Chapter 14 : What's for the Best

406 91 48
                                    



CHAPTER 14

WHAT'S FOR THE BEST


THIRD PERSON'S POINT OF VIEW.


Isang pagkasa ng baril ang tila ba nagpa-urong sa mga luha ni Valery pabalik. Na-estatwa naman si Darell sa kinatatayuan habang ramdam na ramdam ang isang matigas na bagay na nakatutok sa kanyang sentido—isang baril. Marahang lumingon si Valery sa kinaroroonan ni Darell. Hindi siya makapagsalita nang makita ang kanilang Dean na may hawak ng baril, nakatutok sa ulo ni Darell habang bakas sa mukha nito ang sobrang galit.


"Sinusundan niyo ba ako, mga bata?" Matigas na tanong nito. Rinig na rinig ang malalim at buong-buo nitong boses dahil sa katahimikang bumabalot sa buong paligid.


"S-sir, drop the gun," pagmamakaawa ng lumuluhang si Valery.


Itinaas ni Darell ang kanyang dalawang kamay at marahang umiling kay Valery. May sinasabi siya pero hindi naman ito maintindihan ng dalaga dahil walang boses ang lumalabas sa kanyang bibig.


"Kanina ko pa kayo napapansin. Anong balak niyo, ha?" Muling tanong ng kanilang Dean na hindi na maipinta ang hitsura dahil sa sobrang inis. Mula kaninang paglabas niya sa Montessori High ay nakikita na niya ang pagsunod ng dalawa sa kanyang sasakyan mula sa kanyang rearview mirror.


"Y-you! You are the man behind the After Class Kidnapping! Where are the girls? Tell me where did you hide them?!" Lakas-loob na tanong ni Valery sa matanda. Napatingin sa kanya si Darell at sinenyasan siyang tumahimik na lamang, subalit isinantabi lamang ito ni Valery.


Bahagyang sumilay ang mga ngiti sa labi ni Mr. Maligaya, dahilan upang muling balutin ng kaba at takot ang buong katawan ni Valery. Kapwa sila nagulat nang tumawa ang kanilang Dean ng sobrang lakas. Napapahimas pa ito sa bilugang tiyan habang walang tigil sa paghalakhak. Lalo pa silang nagulat nang ibalik nito ang baril sa likod ng kanyang pantalon.


"Nakakatawa kayo," napa-iling pa ito bago pinunasan ang suot na salamin gamit ang laylayan ng suot na polo. Muli niya itong ibinalik sa kanyang mata. "Magsi-uwi na kayo. Lumalalim na ang gabi."


"Wait! You don't try to—" Muli pa sanang sisigawan ni Valery ang matanda pero agad ng tinakpan ni Darell ang kanyang bibig. Kunot noo naman siyang tiningnan ng dalaga saka kinagat ang kamay na nakaharang sa kanyang bibig.


Napasigaw si Darell sa sakit. Inapakan din ni Valery ang paa ng kasama nang makitang humaharurot na paalis ang sasakyan ng kanilang Dean.


"Tingnan mo ang ginawa mo! We lost him again, you idiotic ugly—" Hindi na naman muling natapos ni Valery ang sasabihin dahil inunahan na siya ni Darell.


"He's not the kidnapper," saad nito na nagpatahimik kay Valery. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ng kasama. Parang kanina lang ay tinutukan siya nito ng baril tapos sasabihin nitong hindi siya ang kidnapper? Nahihibang na ba ito!?

After ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon