┍━━━━ ⋆⋅☆⋅⋆ ━━━━┑
LESSON 101:
1st Person vs. 3rd Person
By: RedZetroc18
┕━━━━ ⋆⋅☆⋅⋆ ━━━━┙
Q: Ano ba ang 1st Person at 3rd Person?
A: 1st Person - Ginagamit ang panghalip na I/ako || we/kami. Point of view ito ng main character mo. Ang feelings, thoughts, at emotions ng MC mo ang dapat alam mo lang as the author. Puwede naman banggitin ng MC mo ang emosyon at isipan ng ibang characters pero dapat nakikita o hinuhulaan lang niya. Binabanggit niya ang mga salitang (baka, parang, siguro etc.)
Example.
Sa sala, nadatnan kong nakatitig sa akin nang masama si Kuya Renz habang nakatupi ang kanyang mga braso sa dibdib. Siguro sinasakal na niya ako sa utak niya. Kung puwede lang matunaw na parang yelo para makaiwas sa sermon, ginawa ko na.
1st Person ang kadalasan na ginagamit ng mga beginner dahil madali raw, pero hindi talaga madali iyon. Limited kasi ang view mo at dapat sa mata lang ng character/s mo umiikot ang story. Nangangati ka minsan na magpalit sa 3rd Person (in the middle of the scene), di ba? Kung gamay mo ang 1st Person, hindi mo na problema ang pagpalit ng view.
Hindi ganito:
Chapter 1: Red – Black [1st Person]
Chapter 2: Black – Someone [1st Person]
Chapter 3: Red [1st Person] – 3rd Person Narration
Dapat ganito:
Chapter 1: Red [1st Person]
Chapter 2: Black [1st Person]
Chapter 3: Someone [1st Person]
Chapter 4: Black [1st Person]
Chapter 5: Black [1st Person]
Chapter 6: Red [1st Person]
3rd Person - Ginagamit ang panghalip na he/she || siya/niya. Ito ang madaling gamitin na view at common sa pagsulat ayon sa mga eksperto.
May Two Types of 3rd Person:
Omniscient at Limited.
3rd Person Omniscient - Lahat ng views ng characters ay puwede mo nang ilagay sa iisang chapter. You can freely move your camera around sa chapter na iyon. Feelings, emotions at thoughts puwede nang isabay. Proper transitioning lang sa narration mo ang katapat kung magpapalit ka ng scenes, lalo na kung pabalik-pabalik sa main character tapos kung ano man ang nangyayari sa ibang lugar. Parang sa movies, tulad na lang sa Avengers: Infinity War. Sabay-sabay nangyayari ang mga pangyayari kaya palipat-lipat ang camera view.
3rd Person Limited - Parang 1st Person lang ito pero imbes na "ako/I" , "siya/niya/he/she" ang gamit mo. Simple lang, pero limited pa rin ang view mo rito.
«────── « ⋅ʚ♡ɞ⋅ » ──────»
Q: Puwede bang gamitin ang parehong point of view?
A: Isang malaking YES. May proper execution ito. Ang iba sa inyo ay sasabihin hindi (dahil sinabi lang sa inyo), pero puwede ito (research it and read published western books). May rason kung bakit: to create emotional distance para hindi masyadong attached ang readers sa karakter na nasa 3rd Person Limited kaysa sa mga karakter na nasa 1st Person.
Ganito:
Chapter 1: Red [1st Person]
Chapter 2: Red [1st Person]
Chapter 3: Black [3rd Person Limited]
Summary:
Maraming malilito sa changing of views kaya rare lang itong ginagamit sa pagsulat. Mas effective ito kung sa Mystery/Thriller mo ito gagamitin. 1st Person sa character/s mo pero 3rd Person Limited sa killer. Kaya kung balak ninyong gawin ito, maglagay na kayo ng author's note sa simula o huli ng chapter ninyo kasi malamang ang ibang mga author na nakarinig na bawal ang ganyan, pagsasabihan kayo. Teach them na puwede at mayroong ganoon na published books pero rare lang. Libro ni Veronica Roth (The Fates Divide & Carve The Mark) ay isa sa mga examples. (cr. to my friend for sharing the books to me.)
"A good reader is a good writer."
«────── « ⋅ʚ♡ɞ⋅ » ──────»
YOU ARE READING
RENDEZVOUS/TAGPUAN
RandomA place appointed for assembling or meeting, NOW a place to meet fellow writers, readers or both and be friends with each other. Join one of the most active and innovative bookclubs! But BEWARE, it can be a NOTIFICATION disaster. Everyone is welcome...
