko kasi pansin eh. Akala ko kasi iisa lang kilay mo. Yun pala nagkatagpo lang sila. Kaya Bye!!" Umalis na ako at kumaway sa kanya.
"HOW DARE YOU! BITCH!" Sinabunutan niya ako sa likod. Feel ko yung pagkalagas ng buhok ko ngayon.... Huhuhu!! Healthy pa naman yung hair ko.
BINABASA MO ANG
When Fake Goes to Real
Teen FictionIniba ko po yung title. Kasi baka baka makapagkamalan ako na nangongopya. kaya iniba ko na po siya. Pero ang story go with the flow pa rin. Sa lahat ng nagbasa nito sana magpatuloy pa rin po kayo sa pagbasa. HAHAHAHAHA! Thanks na lang po sa mga nagv...