Chapter 5 : The Culprit's Way

597 86 74
                                    


Note: READ AT YOUR OWN RISK. THE FOLLOWING CONTAINS VIOLENCE AND SEXUAL SCENES NOT SUITABLE FOR YOUNG AUDIENCES. PARENTAL GUIDANCE IS ADVISED.



CHAPTER 5

CULPRIT'S WAY

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW.


2 months before...


Araw ng Lunes. Naglalakad ang salarin sa loob ng paaralan ng Montessori High. Maraming estudyante ang palakad-lakad rin sa kahabaan ng hallway. Mga walang ideya na ang taong nakakasalubong na pala nila ay ang kriminal na nananamantala sa kahinaan ng mga kababaihan—ang salarin at may pakana ng pagkawala ng mga estudyanteng babae ng Montessori High.


Paano ba naman kasi siya paghihinalaan, gayong isa siya sa mga karespe-respetong tao sa buong East City. Walang mangangahas na kumalaban sa kanya dahil marami siyang koneksiyon.


Inilibot niya ang kanyang paningin. Naghahanap ng bagong bibiktimahin. Ang gusto niya sa mga babae ay ang mga inosente, mahina pero magaganda. At gaya ng inaasahan, isang magandang babae ang hindi nakaligtas sa kanyang paningin.


Tumabi siya sa dalawang magkasintahan na naka-upo sa bench at abala sa paglalaro ng cellphone. Hindi namalayan ng mga ito ang paglapit niya. Kinalabit niya ang babae dahilan para mapatingin ito sa kanya.


"Good morning po." Bati nito kahit bakas pa sa mukha nito ang pagkagulat. Sumunod namang bumati ang katabi nitong lalaki.


"Good morning po, Sir."


Napangiti ang salarin. Isa na namang bagong biktima.


Lingid sa kaalaman ng babae ay nakadikit na sa kanyang uniporme ang isang 'bug'. Isang cover listening device na kombinasyon ng radio transmitter at microphone. Sa pamamagitan nito ay nagagawang marinig ng salarin ang kahit na ano mang sabihin ng babae kahit nasa malayo pa itong lugar. Madalas itong gamitin ng salarin sa pagmamanman sa mga babaeng bibiktimahin niya.


"Wala kayong klase?" Tanong niya na lamang upang hindi ito maghinala sa kanyang inaakto.


"Wala po. Break time po kasi namin." Paliwanag ng babae.


Tumango ang salarin at tumayo. Nagpaalam na siya sa dalawa at nagsimulang maglakad palayo habang may matagumpay na ngiting nakaukit sa kanyang mga labi.


***


ALAS KWATRO ng hapon. Nasa loob ng kanyang kwarto ang salarin. Kumportableng nakaupo sa kanyang paboritong upuan habang nakaharap siya sa isang monitor. Kita sa monitor ang mga pinaka-importanteng lugar na palihim niyang nilagyan ng CCTV camera.


Bukod sa mga parte ng kanyang bahay, kita rin sa monitor ang gate ng Montessori High, opisina ng mga pulis na may hawak sa kaso ng mga nawawalang babae. At ang pinakapaborito niya sa lahat—ang kulungan ng mga babaeng nabiktima niya.

After ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon