Chapter 01 - The Audition

80 1 0
                                    

Umagang-umaga pero nagkakagulo sa isang apartment. Mga nag-uunahan sa pag-ligo, naghahanapan ng mga damit at may isang hindi na mapakali.

"Bilisan nyo naman. Baka mahaba na pila dun pagdating natin" pagmamadali ng isang matangkad na binata. Sya pa lamang ang nakabihis at handa nang umalis.

"Relax ka lang, Wes-ge" pagpapakalma naman sa kanya ng isang binata na napakapilyo ng aura. Akala mo ay laging may iniisip na kalokohan. "Sigurado namang may VIP treatment tayo dun"

"Asa ka pa, Brent" sabat naman ng isa ring mukhang maloko.

"Wayne-ge naman"

"Teddy-ge, pahiram ng sapatos ah" sigaw ng bunso sa kanilang lahat.

"Ano ka ba naman, Riley. Lahat na lang hiniram mo" angal naman ng tinawag na Teddy.

"Matagal pa ba kayo?" tanong ng isang inaantok na binata. Nakabihis na rin ito pero halatang kagigising lang.

"Sam, saan ka naligo?" tanong ng isa namang binata na may pagka-seryoso ang aura.

"Kaninang madaling araw pa ko nakaligo at nagbihis. Natulog lang ako ulit"

Nang matapos ang lahat ay nagmamadali na silang lumabas at duniretso sa parking lot.

"Evan, nasaan si Win?" tanong ni Wes nang mapansing kulang sila.

"Nauna na sa kotse. Sya daw magmamaneho"

Pagsakay sa kotse ay panay ang utos nila kay Win na bilisan ang pagmamaneho.

Sa araw na iyon ay papunta sila sa isang bagong established na entertainment agency para mag-audition.

Nakapag-debut na sila ilang buwan na ang nakakaraan, ang kaso ay bigla na lamang nagsara ang company nila kaya naghahanap sila ngayon ng malilipatan. Nagkataon namang nakita nila sa facebook ang tungkol sa bagong tayong agency na naghahanap ng launching group.

"Narito na tayo" sabi ni Win.

Pagtingin nila sa labas ng sasakyan ay nakita nila ang mahabang pila ng mga gustong mag-audition.

"Sabi ko sa inyo late na tayo eh. Ang babagal nyo kasi" paninisi pa ni Wes sa kanila.

"Tara na. Para matapos na to' agad" nauna nang bumaba si Riley kaya nagsunuran na rin sila.

Pagbaba pa lang ay nakakuha na sila ng atensyon. May ilang mga babae ang nagtilian at panay naman ang bulungan ng mga lalaki.

"Mag-o-auditon din sila dito!" excited na sabi nung isang babae "May chance na magkasama kami sa isang agency!"

"Shet! Ang gugwapo talaga. Sinayang lang sila nung agency nila"

"Bakit ba dito pa nagpunta yang mga yan? Akala ko ba sikat sila?"

"Oo nga. Di ba kaya naman daw nila makapasok sa ibang mas sikat na agency?"

Marami pa silang narinig na hindi kaaya-ayang mga salita.

Ang totoo kasi ay sinubukan na nilang mag-audition sa tatlong pinakasikat na entertainment company, kaso wala ni isa ang tumanggap sa kanila.

Iisa ng rason ng mga yun sa kanila.

Mahirap daw silang pakisamahan.

"Tara na nga. Wag nyo nang pansinin yan" tinulak pa ni Teddy ang mga kasama.

Lumapit na lang sila sa guard para magtanong.

"Da-ge, saan pwedeng maghintay para sa audition?" tanong ni Wayne.

"Ayan oh, pila. Pumila kayo dun sa dulo"

"Eh? Hindi mo ba kami kilala?" tanong pa ni Riley.

Tinignan muna sila ng guard isa-isa bago sumagot.

Heroin Entertainment - SpexialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon