Chapter 10: Date

36 2 3
                                        

Chapter 10: Date

Next day, Valentines day na. Naeexcite tuloy ako! Bakit kaya? Dahil ba kay Greg o kay Bryan? Bahala na nga.

Nandito kami ngayon sa kwarto ko, eto nagkwekwentuhan na naman kami.

"Best, may tatanong lang ako."

"Ano naman?"

"Ahhhm... Ano.. Paano pag nakipagdate sayo si--" Pagputol ko sa sasabihin niya.

"Sino si Bryan?"

"O-oo."

"Edi makikipagdate ako!"

"Eh paano kung si Greg din?" Oo nga no. Hindi ko yun pinagisipan. Natulala na lang ako sa sinabi niya. (Para dun matutulala ka?! OA!)

"Best, dapat mo na yang pagisipan dahil malapit na ang Valentines."

"Hindi yun mangyayari!"

"Malay natin, baka mangyari."

"Tumahimik ka na nga lang!"

IYA's P.O.V.

"Iya, tandaan mo. May date ka mamaya" Ako may date? At, ano daw mamaya? Eh kung may date ako sino naman? Niloloko lang ako ni Mady.

Naglakad na lang ako papuntang school at kinalimutan na ang sinabi ni Mady.

"Psst!" Lingon sa kaliwa. Wala namang tao.

"Psst!" Lingon sa kanan. May tao pero ang layo naman niya para marinig ko siya.

"Psst!" Lingon sa likod. Wala namang tao na nakasunid sa akin. Nakakainis na talaga tong baliw na taong to!!

"Psst!"

"Lecheng tao ka naman oh! Tigilan mo na nga ako, kanina ka pa sumisitsit dyan! Sino ka ba ha?! Magpakita ka sakin lecheng BABOY to!!" Tumingin ako sa kanan. Nakakahiya naman, lahat ng tao nakatingin sa akin.... NG MASAMA! Ano bang ginawa ko sa inyo ha? Nakita ko si Mady na pumipigil sa kanyang tawa. Ano bang nakakatawa at ano bang ginawa kong masama? Sinenyasan ako ni Mady na tumingin sa likod ko, kaya naman pala may matandang babae pala na nakasunod sa akin na ngayon ko lang na pansin. Kaya ba masama ang tingin sa akin ng mga tao dahil akala nila na sinisigawan ko ang matandang babae na nasa likod ko?

" Ah.. Hehehe. Sorry po. ^_^V" At lumakad na. Nakakahiya na man!! Huhuhuhuhu!! T-T

"Hoy! Iya!" Hindi ko na lang pinansin si Mady kasi, ano... Alam niyo na.

"Best! Antay naman oh!"

"Huy best!"

"Best! Alam mo na nakakapagod kang sundin?" Bakit sinasabi ko bang sundin mo ko?

"Best hinto naman...... Please." AYyy! Sige na nga, may please na kaya hihinto na sa paglakad.

"Ano?"

"Kanina pa kita tinatawag hindi ka naman nakikinig."

"Yun lang? Pwede na ba akong umalis?"

"Meron pa, Ano... Hindi ka ba nahiya sa ginawa mo kanina Best?"

"Huwag mo na ngang iparemind sa akin yan! Sige kung yan man lang ang paguusapan natin,  aalis na lang ako!"

"Joke lang naman. Hindi naman yun ang sasabihin ko sayo."

"Eh ano nga?!"

"Hindi mo ba nakakalimutan ang ringtone ng phone mo?"

"Huh?" Shete!! Oo nga pala, nakalimutan ko nga! Ringtone ko lang pala yun kanina. -_-

"Di mo ba alam na ringtone mo lang yun? Yung sumisitsit?"

"Ah.. Ehh... Oo nga no. Hehehe!!"

7:08 A.M, Feb. 14

Nandito kami ngayon sa Court nagcecelebrate ng Valentines day. May mga activities din na pwede mong salihan kung gusto tulad ng Blind Date magbibigay ka lang ng 5 pesos at isulat mo ang dalawang tao na gusto mong iblind date. Tsaka may kasalkasaln din 10 pesos may singsing at certificate pa na nagpapatunag na kinasal nga kayo. At mamayang gabi naman Dinner Date, isang pares kada isang table.

"Best, ready ka na ba para mamayang gabi?"

"Ano bang meron mamaya?"

"Basta! Magready ka na lang!"

"Ok. Mamaya maggagown ako na color white at naka 6 inches na color white na heels at isang boquet ng white na mga flowers!"

"Para san naman yun?"

"Ang alin?"

"Lahat!"

"Ahhh! Baka kasi mamaya ipapakasal mo ako sa isang lalaki na ubod ng gwapo, kabaitan at kayamanan!"

"Duh!! Kung ikakasal ka lang naman dun mabuti pang hindi na lang ako dadalo sa kasal mo!"

"Akala ko ba magbestfriend tayo?"

"Oo bestfriend nga tayo , pero baka kasi agawin ko siya sayo at mag away pa tayo."

"Ahh, ganun ba!"

"Magready ka mamaya ha."

"Para san nga!"

"Basta! May date ka mamaya!"

"Ahhh. Date laaaaaaaaa-- Anong date ang pinagsasabi mo?"

"basta may date ka mamaya. Bye." Sabay flying kiss.

*Fast Forward*

Mady's P.O.V.

Time check: 3:07 P.M.

Nandito ako ngayon sa isang room naghihintay sa kadate ko. Ito kasing si Iya pinagblindate kami ni hindi ko alam kung sino.

Biglang bumukas ang pinto. Parang siya na yata yung ka date ko. Hindi na lang ako nagsalita dahil hindi ko naman kilala kung sino siya.

______________________________________________

Sino kaya kadate ni Mady? Hulaan niyo  nga. ^_^

Pavote naman po.

When Fake Goes to RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon