Prologue

963 117 92
                                    


PROLOGUE


"Montessori High, one of the most prestigious schools in the City is now open for enrollment."


Napangiti ako sa aking nabasa sa dyaryo bago ito itiniklop. Dalawang taon na rin pala ang nakalipas simula noong mangyari ang kahindik-hindik na kaganapang iyon. Dalawang taon kong tiniis na makisalamuha sa mga traydor na sumira sa buhay niya. Hindi lang naman ang buhay niya ang nasira, maging ang buhay ko ay naging miserable rin. At hindi ko hahayaan na matapos lang ang lahat nang ganoon. Gaya na rin ng ipinangako ko sa kanya, ipaghihiganti ko siya, ang pamilya namin, at ang sarili ko. Kailangan nilang magbayad.


"When you have to kill the same person twice in one week, then there's either something wrong with your skills, or something wrong with your world." Dinig kong sabi niya habang pinupunasan ng puting basahan ang hawak niyang AMT AutoMag III, isang uri ng pistol na paboritong-paborito niyang gamitin.


Itiniklop ko ang dyaryo at ipinatong ito sa lamesa bago tumingin sa kanya, "Where have you read that quotation?" I smiled at him mischievously. This is the first time he actually started a conversation with me ever since we were recruited here.


"Book," walang emosyon niyang sagot dahilan para mapawi ang mga ngiti ko. Hindi ba niya kayang magpanggap na interesado siyang makipag-usap? He's so aloof, silent, and mysterious. Yet, he have this compelling charisma that makes people want to know him more.


"You might be wondering why he doesn't talk that much," nabaling naman ang tingin ko sa isa pa naming kasama. Nakalimutan kong nandito rin pala siya. Nakatayo sa sulok habang pinagmamasdan ang malaking pisara na may nakadikit na mga litrato. Litrato ng iba't ibang tao na... malalapit sa amin. "That is because no one plans a murder out loud." 


Umirap ako. Hindi nakakatuwa. Pinagmumukha niya akong naghahabol sa lalaking ito. Oo, interesado akong malaman ang mga bagay na tumatakbo sa isipan niya, pero hindi in a romantic way. Wala sa plano ko ang makipagpalagayan ng loob sa ibang lalaki, not until I am done with my job.


"Maiba nga pala ako, ano na ang balita sa plano niyo?" Pag-iiba ko sa usapan.


"Malapit na. Sisimulan na natin ang laro sa lalong madaling panahon." Sagot ng kasama namin na nasa sulok. Lumakad siya palapit sa kinaroroonan ko at umupo sa sofa na nasa harapan ko. "Isang bangungot ang magsisimula."


"One piece of advice on how you can survive until the end, never let them stab you. Once is enough, twice is stupidity."  


Naalala ko bigla ang sinabi ng taong tumulong sa aming tatlo dalawang taon na ang nakakaraan. We let them stabbed us before, this time, they are going to be the pawns of this game. 


It's our move.

After ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon