Chapter 17 - Debut

12 0 0
                                    


After a month of preparations, natapos na rin ang lahat para sa debut nila. Kahit ang shoot ng MVs ay tapos na rin. Hinihintay na lang ang mismong araw ng debut.

They're currently in their very own salon inside the agency. Busy styling their hair and matching up the perfect debut look.

"Ian will have red hair" Mei announced "Sure ako na bagay na bagay sayo yun"

"Ikaw nang bahala sakin, jie. May tiwala naman ako sayo eh" at mukang malaki nga ang tiwala ni Ian kay Mei. Naka-pwesto na kasi sya sa washing area.

Natatawa na lang Mei na lumapit at sinimulan nang hugasan ang buhok ni Ian.

"Gusto mo rin bang red hair?" tanong naman ni Jeng kay Evan "Para couple hair kayo"

"Mukang hindi bagay sakin yun" alanganing sagot ni Evan.

"Suit yourself"

"Jie, pwede ba kong mag-blond?" Brent requested.

"No problem"

Magulo ang naging make-over session nila dahil sa maya't mayang kulitan at asaran. Nakikisali pa sina Mei at Jeng kaya mas lalong kagulo.

3 days before debut ay rehearsals naman ang inatupag nila. They only need to perform 2 songs since it will also be Heroin's grand launching. They will have an interview session with some invited press people.

And finally, the day they've all been waiting for. Debut day!

Nagsisimula nang magdatingan ang mga manonood at ilang press people. Syempre pa, hindi rin pahuhuli ang mga representatives ng mga talent agencies. Everyone is eager to see how Heroin reconstructed SpeXial.

Of course, ESE's Li bros are also present in the event.

"Xiao Ian, kinakabahan ka ba?" Evan asked as he saw Ian sitting in a corner and shaking his knees. Beside him is Simon who's smoking again.

"Sa performance? Hindi naman, ge"

"Wag kayong kabahan" Wayne cheering them up "Isipin nyo na lang na practice lang 'to"

"Kaming bahala sa inyo mamaya. Madali lang naman sumagot sa mga press people" dagdag pa ni Brent na akala mo expert na talaga sa interviews.

Simon suddenly stood up and went in front of Sam.

"Tandaan mo 'tong sasabihin ko sayo" Simon seriously said as he stares at Sam's eyes "Kapag sinabi kong tumakbo ka, wag kang makulit. Wag kang lilingon. Kahit anong makita o marinig mo, derecho ka lang. Unahin mong iligtas ang sarili mo bago ibang tao. Hindi tayo ipapahamak ng Heroin kaya magtiwala ka lang."

Yung kaninang biruan at payabangan ay naging seryosong usapan.

"Talaga bang may mangyayari mamaya?" Riley asked.

"Malaki ang chance na sugurin tayo mamaya" Dylan seriously answered "Ngayon din kasi nila makikila si Jhay-jie"

"Dagdag pa na nandito rin sina Miss Reiko at Miss Youni, siguradong sasamantalahin nila na magkakasama ang tatlong pinaka-matataas na opisyal ng Kionobi" dagdag pa ni Zhiwei.

"Ge, sundin nyo na lang kami. Kung anong utos, yun lang ang pwede nating gawin. Basta kapag nagsimula na silang umatake, tumakas na kayo agad at bumalik sa Heroin" for the first time, Ian's face was so serious that all they could do is nod. He then faced Even "Kahit anong mangyari, ge, babalik ako sayo. Hintayin mo lang ako sa Heroin."

"Hindi ba't kasama dapat namin kayo na tatakas?" subok na tanong ni Sam.

"May konting pagbabago lang sa plano" Simon patted Sam's head "Basta sumunod ka na lang"

Heroin Entertainment - SpexialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon