Chapter 05 - One Stormy Night

22 0 0
                                    

"Kahit kailan, hinding hindi ko makakalimutan yung ginawa mo"

Dylan was laying flat on the floor while Chang sat on top of him, gripping the collars of his clothes.

"Xiao Chang . ." bago pa man maituloy ni Dylan ang sasabihin ay binitawan na sya ni Chang at basta na lang din syang iniwan.

Nakasalubong pa ni Chang Win paglabas nya.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Win nang mapansin nya ang munting butil ng luha sa gilid ng mga mata ni Chang.

And in a flash, Chang's expression went back to being his bright side.

"Oo naman, Win-ge" Chang answered flashing his smile.

Tumango na lang si Win at hinayaan na nyang umalis si Chang. Pagpasok nya sa loob ay muntik pa sya mapaupo.

"Anong nangyare dito?" gulantang na tanong ni Win.

Nakatumba ang mahabanh lamesa at bali-bali ang mga upuan. The place looks like a hurricane just passed by.

"Medyo may misunderstanding lang kami ni xiao Chang" alanganing sagot naman ni Dylan.

Tinulungan na syang tumayo ni Win dahil muka syang kailangan na ng stretcher.

"Yung totoo. Ano ba talagang problem nya sayo?"

"Mahirap ipaliwanag eh"

"Mahirap ba? O hindi mo lang talaga kayang ipaliwanag?" Simon butted in. Kararating lang nya at mukang natuwa sya sa inabutang kaguluhan. "Kasi wala namang dapat ipaliwanag dahil tama lahat ng nakita nya"

"Dun ka nga sa malayo"

Tinawanan na lang sya ni Simon.

At dahil nga nagkagulo sa conference room, napilitan silang mag-meeting sa ibang room.

Ipinaliwanag lang ng direktor ang magiging schedules nila. Uunahin muna yung scenes nina Simon, Win at FengLu at dahil sila ang simula ng first episode. Mid part naman sina Ian at Evan. Standby naman sina Yuchang, Dylan at Zhiwei dahil episode 2 pa ang scenes nila.

"Dapat pala hindi muna ako sumama dito" reklamo ni Dylan habang pinapanood na ayusan ang mga kasama.

"Etong si Wei eh, excited makita si xiao Lu" sabi naman ni Simon.

Natatawa na lang si Zhiwei na nakaupo sa isang sofa at nakaakbay pa kay FengLu.

Panay naman ang tingin sa kania ni Evan dahil hanggang ngayon, hindi pa rin sya makapaniwala na mag-boyfriend ang dalawa.

"Lu-baobei~" Lin squealed at the sight of Lu. "Ang cute nyo talagang dalawa. I love it! Let's go muna sa labas. I need to take photos of you two for my portfolio"

Pinagbigyan naman nung dalawa ang request ni Lin. After all, she is their number fan.

Lin has been shipping them ever since they started as Heorin trainees. And you can say that Lin gave them a little help kaya naging sila.

"Si xiao Wei ba talaga at si xiao Lu ay . ."

"In a relationship? Yes" Simon answered immediately kahit hindi pa tapos magsalita si Evan "Sobrang in love sa isa't isa yung dalawang yun. Pero meron pang isang couple na mas matindi ang pagmamahalan dati. Sadly, break na sila. Nagtaksil kasi yung isa"

Triggered, Dylan walked out of the room. Na ikinahagalpak naman ng tawa nina Ian at Simon.

"San pupunta si Dylan?" Win asked in confusion.

"Magpapahangin" sagot ni Ian na natatawa pa rin "Hindi pa rin kasi sya nakaka-move on"

"Anong ibig mong sabihin?" interesadong tanong ni Evan. Medyo lumapit pa sya ng upo kay Ian at talagang focused sa kanya.

Heroin Entertainment - SpexialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon