Chapter 10 : Alliance

443 100 66
                                    



CHAPTER 10

ALLIANCE


KIMBERLY'S POINT OF VIEW.


"Let's save the girls." 


Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob para sabihin ang mga salitang iyon. My life is in danger pero nakuha ko pa ring magpresinta ng tulong. I am torn between keeping myself safe... and saving Pearl along with the other girls. Kung mayroon mang gustong tumulong sa akin, it might trigger the latter in my options.


"Alam mo naman siguro na hindi biro ang sinasabi mo, hindi ba? Ilang buwan nang pilit na nire-resulba ng pulisya ang kasong iyan pero kahit lead ay wala silang nakuha," paliwanag ng Detective.


Impossible. Maybe, those detectives holding this case were overlooking that they failed to see the most obvious evidence. Hindi pa nahuhuli ang culprit, pwede ko pa iyon paniwalaan. Pero walang lead? That's too impossible. No traces, no finger prints, no evidences? They think that the culprit committed a very perfect crime that leads them to nowhere—but there is no such thing as perfect crime. Again, maybe they just failed to see it—or worst, baka may nag-uutos?


"Hindi na sila naghanap pa ng iba pang mga ebidensiya para suportahan ang kasong 'to. Siguro dahil akala nila ay perpekto nga ang pagkakagawa sa krimen—o dahil baka may nag-uutos sa kanila? Hindi natin alam." I bravely stated.


The Detective starts to tap his fingers on the top of the table again, "And that's what makes me so cool." Tangi nitong sinabi dahilan para magtinginan kami ng mga kaibigan ko. Kanina lang ay ang seryoso niyang tingnan, pero bigla na lamang siyang naging pa-cool na para bang magkakasing-edad kami. "May isang matandang lalaki ang nakakita sa suspect. Isang lalaki ang namataan niyang paikot-ikot sa labas ng Montessori High at nakakapang-hinala ang ikinikilos. Madilim kaya hindi nakita ang hitsura so hindi pa sigurado ang age. Ang height naman ay nasa about 180 – 190 cm. I assume na may maganda itong pangangatawan at may sapat na lakas para makapag-take advantage sa mga babaeng biktima niya. Walang CCTV sa lugar kung saan nakita ang lalaki na paikot-ikot."


So, this is his job as a profiler.


"Pero ang sabi, wala raw witness? Iyon ang nabasa ko sa dyaryo." Tanong naman ni Jhon Mar.


"And that's what makes me even cooler." Dropping the honorifics, the Detective smiles sheepishly. Hindi maipagkakaila na magkapatid nga talaga sila ni Dominique. Inilapag niya sa lamesa ang isang long folder. "According sa in-assume ko na physical appearance ng suspect, narito ang listahan ng mga lalaking malaki ang posibilidad na nasa likod ng krimen."


I am about to open the folder nang bigla itong hilain ng Detective dahil sa paglapit ng waiter para kunin ang orders namin. 


Nang makaalis ito ay tatawa-tawang nagsalita si Matthew, "And I assume na this is not the right place to scan it."


"If we only have a place."


Gusto kong sabihin na pwede sa bahay namin pero malalaman lang ito ni Mom. Hindi niya dapat malaman na tumutulong ako sa pag-iimbestiga sa isang kaso na mga pulis dapat ang may hawak dahil ako na ang susunod na biktima. Sino ba namang Ina ang matutuwa kapag nalaman niyang anak na niya ang susunod na biktima? Mag-aalala lang siya at ipupunto na naman niya ang Montessori. And Montessori High is out of it...maybe.

After ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon