Q & A

179 26 63
                                    

┍━━━━ ⋆⋅☆⋅⋆ ━━━━┑
WRITING TIPS:
Question and Answer
By: RedZetroc18
┕━━━━ ⋆⋅☆⋅⋆ ━━━━┙

Hello, Tambayans! ^^

So ito ang iko-contribute ko sa inyong mga aspiring writer. Hindi ako eksperto pero ibabahagi ko na rin ang mga kaalaman at karanasan ko pagdating sa pagsulat dahil gusto kong makatulong. Si LeVojtra ang nagpo-post ng ibang tips kaya more on how to improve 'yong akin (may kaunting tips na rin siguro 😂).

Napasok ko na rin ang mundo ng western writers kapag sumasali ako sa English book clubs and all I have to say is, malayo pa ang level natin kaysa sa kanila. Alam ko ang iba sa inyo ay nasubukan nang sumali at sobrang nasunog sa kanilang walang humpay na constructive criticism.

(🔥 n 🔥)O✒️ I WANT YOU TO BURN.

Kung sa atin ay palaging reactions at kaunting critic lang sa kuwento, sa kanila ay palaging critic at kaunting papuri. Ang iba sa atin ay iiyak na o maiinis pero kapag nasanay ka, makikita mong tama rin naman sila at makakatulong iyon sa'yo. Kung magaling ka talaga, wala kang maririnig na critic (suwerte ka na lang kung hindi marunong mag-critic 'yong member dahil reactions at papuri lang ang gagawin). Ganoon sila ka-challenging. Nagkaroon ako dati ng 360 degree burn! Na-hospital ako. Joke. 😂

Anyway, puwede kayong magtanong sa akin tungkol sa pagsulat at sasagutin ko kayo. Comment lang dito. Mamimili ako ng topic na kaya kong sagutin at 'yong alam ko lang ah? Pagkatapos ay ipo-post ko as a writing tip lesson kapag may oras ako. 😊

P.S. Hindi ako fluent sa Tagalog (wow parang hindi halata) dahil English ang medium ko. XD Katulad din ninyo ako na nagi-improve pa ang writing skills kaya sabay-sabay tayong matuto at mas gumaling. 💜💙💚💛🧡❤️

«────── « ⋅ʚ♡ɞ⋅ » ──────»

RENDEZVOUS/TAGPUANWhere stories live. Discover now