PAGANAY!

87 19 105
                                    

To all katambay!

Ano nga ba ang goals ng challenge? That is to encourage those who don't have a story yet, to write (LeVojtra). To help each other improve their style. And to fight our laziness through weekly updates.

Kaya lang nalilihis ata tayo sa goal.

Sadly, reads, comments and votes na lang ang nagiging habol natin.

Kung may iba man sa mga katambay natin na hindi binabasa ang gawa mo, pwede bang magself-reflect ka?

Bakit kaya hindi nila binabasa ang gawa ko?

Dahil boring?

Dahil masyadong mahaba?

Magulo?

Puro tell walang show? Vice versa?

(Iilan lang yan sa mga naiisip ko sa tuwing kakaunti lang ang reads ng akin.)

And give your best to fix whatever you think may be the cause.

Kung sa tingin mo wala namang problema, sadyang ayaw lang talaga nilang basahin... so be it!

Focus ka roon sa nagbabasa. Huwag mo ring basahin ang kanila.

On the other hand, ikaw namang si tanggap nang tanggap lang ng reads pero ayaw ibalik ang natanggap.

Well, nasa sa iyo na yan. Kaya lang hanggang diyan ka na lang ba?

Do you think they read because you have an excellent work? It's a YES or a NO. One thing's for sure, they did it to support YOU.

Balikan mo yong goals natin. Sa tingin mo, makakamit kaya natin yon kung tatahimik-tahimik ka lang?

For the newborn writer (Yong tipong ngayon lang nagsulat)Do you think he/she will be encouraged to update kung wala namang bumabasa ng gawa niya? Same scenario para sa mga may akda na bago pa man magsimula ang challenge.

Paano malalaman ng isang manunulat ang kakulangan niya kung walang pupuna?

You might say, hindi naman ako magaling.

Then I tell you, may utak ang bawat isa sa atin. Posibleng may mapuna ka na nakaligtaang punahin niyong mga akala mo 'magaling'. Pwede ring encouraging words para ganahan siyang magsulat. Kaya importante ang komento mo.

At sa mga mabibigay ng correction. Please... do it nicely. Iba ang constructive criticism kaysa destructive. Sa mabibigyan naman, accept it kung tingin mo may point siya.

Furthermore, Kung meron man (but hopefully wala) ang nag-iisip na hindi niya kailangan ng suporta mula sa katambay niya kaya 'di rin siya obligadong sumuporta. Nasa sa iyo na 'yon. Suit yourself if that will make you happy. *Note the sarcasm*.

Ang saya sana kung makikita natin ang bawat isa na umabot sa dulo ng challenge na 'to. Pero kung patuloy lang nating iisipin ang 'AKO' bahala 'SILA'. Marahil hanggang 'SANA' na lang talaga lahat.

Wala akong direktang pinatatamaan. This post is intended for everyone of us.

If I hurt you with my words, it's not my intention. Saganang akin lang, magkaintindihan at magtulungan tayo.

Good day!



merrainegostrellas

RENDEZVOUS/TAGPUANWhere stories live. Discover now