LESSON 101: How to Write Emotions

99 15 63
                                    

┍━━━━ ⋆⋅☆⋅⋆ ━━━━┑
LESSON 101:
How to Write Emotions
By: RedZetroc18
┕━━━━ ⋆⋅☆⋅⋆ ━━━━┙

Hayan na. Alam ba ninyo kung papaano maglagay ng emosyon sa kuwento? Ang iba sa inyo ay sasabihin oo. Basta gawing madaldal sa narration ang character, maraming sinasabi at may mga hugot iyon na. Um, no. Telling po iyon. Show not tell, di ba?

Q: Ano ba ang mga emosyon?

A: Ito ay 'yong mga happy, sad, angry, fear, disgust, surprise etc. Siguro naman alam ninyo ang mga emosyon.

«────── « ⋅ʚ♡ɞ⋅ » ──────»

Q: Papaano ba lagyan ng emosyon ang kuwento?

A: Descriptions. Ayaw gawin ng ibang writers ito kasi boring daw or tamad silang magbasa/magsulat. Well, now you guys know that this is very important. [also see Five Senses for more details]

May tinatawag tayong EMOTION CUES:

1. Imagery
2. Sensory
3. Physical-action
4. Dialogue

(cr. Joden Rosenfeld)

Halimbawa:

ANGER
Sasabog na ako na parang bulkan. (Imagery) May kung anong init ang kumukulo sa loob ko hanggang sa umakyat ito ng aking ulo. (Sensory) Nag-igting ang aking panga at nagkuyom ako ng kamao. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinuntok ko si LeVojtra sa kanyang mukha at siya'y bumagsak sa sahig sa lakas ng puwersa. (Physical-action)

"Iyan ang nararapat sa'yo! Bakit ngayon mo lang nalaman ang tungkol sa emotion cues?" (Dialogue)

**BOSS, I'M SORRY. HAHAHA!**

Imagery: In other words, Figure of Speech po ito. 'Yong mga Simile, Metaphor, Personification etc. Makinig sa English teacher. Filipino teacher din kung tinuturo ito.

Example.

Ang kanyang makinis na kutis ay kasing puti ng niyebe. (simile)

Binasag mo ang puso ko. (metaphor)

Naglalaro ng taguan ang araw at buwan. (personification)

Sensory: Mga nararamdaman mo. Reaksyon ng katawan mo sa mga sitwasyon. Isulat mo. Show not tell, okay?

Example.

Uminit ang pisngi ko dahil sa hiya. (telling)

*huwag sabihin ang emosyon na hiya.

Uminit ang pisngi ko. (showing)

*alam na dapat ng readers na nahihiya ang karakter mo depende sa scene na nangyari sa kuwento. Kapag hindi nila gets, bahala sila. Or ayusin mo ang narration mo kung kulang pala execution mo. 😂

*kapag 1st Person ang gamit ninyo, mali ang (namula ang mga pisngi ko) na description dahil hindi naman nakikita ng karakter mo 'yong kulay ng mga pisngi niya.

Nanghina ang mga tuhod ko. Kinakabahan ako sa ginagawa niya. (telling)

*huwag sabihin ang emosyon na kinakabahan. Isulat mo ang nararamdaman ng karakter.

Bumilis ang pintig ng puso ko at nanghina ang aking mga tuhod. Kung ano man ang ginagawa niya, hindi ko talaga ito gusto. (showing)

Summary:
Maraming paraan para ipakita/isulat ang emosyon (1st or 3rd Person). Practice lang. Kunwari sa kaba, puwede ring imagery ang gamitin ninyo basta matuto kayong mag-iba ng mga pangungusap [also see Sentence Variety for more details]:

1. Lumalakas ang kabog ng aking dibdib bawat minuto.

2. My heart galloped faster like a horse on a race track.

3. My heart kept drumming inside my rib cage.

4. My heart was hammering inside my chest.

5. Namamawis ang aking mga palad.

6. Palakad-lakad ako sa entablado.

7. Kinakagat ko ang mga kuko ko.

Tip: Huwag pansinin ang mga reader na nagsasabi na pinahahaba pa ang simpleng descriptions ng "ngumiti siya" or "tumawa siya" etc. Alam ba ninyong pang novice writers ang ganyan na simpleng descriptions para sa emosyon? Yup. Now you know. Mas mahaba, mas may emosyon at mas professional tingnan. Practice makes perfect, writers! 😊

Physical-action: Obvious naman na kilos ito.

Example.

ANGER
I folded my arms across my chest and released a sharp sigh.

Nagdabog ako papunta sa aking kuwarto at binagsak ko ang pinto.

HAPPY
Sumilay ang isang nakabubulag na ngiti sa kanyang mga labi.

A melodious laughter flew past her lips.

Dialogue: Kailangan pa bang i-explain ito? 😂

Sa descriptions po nakikita ang mga emosyon. Alam na ng readers 'yan kung ano ang emosyon na pinapahiwatig mo depende sa nangyayaring scene.

Bakit? Kapag may nakikita kayong galit na tao, di ba nakasimangot siya? Nagdadabog o sumisigaw? Or kung ikaw ang galit, di ba may nararamdaman ka sa katawan mo? Sumisikip ang dibdib mo, sumasakit leeg mo, umiinit ang dugo mo, nagkukuyom ka na ng kamao, umiigting ang panga, hindi ka na makahinga etc. Alangan sabihin niyang galit siya e obvious naman sa kinikilos niya.

«────── « ⋅ʚ♡ɞ⋅ » ──────»

Q: Bakit sa descriptions?

A: Kasi iyon nga ang showing. Show not tell rule. Mas makaka-relate sila at mararamdaman nila ang kuwento/characters mo kahit na hindi pa nila na-experience ang mga pangyayari.

Kunwari, na-heartbroken. Kung daldal lang sa narration ang gagawin mo at kinukuwento lang niya ang nakaraan, ang mangyayari, 'yong mga reader na hindi naman nakaranas ng heartbreak ay hindi makaka-relate o hindi mararamdaman ang karakter mo. Hindi mo kasi sinulat kung ano ang nararamdaman ng karakter mo para maramdaman din nila or hindi mo sinulat 'yong pinagdaanan nila para maramdaman ng readers ang hinanakit ng character mo. 'Yong iba naman na kahit nakaranas na ng heartbreak, hindi maramdaman ang character mo kasi kulang sa character build up or execution. Kung daldal lang din, telling ka pa tapos bumabagal ang flow ng story mo. You have to move your story by showing everything. Ilagay mo sa dialogues imbes na nasa narration hangga't maaari. You get my point?

Tip: Para sigurado kayo na lahat ng readers ay maka-relate at makaramdam, nasa execution lang ang katapat at tandaan ang show not tell. Kapag nasanay kayo rito, mapapansin ninyo na wala pa lang emosyon 'yong mga kuwentong nababasa ninyo.

"A good reader is a good writer."

«────── « ⋅ʚ♡ɞ⋅ » ──────»

RENDEZVOUS/TAGPUANWhere stories live. Discover now