Good day! Hooray!
Admin: Black_Moon301
Ilalagay ko na dito lahat ng hinaing ko sa buhay. 😂 Ang tatamaan wala ako'ng pake! Dahil hindi lahat ng patama sa'yo, sadyang tinatamaan ka lang.
Ok para sa mga hindi nagbabasa simula week 1 to week 4 ito ay para sa unang batch. Hindi ko alam kung ano ang mga problema ng iba bakit hindi nila binabasa ang gawa ng katambay nila. Ano nga ba dahilan? Ganito kasi yan intindihin at unawain niyo 'to ah, dahil ayoko ng mag-private message pa sa inyo dahil alam niyo mga tungkulin niyong lahat.
1. Ayaw basahin dahil sa hindi mo ito close? Ganun ba 'yon? Eh, kung idikit kaya kita sa lahat dito ng sa ganun maging close kayo? Ok na kaya?
2. Ayaw basahin dahil SPG? Hindi siya super spg dahil mas lamang nga ang humor dito, kaya hindi nakakailang na basahin.
Huwag kayo maarte dahil 'yung iba nga na bata pa binasa 'yan, ghost reading na lang di niyo pa magawa? Kahit na gawain naman na 'yan dito.
3. Story ko rin, ganun rin ang ginawa kahit hindi naman siya super spg na masasabi dahil wala naman nagtitirahan doon. Yung totoo lang? Hindi ko rin naman binasa ang hindi nagbabasa sa story ko. Yung iba vote lang ginagawa kaya sinuklian ko rin ng ginagawa niya. Kaya nga support eh, pero 'yung support na 'yon nawala dahil may pinipili kayo.
4. Nakakalungkot lang dahil may iba nawawalan ng gana dahil sa hindi niyo sinusuportahan, minsan nakakapagsalita na siya maliit lang ang reads. Sana pagdating sa ganitong bagay pantay-pantay tayo walang pilian ng mga gusto niyo.
5. Napansin ko rin 'yung iba halos parang ayaw mag-comment eh, sana nag-vote ka na lang kung napipilitan ka lang magbasa. Dahil kahit kami nararamdaman namin 'yan, pero dahil nga sa support ginagawa namin. Pero kapag 'yung tipo nila na author, halos gawing chat box ang mga comment nila.
6. Kaya hindi ko masisi ang ilan kung may aalis, o mawawalan ng gana. Dahil sa mga pinapakita niyo. Dapat lahat tayo support sa bawat isa para naman ganahan silang mag-sulat, dahil pinaghirapan nila 'yang isulat at isa pa challenge 'to.
7. Ako aaminin ko, tinatamad ako basahin ang gawa ng iba, dahil ganun rin naman kayo diba? Ghost reading hindi niyo pa magawa, kahit gawain niyo naman, oo ako ginagawa ko 'yan. Kasi ginagawa niyo rin naman.
8. Sa mga bago diyan, sana huwag niyo tularan ang iba dito dahil nakikita ko rin may pinipili kayo.
9. Hindi naman kailangan na itodo mo ang pagbabasa mo, dahil kahit maiikli lang comment mo atlest mayroon dahil malaking bagay sa atin na marinig ang mga kumento nila sa ating mga storya.
10. Kung may personal issue dito, pm niyo ako at ng mapag-usapan natin. Kasi dapat nagkakaisa tayo. Support lang dapat hindi 'yung may pinababuran kayo.
---------$$$$$###$$$$$--------
By: Black_Moon301
YOU ARE READING
RENDEZVOUS/TAGPUAN
DiversosA place appointed for assembling or meeting, NOW a place to meet fellow writers, readers or both and be friends with each other. Join one of the most active and innovative bookclubs! But BEWARE, it can be a NOTIFICATION disaster. Everyone is welcome...
