┍━━━━ ⋆⋅☆⋅⋆ ━━━━┑
LESSON 101:
Author Voice vs. Character Voice
By: RedZetroc18
┕━━━━ ⋆⋅☆⋅⋆ ━━━━┙In this lesson, malalaman ninyo kung bakit mahirap ang 1st Person kaysa sa 3rd Person. Realization will hit you hard. Muahahaha! 😈
Q: Ano ba ang Author Voice?
A: Author Voice ay boses mo sa totoong buhay. Kung paano ka magsalita ay iyon na ang pamamaraan mong magkuwento. This reflects your personality, attitude at character. Makikita rin ang unique writing mo rito.
Sa 3rd Person ito ginagamit. Para sa akin, simple approach (medium reading level) lang ako sa narration ko as much as possible. Style ko ay tipong nagkukuwento lang talaga. Depende sa mood at genre ng story, medyo umiiba rin ang author voice ko tulad na lang sa Fantasy. Kung "guy" ang tawag ko sa lalaki, "lad" or "fellow" ang gamit ko.
Iba-iba tayo pagdating sa boses at sentence structure kaya huwag mong pilitin ang sarili mo na maging katunog ng ibang author kung hindi ka naman kumportable sa huli. Kung hindi mo naman kinalakihan ang ganoong pamamaraan ng pananalita, just stick to your own voice. Pero kung gusto mong mag-level up, magbasa ka ng mga libro, manood ng mga movies, shows, animés, gameplays, makinig sa mga accent at dialect ng ibang tao at obserbahan ang kanilang mga pag-uugali at pagkatao etc. Magagawa mo ring mag-evolve ng boses. (Pokémon lang?) 😂
«────── « ⋅ʚ♡ɞ⋅ » ──────»
Q: Ano ba ang Character Voice?
A: Character Voice ay boses ng character mo. Hindi na ito ang boses mo dahil narrating voice ito ng karakter mo. Parang pareho lang din sa author voice PERO ang pagkakaiba ay naimpluwensiyahan ng personality, gender, age, history, background, experiences, religion etc. and kanyang pananalita. Dapat kilalang-kilala mo ang karakter mo.
Sa 1st Person ito ginagamit. Pagdating naman dito, iba-iba ang style at structure ko talaga kasi personality na ito ng character ko. Medyo challenging. Kaya nga minsan ay nakakarinig ka ng critic na hindi nila makita ang difference ng pananalita ng characters mo sa narration kasi tunog pareho lang din sa unang character.
Kadalasan ay hirap ang novice writers dito. Kapag marunong ka talagang tumingin ng narration, mapapansin mo na pareho lang din ang narrating voice sa una niyang character. Kunwari, nosebleed sa English si Lalaki tapos nosebleed din si Babae. Mabulaklak sa mga salita si Lalaki at ganoon din si Babae. Kapag hindi mo binasa kung kaninong POV na, malamang imbes na POV na ni Babae, si Lalaki pa rin ang nasa isipan ninyo. Tunog pareho kasi sila.
Maaaring author voice ang gamit nila imbes na character voice dapat. May na-critic na akong kuwento na ganito. Pareho ang boses ng lalaki at babae. Madaldal sa narration at halos pareho ang style, structure at choices of words na nakikita ko. Nakikita ko naman ang slight differences sa personality pero nangibabaw ang pagkakapareho sa narration. Mag-ingat kayo rito.
Ito ang style at structure ko. Tingnan maigi ang choice of words:
ENGLISH
UPBEAT CHARACTER (male)"Uh . . . Mom? Dad? I-I'll head over now to the village. Be back in a jiffy!" Without waiting for their response, I sidled over to the exit and slipped past the gate to flee. (character voice)
BRATTY CHARACTER (female)
"Ugh!" I rolled my eyes. "Mommy? Daddy? I'll go to the village now. I'll be back." I stomped my way towards the exit and passed through the gate to escape, not waiting for their response anymore. (character voice)
FILIPINO
UPBEAT CHARACTER (male)"Ah . . . Ma? Pa? Pu-punta na ako sa barangay. Sandali lang ako!" Hindi ko na hinintay ang kanilang mga sagot. Lihim na pumaroon ako sa labasan at lumusot sa tarangkahan para makatakas. (character voice)
BRATTY CHARACTER (female)
"Ugh!" I rolled my eyes. "Mommy? Daddy? Pupunta na ako sa village. Babalik naman ako." Hindi ko na hinintay ang sagot nila. Padabog akong pumunta sa labasan at dumaan ako sa gate para makatakas. (character voice)
~*~
See the difference? Hindi naman ako ganyan mag-English/Tagalog pero nagawa kong baguhin para sa characters ko. The trick here is:
Your choice of words makes a difference. Mamili ng mga salitang bagay sa karakter mo.
Nadalian ako sa bratty character kasi simple lang ang choice of words niya (other than malapit din kasi sa author voice ko) at 'yong fact na nae-enjoy kong gumawa ng mga karakter na ganito. [Pinitik ko ang aking buhok gaya ng isang magandang diyosa.] 😂
Tip: Tulad ng sinabi ko kanina, kung gusto ninyong gumaling magsulat, magbasa ng mga libro, manood ng mga movies, shows, animés, gameplays, makinig sa mga accent at dialect ng ibang tao at obserbahan ang kanilang mga pag-uugali at pagkatao etc. Makakatulong ito sa paglikha ng inyong mga karakter.
"A good reader is a good writer."
«────── « ⋅ʚ♡ɞ⋅ » ──────»
YOU ARE READING
RENDEZVOUS/TAGPUAN
RandomA place appointed for assembling or meeting, NOW a place to meet fellow writers, readers or both and be friends with each other. Join one of the most active and innovative bookclubs! But BEWARE, it can be a NOTIFICATION disaster. Everyone is welcome...