Writing Tips : How to do an Effective Characterization

133 21 145
                                    

┏━━━━━°❀•°:🎀:°•❀°━━━━━┓

How to do an Effective Characterization

by yoshiro_hoshi

┗━━━━━°❀•°:🎀:°•❀°━━━━━┛

Heyow! It's me, Ate Yoshi!

It is an honor to be part of this group of people aiming for aspiring and passionate writers to improve and help each other in writing their master piece. Thank you tambayan family for having me here. (Tissue please! Ang daming nawalang dugo sa ilong ko!)

Iyon nga. So narito po ako para mag bigay ng aking writing tip. Let me tell you brothers and sisters in writing faith that I am not a professional nor a hustler. But I am a passionate one who learned the craft of writing through love (charot!) pero totoo, walang halong biro. Di po ako pro. Simpleng manunulat lang po ako. But I'm happy to share with you all my secret art of ninjutsu on how to do an effective characterization.

Bakit characterization?

Bakit hindi techincal writing?

Bakit hindi genre formulation?

Bakit hindi ganito o ganiyan ang ituturo mo Ate Yoshi?

Well, ayon po sa mga bihasa na sa pagsusulat na minsan nang ni-review ang mga gawa ko sa wattpad, ang pinaka mahusay kong "Alas" ay ang Characterization.

Ano po ba ang characterization Ate?

Ayon kay Google, Characterization is the process that an author uses to reveal the personality of a character either directly (author description) or indirectly (the reader must infer what the character is like).

Ayon sa mga writers na nag-review sa mga gawa ko noon sa dalawa kong nobela na Ghost Retriever at Code Chasers, ito raw ang pinaka malakas kong hatak sa mga readers. Ayon sa kanila (sa mga pro) ang pinaka madalas na kahinaan ng isang manunulat ay ang characterization o ang paraan ng manunulat kung paano niya hinuhubog ang mga karakter at kung paano niya ito ipinapakilala sa mga mambabasa. Madalas daw kasi na "flat" o di kaya ay "pangkaraniwan" na ang teknik na ginagamit ng mga manunulat sa pagpapakilala nila sa kanilang mga karakter. Ayon pa sa mga ekspertong nagbigay ng pagkilatis sa aking mga gawa, ang pagbibigay-buhay sa isang karakter ang pinaka epektibong characterization sa lahat upang tumatak ng husto ang iyong akda sa isipan ng mga mambabasa. At dahil ito 'di  umano ang kalakasan ko kaya dito ako mag-po-focus.

Ehem! Simulan na natin!

How to do an Effective Characterization

*Paano ba gumawa ng karakter?

Mahalaga sa isang kuwento ang paraan ng manunulat kung paano niya ipinakilala ang kaniyang mga karakter.

Bakit kamo?

Imagine kung ang story mo ay isang anime at manga, gusto mo bang makabasa ng isang karaniwang karakter na ipinakilala ng creator sa ganitong paraan?

Hal 1. "Si Death Adder ay isang poging grim reaper na mahilig sa sweets. Sa sobrang guwapo niya ay mukha siyang cassanova. Matangkad, maputi, at maganda ang mata. May bitbit siyang candy. Kaya naman nagulat ang lahat nang sinabi ni Miranda na si Death ang anghel ng kamatayan na kanina pa nila pinag-uusapan."

RENDEZVOUS/TAGPUANWhere stories live. Discover now