TIPS: Nang vs Ng

138 29 13
                                    


If you write in Tagalog or Taglish, another issue is the balarila.

Yap, hindi lang English ang may grammar.

For us pinoys whose English is just a secondary language albeit official, grammar is a challenge.

But we do overlook our own native tongue. Promise, ang hirap ng Filipino course. 😁

Way back in college, my Filipino professor reprimanded me for not taking the course seriously. Even in high school, Filipino had always been the subject where I along with the majority of my classmates would get the lowest mark. I don't think there was an anxiety over this subject.

But mind you, I've got loads of American friends and some of them are already degree-holders and yet they cannot even distinguish the difference between THEN and THAN.

So para na ring mga pinoy, nalilito tayo sa NG at NANG.

Basta ganito na lang:

Ang NG ay sumasagot sa tanong na ANO at NINO.

Kumuha ka ng pagkain.
Anong kinuha? Pagkain.

Kinuha ng bata ang pagkain.
Kinuha nino? Ng bata.

Ang NANG ay sumasagot naman sa tanong na BAKIT, PAANO, KAILAN.

Sinampal ko siya nang makaganti naman ako sa ginawa niya.
Bakit mo sinampal? Nang makaganti.

Sinampal ko siya nang malakas.
Paano mo sinampal? Nang malakas.

Sinampal ko siya nang umagang iyon.
Kailan mo sinampal? Nang umagang iyon.

Sana makatulong.

RENDEZVOUS/TAGPUANWhere stories live. Discover now