LESSON 101: Show vs. Tell

142 24 69
                                    

┍━━━━ ⋆⋅☆⋅⋆ ━━━━┑
LESSON 101:
Show vs. Tell
By: RedZetroc18
┕━━━━ ⋆⋅☆⋅⋆ ━━━━┙

Itong lesson na ito ay importante para ma-balance ang showing at telling mo sa isang kuwento. Natutunan ko ito sa mga western writers dahil tinitingnan talaga nila ito. Showing ang mahalaga at bawasan ang telling.

Q: Masyadong telling daw ako sa narration. Paano ko ba malalaman kung ano ang telling sa showing?

A: Kunwari, gagawa ka ng school plot. Narration mo ay ganito:

Vivian

Nakita kong may kaguluhan sa bandang entrance ng canteen. Si Greg Montecillo. Napapalibutan na naman ng mga babae. Hindi ko naman siya masisisi. Ang talino kasi niya at kilala siya rito sa Hartfeld University maliban sa ang mga magulang niya ang may-ari ng school.

Wala akong paki.

Mas mayaman naman kami. We own a lot of hotels all over the Philippines. Lahat five stars. Everyday hinahatid din ako ng family driver namin. Nakasakay ako sa isang limousine.

~*~

In this example, susunugin ka na ng mga magagaling mag-critic. Masyadong telling. Hindi na si Vivian ang nagna-narrate. Ikaw na as the author. Mistake ito kadalasan ng novice writers. Sinasabi mo lang ang facts at background info nina Greg at Vivian sa readers imbes na pinapakita mo.

«────── « ⋅ʚ♡ɞ⋅ » ──────»

Q: Paano mo ba ipapakita ang lahat ng sinabi sa narration para magmukhang professional writer ka?

A: Show it like this:

• Kung matalino si Greg, write about a recitation scene sa loob ng classroom. Doon pa lang magko-comment si Vivian na matalino si Greg. Doon pa lang makikita ng readers na matalino si Greg. Make them believe it. Kadalasan skip ang ibang writers dito. Kung gusto mong maging unique sa lahat ng cliché school plot, gumawa ka ng classroom scene na nag-aaral ang lahat. May lessons at sagutan. Tingnan mo. Maiiba ka.

• Kung ang mga magulang ni Greg ang may-ari ng school, gawin mong nag-uusap sina Greg at Vivian at biglang ni-reveal ni Greg kay Vivian na sila ang may-ari ng school. Sa dialogues mo ipakita. E di nagulat ang readers. Although cliché itong plot, nagawan mo naman ng element of surprise. Hindi mo kasi binabanggit kahit saan sa narration ang tungkol dito. Biglaan lang. Ang ganda pa ng character development mo.

• Kung mayaman si Vivian, malamang nakatira siya sa isang malaking bahay o mansyon. Kung may scene ka na nasa mansyon siya, natural mo lang i-describe ang mga nakikita niya sa loob ng bahay habang naglalakad. May maid na tinawag. Tumingin siya sa chandelier sa gitna ng bahay. Mahahaba ang mesa. Mababasagin na gamit. Automatic na alam na ng readers na mayaman sila.

Gumawa ka rin ng dialogues. Nag-uusap sila ng kanyang pamilya sa dining table tapos kakausapin ng nanay ni Vivian ang kanyang asawa. "Kamusta ang trabaho sa hotel sa Makati?" Tapos mayamaya sasabihin ng tatay ni Vivian na within two weeks, pupuntahan niya ang ibang hotel branches nila para mag-inspect. Sa pamamagitan nito, mas napaniwala mo ang readers na mayaman sila: "Oh, wow. May mga hotel pala sila! Kaya pala ang laki ng bahay nila. Sana makita ko sa kuwento 'yong mga hotel." Hayan. Mas lalo na kung nagpunta sa hotel si Vivian at dinescribe mo ang loob ng hotel.

• Kapag papasok na sa school si Vivian, natural lang siya sasakay sa kotse nilang limousine. Ewan ko na lang kung hindi mayaman ang tingin ng readers diyan. Hahaha! Habang nakasakay na siya, puwede naman siyang mag-isip na proud siya na mayaman sila at nakasakay siya sa limo. At least, pinakita mo muna ang lahat.

«────── « ⋅ʚ♡ɞ⋅ » ──────»

Q: Bakit kailangan ipakita ang mga fact at background info sa narration?

A: Maraming rason: para hindi bumagal ang takbo ng kuwento mo, uusog ang kuwento mo, gaganda ang character development mo at writing style, hindi magmumukhang cliché at may element of surprise etc.. Kadalasan ay nawawala ang surprise at nagiging predictable ang kuwento dahil sinabi na ng writer ang lahat. 😂

At saka, sa tingin mo ba ay kapag naging palabas ang libro mo, ina-narrate lahat 'yan? Hindi. Malamang 'yong mga dialogue, kilos at eksena ang ipapakita sa mga tao. Magagalit 'yong mga nanonood kung ikukuwento lang ng mga karakter 'yong mga fact at background info imbes na pinapakita nila. Ang mangyayari, gustong makita ng mga manonood 'yong mga sinasabi ng character. Naliwanagan ka na? Baka magalit 'yong direktor sa'yo kasi on the spot ka pa gagawa ng eksena para lang mapakita 'yong mga telling sa narration. 😂

«────── « ⋅ʚ♡ɞ⋅ » ──────»

Q: Pero puwede pa rin ba ako maglagay ng kaunting telling?

A: Oo. Pero hangga't maaari, LIMIT the EXPOSITION (facts at background info). Kaunti lang talaga.

Kung hindi importante sa kuwento (tulad ng nabanggit lang ni Vivian sa narration na dating madaldal ang nanay niya), iyon na lang ang telling mo. Pero 'yong katulad doon sa above example, importanteng detalye ang mga iyon kaya ipakita mo. Isulat mo for believability at para ma-convince ang readers.

Tandaan: Hindi lahat ng readers ay nakaka-absorb kaagad ng impormasyon kung sa iisang paragraph mo nilagay. Chances are, makakalimutan lang nila. Dialogues are more memorable. 😊

Tip: Don't spoon feed the readers. Kapag hindi nila gets ang hints mo sa pamamagitan ng descriptions, ay, they need to read more PUBLISHED books to be a good reader and writer. Published para walang errors (unless may matinong writer sa Wattpad na allergic sa errors, basahin ninyo ang gawa niya para matuto rin kayo magsulat). Subukan ninyong magbasa rin ng English books galing sa western writers kasi iba ang writing level nila kaysa sa atin. Ika nga,

"A good reader is a good writer."

P.S. I will tackle about How to Write Emotions soon. Dito ninyo malalaman na importante ang descriptions. Ayaw na ayaw gawin ng ibang writers natin ito. 😂

«────── « ⋅ʚ♡ɞ⋅ » ──────»

RENDEZVOUS/TAGPUANWhere stories live. Discover now