Halos isang linggo na sila sa training camp at sa loob ng mga araw na iyon ay halos gusto na rin nilang sumuko.
Mabuti na lang at byernes na. Pinagpapasalamat na lang nila na dalawang araw ang pahinga nila. Para daw kung sakaling may gustong umuwi muna o mamasyal.
Pero sa kalagayan nila, wala nang nagtangkang umuwi o mamasyal man lang. Halos hindi na kasi sila makakilos dahil sa sakit ng mga katawan nila.
"Anong plano nyo bukas?" nakangising tanong sa kanila ni Yuchang. Nag-eempake ito ng mga damit dahil sya lang ang uuwi.
"Wala na akong lakas para kumilos kaya malamang matutulog lang ako sa loob ng dalawang araw" sagot ni Brent na nakahandusay na sa kama nya.
Paikot-ikot naman sa paligid ng kama nya si Teddy na parang may hinahanap.
"Nakita nyo ba yung mga marurumi nating damit?"
Nakuha ng tanong na iyon ang atensyon nila.
"Oo nga pala. Ngayon ko lang naalala" sabi naman ni Wayne "Saan na napunta mga hinubad natin?"
"Nilalabhan nila" tipid na sagot ni Fenglu habang busy sa cellphone nya.
"Sino?"
"Nina Wei-ge"
"Eh!"
"Ibig mong sabihin, silang apat din ang naglalaba ng mga damit natin?" paniniguro pa ni Win. "Pati . . underwear?"
"Uhm"
Lalabas sana sila para hanapin sina Ian nang pumasok naman ang mga ito na may dalang mga basket.
"Eto na mga damit nyo" sabi ni Ian sabay lapag ng mga dala nila "Pasensya na, kanina lang kasi natuyo eh"
Nilundag naman ni Zhiwei ang kama ni Fenglu at hinila ang kasintahan.
"Baobei, saan tayo bukas? Gusto mo bang manood ng sine?" masiglang tanong ni Zhiwei.
"Hindi ka ba pagod?"
"Medyo lang. Pero sabi ko naman sayo, di ba? Babawi ako"
"Ikaw ang bahala. Kahit saan"
Kinuha naman ni Dylan ang bag ni Yuchang at sinukbit iyon sa balikat nya.
"Ilalagay ko na 'to sa kotse" Dylan softly said "Para ready na bukas. Ihahatid lang kita tapos babalik din ako dito. Susunduin na lang kita sa linggo ng hapon"
"Xie xie"
Kung titignan ang dalawa ay masasbi nila na medyo nagkakamabutihan na ang mga ito. Hindi na nagiging bayolente si Yuchang tuwing makikita nya si Dylan.
Habang nagkakatuwaan sila ay hindi nila namalayang wala na doon sina Ian at Simon.
"Saan na napunta sina Simon-ge?" takang tanong ni Riley.
"Wala silang permit kaya hindi sila pwedeng magtagal kasama kayo" sagot ni Zhiwei na ngayon ay nakaunan na sa mga hita ni Fenglu "Ewan ko ba sa dalawang yun. Pwede naman silang kumuha ng visiting pass kasi malalaki ang merits nila, pero ayaw nilang gamitin. Mukang may pinaglalaanan"
"Anong merits?" curious na tanong ni Sam na nakihiga pa sa tabi ni Zhiwei.
"Kapag may nagawa kayong achievements, magkakaroon kayo ng merits. Makukuha yun sa bawat mission na ipapagawa sa inyo" paliwanag ni Dylan "Sa aming apat, sina Simon at xiao Pochen ang pinaka-malaki ang merits dahil sila ang madalas magprisinta tuwing may malalaking missions"
"Anong klaseng missions naman yun?"
Bago pa man makasagot sina Dylan ay biglang tumunog ang alarm.
BINABASA MO ANG
Heroin Entertainment - Spexial
FanfictionA newly established entertainment agency requires a launching group. A rookie boy group's agency shuts down and now, they are left with no handler. Men with dreams comes to audition. Will this setup work out?